Habang nasa daan, hindi niya maiwasan ang hindi ito sulyapan, partikular sa sugat nito sa braso. May mga bahid pa rin iyon ng dugo. She can't help but to feel guilty. Natamo nito iyon dahil sa pagliligtas nito sa kanya. Bukod sa braso ay mas malala ang natamo nitong sugat sa kanang kamay. Marahil tumama iyon sa maliit na bato ng matumba sila. It was the reason why she's infront of that steering wheel driving him home. "A-Ayaw mo ba talagang pumunta muna tayo ng clinic para--" Umiling ito pagkunwa'y bumahid sa labi ang isang masuyong ngiti. "Ayos lang ako." Maikli nitong sagot. Palihim nalang siyang bumuntong-hininga saka itinuon ang mga mata sa pagmamaneho. Nakakabinging katahimikan na ang sunod na namayani sa pagitan nila. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat dahil

