"OH ano, kumusta na kayo ni Zeth? Lumevel-up na ba? May nakapagsabi sa akin na nakita kayong magkasama sa bayan noong sabado and guess where?" Ngising-ngisi si Vera. As usual nasa likod sila ng school kung saan ang kanilang tambayan.
Kuryoso naman siyang tiningnan ng tatlo pagkunway kay Vera. Hinihintay ang dugtong nito.
"At Mariana's motel.."
She saw how their eyes widen. Pilya agad ang ngisi ni Jayla, si Lila naman ay nagtatanong ang mga matang bumaling sa kanya. Samantalang parang nakita niya ang sandaling pagdilim ng titig ni Marga bago ngumiti.
"Don't tell us para lang manalo ka sa pustahan ay pumayag ka na mag motel kayo?"
She widen her eyes. "Guys it's not what--"
"What's wrong with that Marg?" Si Vera. "Wala naman tayong napag-usapan na hindi siya pwedeng mag all the way. It's a win-win issue so it's up to her kung--"
"Hindi kami nagmotel ni Zeth." agaw niya.
Bumaling ang mga ito sa kanya. Agad na nagtaas ng kilay si Vera.
"We didn't okay."
"Ows?" Hindi parin ito naniniwala. "Brix saw you two inside the motel, ang sabi pa nga niya--"
"Naroon nga kami but it's not what you think it is."
"You mean.. walang nangyari?" Si Jayla. Halata parin ang pagdududa sa mukha.
Umiling siya. "Wala, I had a fight with my mom and I plan not to go home, nasa bulacan si Lila kaya wala akong ibang mapuntahan. Binalak ko na mag motel nalang muna pero.." She bit her lip. "Dumating si Zeth."
Nagtaas ng kilay si Marga. "Kung hindi kayong magkasamang pumunta doon, paano niya nalaman na naroroon ka? Did you call him?"
Umiling siyang muli. "I don't even have his number." She murmured much to herself. Oo nga pala, ilang beses na sila nitong nagkausap at ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa bahay ng mga ito pero ni hindi niya man lang naitanong ang cellphone number nito.
Zeth didn't asked her number either. Why would he? Hindi nga siya interesado sayo di ba?
"Nakita niya ako sa labas ng school ng gabing iyon-- hindi ko rin alam na sinundan niya ako."
Jayla laugh louder. Napabaling sila rito. She look at them with naughty eyes. "I think kailangan na nating bumili ng ticket papuntang boracay, mukhang mananalo na si Drey sa pustahan ah! Zethrius won't go followed her if his not interested with her."
Ewan niya kung bakit mas lalong bumigat ang nararamdaman niya ng ipaalala nito ang tungkol doon. Dapat sana masaya siya di ba? Kung totoo ngang interesado na ito sa kanya gaya ng sabi ni Jayla. Then panalo siya. Aside from the free trip tickets, mare-restore niya ang kanyang ego, mapapatunayan niya pa sa mga ito na totoo ang sinabi ni Lila na walang sino man ang hindi nabibighani sa kanya. Mapapatunayan niyang totoo ang sinabi niya na kaya niyang tunawin kahit ang pinaka malamig na pusong gaya ni Zethrius. Pwede na niya iyon ngayon ipagmayabang ng taas noo.
Pero bakit hindi niya magawa? Bakit tila may bikig sa lalamunan niya?
"Ang pustahan," si Marga pa rin. Bakit may pakiramdam siyang puno ng pait ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito? "Ay pag nagawa niyang maging boyfriend si Zethrius, eh hindi pa naman niya nagagawa. So, hindi pa sigurado ang panalo niya. Zethrius won't be that easy to tame. Hindi ibig sabihin na sinundan niya si Drey ay gusto na siya nito. There could be another reasons.. curiosity or symphaty. Maybe at that time she look so vulnerable kaya marahil naging concern si Zeth."
"Exactly, why would he feel concern kung wala siyang gusto?" sansala pa rin ni Vera.
Malalim nalang siyang napabuntong-hininga. Para sa kanya mas may laman ang sinabi ni Marga. Hindi rin siya naniniwalang may gusto na ito sa kanya. Oo nga, mas okey na ngayon ang pakikitungo nito sa kanya. But that doesn't mean na gusto na siya nito. With that short spasm of time, he can't be. She remember clearly how sure he was when he told his friends that he will never like her. Kung hindi niya ito kinulit-kulit at sinudan-sundan, surely, he will never gave her a second look. Isa pa, kahit naman nakakapag-usap sila, malamig pa rin ang tungo nito sa kanya.
O iyon nalang talaga ang gusto niyang isiksik sa kanyang utak dahil alam niyang iyon ang mas madali. Hindi niya gustong isipin na totoo ang sinabi ni Vera dahil mas lalo niyang mararamdaman ang bigat sa kanyang dib-dib. Mas lalong madedepina ang paghihirap ng loob niya.
Sana nga, tulad nalang iyon ng sinabi ni Marga. Mas madali.
Wala na siyang paki-alam kung matalo man siya sa pustahan. Buying those tickets will not cost her father much. Eh, ginagastos nga lang nito ang pera sa mga babae nito. Wala na rin siyang paki-alam kung pagtatawanan siya ng mga ito o sasabihan na hanggang salita lang pala siya. Magsasawa rin ang mga ito.
It's not just Zeth, mas lalo siyang nagui-guilty kapag naaalala niya si inay Zeny. Napakabuti nito kaya siguro kay dali siyang ginupo ng kanyang konsensiya.
"Meryenda na tayo." si Lila. Sa pagkakataong iyon dalawa lang silang magkasama. Hindi sila sumama kina Vera ng mag aya ang mga ito na sa labas sila mag snacks. She don't feel like going out with them kaya minabuti niyang wag sumama. At dahil hindi siya sumama, nagpaiwan na rin si Lila.
"Hindi ka ba pupunta ng library ngayon?"
Palabas na sila ng gym ng magtanong ito. Marahil nasanay na ito nitong mga nakaraang araw na matapos ang lunch break ay nagkukumahog siyang pumunta doon para makita si Zeth. Pero mula kahapon ay hindi na.
"Hindi ka rin nagpunta kahapon."
"N..nag iba na kasi ang schedule ng klase ni Zeth.." Pagsisinungaling niya.
She wanted to tell her her reason pero hindi iyon ang tamang lugar at panahon. "Alam mo naman siguro na siya ang dahilan kung bakit ako pumupunta do--"
Napatigil siya sa paglalakad ng sikuhin siya nito. Pagbaling niya ay ngumisi ito saka ngumuso sa kanilang harapan. Kunot-noo niya iyon sinundan ng tingin.
Pasalubong sa kanila si Zeth at mga kaibigan nito. They are all wearing their jersey. Magpapraktis siguro sa gym.
"Ah, Lil about the modeling audition sa La Pierre, tingin mo papasa ako?"
Kumunot ang noo nito. Takang tumingin sa kanya.
"Akala ko ba hindi mo hilig ang modeling?"
Nagkibit siya ng balikat saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ito.
"Ahm, I just want to give it a try. Para mabago naman. Wala din naman akong gagawin this coming break kaya naisip kong mag- ahm.. " She bit her lip. Ilang dangkal nalang at masasalubong na niya si Zeth. Kung may ibang daan lang sana. Kanina pa siya lumiko. "Audition.." dugtong niya. Pakiramdam niya nasa lalamunan nalang niya ang puso niya. It was rapidly beating against her chest.
"You have the beauty and the body Drey, iyon naman ang criteria nila. So no doubt about it."
"Talaga?" She made it sound excited. Wala itong kaalam-alam na sinasabi niya lang ang lahat ng iyon just to avoid Zeth presence. Ang totoo, wla talaga siyang plano sa audition na iyon. Kailangan niya lang ng alibi para hindi mahalata ng binata na umiiwas siya.
Hindi pa nga ba?
"Pwede mo ba akong samahan?" Ganoon pa rin ang boses niya. Mamaya nalang siyang magpapaliwanag.
"Oo naman, wala naman akong gagawin sa sabado.. teka anong oras ba?"
"Ahm, ala una ng hapon." she muttered softly pero wala rito ang buong isip niya kundi nasa lalakeng ngayon ay nasa harap niya.
Kitang-kita niya kung paano kumunot ang noo nito ng lagpasan niya. Obviously, he knew now that she's avoiding him. Kaya kahit na nakailang hakbang na siya ay ramdam pa rin niya ang pagsunod ng mga titig nito. Naiwan itong natitigilan.
Narinig niya pa ang pagtawag rito ng kasama nito.
"A..ano iyon?"
"Huh?"
"Did you just avoid Zeth?" Taas kilay na tanong ni Lila. "s**t! Obviously!" Ito rin ang sumagot. "But why?"
Balewalang nagkibit siya ng balikat.
"Don't tell me-- did he dumped you?"
Umiling siya. "Of course not Lil. Ni hindi ko nga siya nasabihan na gusto ko siya-- kahit para man lang sa pustahan."
"Pero bakit? Obviously, malaki ang tyansa mong manalo. Mukhang may gusto na sayo si Zeth."
Mahina siyang tumawa. "Wala noh.. Marga was right, focus iyon sa pag-aaral."
"Then he did dump you!" Kulit pa rin nito.
She just chuckled and did not explain any further. Wala siya sa mood para magpaliwanag.
"How about the tickets? Sa makalawa na ang huling araw ng pustahan ah."
"E di bibili ako."
"Hindi talaga kita maintindihan, you're almost there. Bakit hindi mo muna gawing boyfriend para manalo ka sa pustahan and after that, a week perhaps, break up with him kung ayaw mo talaga sa kanya."
"Nagdesisyon na ako and it's final Lil. Talo ako, fine! I'll buy their tickets. They'll laugh at me, Let them be.. I don't really care!" Buo sa loob na sabi niya saka ito inunahan sa paglalakad.
MARAMING mga studyante sa loob ng canteen ng pumasok sila. Si Lila na ang pina-order niya ng snacks nila. naghanap naman siya ng bakanteng mesa.
At yung sa pinakagilid kung saan natatabunan ng Indoor plants ang pinili niya. Makakapag-usap sila nito ng maayos.
Hinila niya ang upuan pero bago pa man siya naka-upo ay may pumigil na sa kanyang braso.
Gulat siyang lumingon.
"Mag-usap tayo!" sing-lamig ng yelong sabi ni Zeth. Walang babalang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila. Ni hindi siya nito binigyan ng pagkakataong tumutol. He pulled her urgently kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Leaving Lila and the other's dumbfounded.