I was just sitting here next to my brother, Nikolai. Nandito kami sa may porch. Tahimik lang kami pareho. Hindi pa naman nagtatagal simula nang patulugin ko ang anak ko. Iniisip ko lang iyong nangyari no’ng nakaraang dalawang araw. Iyong araw na umalis ako sa bahay ni Martines. Akala ko magiging madali lang pero grabe iyong lungkot ko. Hindi ko na alam kung si Martines o si Keith ba ang tinatraydor ko. “Tinanong mo na ba si Keith?” basag niya sa katahimikan. Napakunot lang ang aking noo. “Tinanong?” naguguluhan pang tanong ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. “I told you to ask Keith if they’re really flirting before.” Dahana-dahan naman nawala ang kunot ng noo ko nang maalala ko iyon. Tumango na lang ako sa kaniya. He’s talking about Eirah again. “Oo, and you’re right.

