Chapter 2

2673 Words
I am Mikai Serratore. I won’t give up. This is my dream; I can do this. Paulit-ulit kong sinabi ang mga salitang iyon sa aking sarili. Kasalukuyan akong inaayusan ni Madam Eva, not her real name. Kilala lamang siya sa pangalan na Eva. “Pak! Ang ganda mo talaga, Kai, hindi ako nagsisi na kinuha kita. Mga walang utak ‘yong bumitaw sa iyo years ago. Oh! Pak, ganda mo!” Ngumiti na lang talaga ako sa sinabi sa akin ni Madam Eva. She’s a designer s***h make up artist na rin, she gave me the opportunity to be one of her models. Hindi ko naman talaga inaasahan nba mapapabilang ako sa mga models siya. Well, she’s a well-known designer in the whole city, international na rin. Tapos na niya akong ayusan. “Stand up, girl,” sabi niya sa akin. Tumayo naman ako kaagad. May idinagdag pa siyang kolorete sa aking mukha bago siya sa akin nagpaalam. “Look at yourself, Kai, parang hindi ka nagbuntis. Dress up, may kakausapin lang ako sa labas.” Binigyan niya sa akin ang aking susuotin, tuluyan niya na akong iniwan sa dressing room. Sinunod ko lamang siya dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang photoshoot. Panaka-naka ang ang pagbuga ng hangin mula sa aking bibig. Nervous. Hindi naman ito ang una na napasali ako sa mga photoshoots. May billboard na nga ako noon bago pa man ako mabuntis. Matagal na akong nagmo-modelling. Natigil lang ako nang malaman ko na buntis ako. Binitawan ako agency ko dati kasi nga nalaman na buntis ako. Buti na lang hindi nag-spread ‘yon at hindi na nakarating sa Tastotel University before kaya naman tahimik kaming nakaalis ng bansa para doon ko na alagaan ang pagbubuntis ko. Oo, napakaraming opportunity for me to bloom ang nawala sa akin. Para bang umurong lahat. Bigla na lang nagfast forward ang buhay ko. Tumigil ang career ko kasi pinili kong ibuhos ang oras ko sa anak ko. Wala naman akong pinagsisihan do’n. Tama lang ang desisyon na ginawa ko. I love my son so much. Natawa na lang ako. I shook my head when I suddenly remember this one of the famous and biggest dance studios in Korea. Nakita nila kung paano ako sumayaw and they’re eager to get me, work to them, masaya ako no’n. But then, umurong ako dahil nabuntis nga ako. Bob came to my life to give me happiness. Hindi ko na sana ipagpapatuloy itong mga pangarap simula no’ng bata pa lang ako pero sabi ng pamilya ko; Mas masarap mabuhay kung wala kang pinagsisihan kahit na isang bagay lang. So yeah, nagsisimula ako ulit, pero akalain mo nga naman? May kumuha na kaagad sa akin. Hindi ko pa rin matukoy, sa totoo lang kung paano ako na-discover ni Madam Eva. Naiisip ko na dahil noon pa man ay may mga shoots na ako, baka hinihintay niya lang ako na makabalik sa industriya. Like I have said, may billboard pa nga ako, eh. Bilang lang siguro ang mga tao rito sa Tastotel na hindi ako kakilala. Nang mawala ako ay pinag-usap-usapan talaga nila ang pagkawala ko. Wala silang ideya na buntis ako kaya ako nag-drop. Back to how Madam Eva discovered me. Mas malakas ang kutob ko na si Fabella ang nag-introduce sa akin kay Madam Eva. She’s actually here, nagta-trabaho siya under Ma’am Eva. PA to be specific kung anong trabaho niya kay Madam Eva. Hindi naman kami close ni Fabella, I know, she’s mad at me too like Kate Blake Armalana because of what I have did to them. I lied. Kasama siya nila Keith na nagpunta ng Cebu. I didn’t know na seseryosohin nila ‘yon. Bakit naman sila lalayo? Mali ko rin naman kasi nagbigay pa ako ng address ng Lola ko na nando’n. That time kasi, narinig ko si Papa na pupunta raw sa Cebu si Tito Cardo, kinabukasan noon ay panay na naman ang pilit nila Keith sa akin. So binigay ko sa kanila ang addresss ng Lola ko na nakatira roon, hindi ko nga alam kung tama ba ‘yong address pero nakita nila iyong Tito ko ro’n tapos doon nila na-realize na, ‘Hey, niloko tayo ni Mikai’. Nagmamatigas talaga ako no’n dahil ayaw kong makita ni Keith kung hindi niya sasabihin sa akin na papakasalanan niya ako. At isa pa, natatakot ako na baka ilayo nila sa akin si Bob. Pagiging makasarili ang mga ‘yon pero mabuti na ang nag-iingat. Pero na-realize ko rin na seryoso si Keith, handa siyang gawin ang lahat para lang makita ang anak ko. Hindi siya pupunta sa Cebu kung hindi. Tama rin naman sila Kate, isa rin sa mga rason kung bakit nagpaka-layo-layo ay dahil ayaw ko ng kahihiyan. Ayaw kong marinig ang kung ano mang sasabihin sa akin ng mga tao sa paligid ko. Aaminin ko na no'ng una ay hindi ko matanggap si Bob. Paano ba naman kasi?! Ang hina ng loob ko no'n. Unang-una ay dahil alam ko na hindi matatanggap ni Keith ang bata na napatunayan ko ngayon na mali ako, pangalawa, hindi niya ako mahal. Pero ngayon, kaya kong pagsigawan ang anak ko sa buong mundo. When I first see his face, sinabi ko sa sarili ko na I will protect and give him care that he deserves. No’ng nabuntis ako, hindi naman na ako minor no’n, but still teen. Si Bob iyong nagpabago sa akin. Sabi nila, ang sama raw ng ugali ko, lalo na noon. Lahat na lang tinatarayan ko. Malaki na nga raw ang ulo ko bago pa ako mag-bloom, mas lalo pang lumaki nang magsimula na akong sumikat. Nasa akin na nga raw ang lahat sabi ng karamihan pero hindi naman. That’s not true. I smiled bitterly. Kung nasa akin na ang lahat, nasaan si Keith? Bakit wala sa akin? Bakit hindi sa akin? Akala lang nila nasa akin na ang lahat but no. I still have flows. Tao rin ako. Haha, I actually realized that when Bob came to my life. Yes, tama ang sinabi nila na lumaki nga ang ulo ko noon. Sobrang taas ng tingin ko sa sarili ko, ang yabang ko no’n. Pero para bang nabago ako dahil sa anak ko. He’s a blessing. “Ready, Kai?” Sakto lang nang pumasok si Madam Eva ay na-isuot ko na ang damit na siya mismo ang nagdesign. It’s revealing clothes, actually and that’s okay. It’s a floral dress, has thin straps. Kitang-kita rin talaga ang binti’t hita ko kung wala lang akong suot na sheer tights since I am wearing a micro dress. For summer itong attire na sinuot ko since malapit na ang summer. Ito pa nga lang ang unang shoot ngayong bumalik ako pero ilalagay kaagad ang pagmumukha ko sa magazines. I’m proud of myself. Wala naman akong issue sa damit ko. I actually like this outfit. Pretty much. “Y-Yes, M-Madam Eva,” I said. I tried to sound confident but I can’t help trembling. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Pinisil niya pa ang mga palad ko nang mapansin niya ‘yon. “Calm yourself down. Nakikita ko sa mga mata mo ang nerbyos,” sabi niya. Napangiwi naman ako. “It seems like this is my first time,” sabi ko. Nginitian niya lang talaga ako. “No,” hindi niya pagsang-ayon sa akin. “Alam ko na iniisip mo na dapat hindi ikaw ang nandito ngayon kasi hindi mo deserve. I’m sure that you got a lot of negative feedback when people found out that you bore, don’t mind them, please?” Napangiti na lang ako. “Thank you.” “Let’s go?” yakag niya sa akin. Tumango naman ako kaagad. Hinila na niya ako palabas ng dressing room. Patungo na kami ngayon sa studio photography kung saan ako kukunan. Mapait lamang ang mga ngiti ko. Para bang ibang-iba na ang pakiramdam, kung dati, tuwang-tuwa talaga ako, iyong pakiramdam na ako ang sentro, ako ang bida. Hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon pero kailangan kong magtino. I shouldn’t involve my problems here. Habang naglalakad pa kami sa hallway ay nasalubong namin si Fabella. Ngiti naman kaagad ang binungad niya sa amin. “Madam Eve, all set,” sad nito sa amin. Hindi naman kami tumigil sa paglakad. Dire-diretso lang kami, sinalubong kami ni Fabella at pagkatapos ay sinabayan kami sa paglalakad. “Good. Minamadali na ba tayo ni Mr. Rocha?” “Not really. Mr. Rocha said that he is willing to wait.” “That’s unusal,” sabi ni Madam Eva. Napansin ko pa na napaismid siya. Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nila kaya hindi ko na pinansin. Natigil kami sa paglalakad sakto sa may tapat ng pinto ng studio photography. Nagharap si Madam Eva at Fabella. “Tawagan mo si Alorah, maghingi ka sa kaniya ng updates, okay?” “Yes, Madam,” sagot lang nto. Fabella turned to me. “Good luck,” she said with a smile on her face. I nod at her. Tinalikuran niya na kami pagkatapos. “Breathe,” sabi ni Madam Eva sa amin bago niya buksan ang pinto ng studio. Bumungad kaagad sa akin ang mga LED lights and other stuffs there. Naramdaman ko ulit ang pamilyaridad. Nakuha ko naman ang atensyon nila nnag pumasok ako. Nagtaas-noo naman ako. I told myself to be confident. “The photoshoot will start in a minute,” narinig kong sabi ng isa. Binitawan n ani Madam Eva ang kamay ko. Nauna siyang naglakad kaya sumunod lang din ako. Confident lang ang paglalakad ko na para bang nasa stage ako at may launching na nagaganap. Nagpunta kami ni Madam Eva sa photographer. I am not sure but he’s holding a camera pero nakatalikod siya sa amin. “Mr. Rocha,” tawag ni Madam sa atensyon nito. Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Malamang sa malamang ay siya ‘yong tinutukoy ni Madam Eva kanina, iyong naging pag-uusap nila ni Fabella. Bukod pa ro’n ay nakaramdam ako ng pamilyaridad sa kaniya. Para bang nakita ko na siya before pero hindi ko maalala. Dahan-dahan niya kaming nilingon. I am not sure kung dahan-dahan ba ‘yong ginawa niyang paglingon pero ‘yon ang dating sa akin. Dahan-dahan ko ring na-realize kung anong itsura ang meron siya. Puwede bang lumaglag ang panga ngayon? I refused myself to do that. But, hell! He looks so hot on his plain black thin shirt! Plus, his handsome face… Oh, no. I need to get a grip. Hindi kailangang mawala ang poise ko dahil lang sa nakakita ako ng guwapo. “This is Mr. Rocha, and he’ll be the one taking your photos today,” pakilala ni Madam Eva sa lalaki. Napatango na lang ako. Naka-poker face lang ako pero sa totoo lang ay kanina ko pa gustong ngumiwi. He’s so hot! “Hello,” bati ko na lang din. He smiled at me. I found him more handsome when he smiled! “Hi, Mikai, right?” His voice… He has this baritone voice, and it’s really good to my ears. OMG! Puwede na bang ngumanga? Or tumili na lang? Kung siya ang magte-take ng pictures, so I am right that he’s the photographer pero hindi siya bagay dito! Mas maganda siguro kung model siya. Qualified na qualified siya! The image of Keith suddenly flashed on my mind. Nagsimula na akong ikumpara silang dalawa. I can’t help it! Mikai, always remember your poise. I said to myself. “Yes, I a-am Mikai Serratore. It’s nice meeting you, Mr. Rocha,” I said. Ako na ang nag-extend ng kamay ko sa kaniya for shake hands. Hindi naman nawala ang mga ngiti niya sa kaniyang mga labi. Inabot niya ‘yon kaagad. “Martines,” matigas na sabi niya. I felt his hands, humigpit ang hawak niya sa kamay ko, ngunit sakto lang ‘yon at hindi naman ako nasaktan. Parang gusto ko na lang magta-talon nang mahawakan ko ang kamay niya. “Martines?” “That’s my first name,” sagot niya. Kumindat pa siya sa akin bago niya bitiwan ang kamay ko. Tumalikod na siya sa amin at nagfocus muli siya sa camera niya. Doon na ako literal na napanganga. Hindi ko na tuloy naisip na katabi ko pa rin si Madam Eva! “He’s handsome, right? Everybody knows that,” sabi niya sa akin. “I-tikom mo ‘yang bibig mo, Kai,” sabi niya sa akin. Tinalikuran niya na rin ako. Seconds later ay muli akong dinaluhan ni Mr. Rocha na Martines daw ang first name. “Magsisimula na,” sabi niya. Marunong naman pala siya magtagalog. “Okay, thank you,” sagot ko na lang sa kaniya bago ako nagtungo sa kung saan ako ako kukuhanan ng litrato. I could see the lighting accessories, reflectors and other equipments that are needed here. Also, the man in front of me, holding a camera and smiling widely while looking at me. Focus. Focus. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ‘yan. Tinanggal ko sa isip ko ang itsura ng lalaking ‘to hanggang sa magsimula na kaming magshoot. I started to pose; I did a standing, three-quarter and many poses that I know. Parang bigla lang akong nalutang at nawala ako sa focus pero hindi niya ako sinita. Sinubukan ko naman ang sarili ko na huwag ma-distract sa kumukuha sa akin ngayon ng litrato pero hindi ko pa rin maiwasan na ma-distract, lalo na’t panaka-naka ang pagtingin ko nang diretso sa mukha niya para alam ko kung saan ako titingin. It’s not necessary to look straightly at the camera at all times. I also need to follow the photographer’s gesture. Isa iyon sa nasa isip ko habang kalahati naman ng utak ko ay dine-describe ang lalaking ‘to. Mas lalong nakaka-distract para sa akin ‘yong tahimik lang siya’t hindi nagsasalita! I mean, iyong sasabihin sa iyo na ganito naman kaya nagsarili na lang ako ng pose kasi hindi niya talaga ako sinisita. What the… “Look at me, then smile.” Finally! Nagsalita siya. Ginawa ko naman ang sinabi niya sa akin. “Turn your back on me while your hands are on your waist.” And I did. I’m representing this summer outfit that I am wearing but on the first shoot, parang hindi sa damit ko naka-focus. I don’t know. I feel it. “Look,” sabi niya. Umayos pa siya ng tayo at tumigil sa pagkuha sa akin. Nakatingin siya ngayon sa camera. He walked towards me. Napatanga naman ako ng kaunti. Kahit paglakad niya, It had an impact on me. Dahan-dahan ulit iyon sa paningin ko. Nang makalapit na siya ay agad niyang inilapit sa akin ang camera upang ipakita niya sa akin ‘yong kuha sa camera niya. Tiningnan ko naman ‘yon at doon talaga ako nag-focus. I saw myself there, malamang! “It’s nice,” sambit niya. Napatango naman ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon. He’s a good photographer, hindi na ako magtataka kung malalaman ko kapag nag-search ako mamaya tungkol sa kaniya na isa siya sa mga professionals. Oo, nagbabalak ako. “Yeah, it i—” Sinasabi ko ‘yon habang nililingon siya. Natigilan lang talaga ako nang sa paglingon ko ay napansin ko siyang nakatingin nang diretso sa akin. Nagtama ang mga paningin namin. Ilang inches lang ang layo ng aming mga mukha. Nasa harap pa rin namin ang camera na hawak-hawak niya. Masasabi ko na literal na mas guwapo siya kapag malapit. I became uneasy, pero hindi ko naman masyadong pinahalata, nagsimula na rin lumakas ang t***k ng dibdib ko na akala mo ay matindi pa sa nerbyos. It was a familiar feeling. Napalunok ako. Ilang segundo lang ang pagtitigan namin dahil ako na ang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tingnan lang siya ng diretso sa mga mata niya. Para ba kasing iyong mga tingin niya’y pumapasok sa katawan ko. “One more,” he said. Tumikhim pa siya. Napalunok na lamang ako ng ilang beses. Sinabi ko lamang ulit sa sarili ko na mag-focus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD