SIMULA
"Mom, can you teach me how to swim?" tanong ko kay mom na lumangoy pabalik-balik sa 'di kalakihan naming pool.
Pinahinto ko ang timer nang makita 'kong nakabalik na ito sa kinaroroonan ko at umahon. Ngumiti ito at tinignan ako, "Gusto mo ngayon na, darling?"
Ngumuso ako at umupo sa gilid, nilalaro ko ang aking mga paa sa tubig at naramdaman ko kaagad ang lamig nito. "Mom naman eh, kilala kita. Aasarin mo lang naman ako." Lumabas ang tantrums ko at sinisipa ang tubig.
Naalala ko naman na magpapaturo ako sa kaniya magswimming ay hindi ko akalain na sa bathtub niya ako dinala. And what's worst, yung tubig lang ay katamtaman lang kapag ako ang uupo doon. She's still treating me like a child, in fact I'm already six years old.
May isang babae na katulong sa aming bahay ang lumapit at inabutan si mom ng towel. Narinig ko ang pagsalamat ni mom nito at pinahiran nito ang kaniyang mukha.
Bakit ba ayaw ako ni mom turuan ng swimming? Madali lang naman siguro lumangoy? Konting paddle lang siguro at gagayin ko ang galaw ng mga aso, siguro lulutang na ako?
Tinignan ko si mom na tumayo at linapitan ang timer na inilagay ko sa aming outdoor table at pinupuri ang time niyang world record. "Wow, bumilis na pala ako lalo."
Napakagat ako sa aking labi at tinignan ang mala-asul na tubig at kumikislap ito sa init ng araw. Para akong tinatawag nito.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumayo. You can do this, Arielle. Kaya mo ito dahil kaya rin ng mom mo. I want to be just like my mom.
Tumalon ako papunta sa pool at nanlaki ang mata ko ng hindi na ako maka-ahon at pilit 'kong ginagaya si mom pero hindi ako lumulutang gaya niya.
I can't breathe. Binuksan ko ang aking mata at ang repleksyon na ng araw ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.
NAGISING ako sa isang tinig at napabangon ako. Napalingon ako sa katabi kong salamin at nakikita ko ang repleksyon kong basa pa ang buhok at ang putla ng aking mukha. Naalala ko ang nangyari kanina kaya nanlaki ang mata ko at napatingin sa aking ina na natutulog habang hinihimas ang aking comforter.
Nakapikit ito at at napabuntong-hininga ng marinig ko uli ang munting pagkanta ni mom na lagi niyang kinakanta sa akin kapag matutulog. Tinignan ko si mom at hinimas ang kaniyang buhok, I'm still thankful na nandito pa rin si mom sa tabi ko dahil wala ng time ang aking ama sa amin.
Napatingin ako kay mom at kitang-kita ko sa kaniya ang pagod pero lagi pa ring nakangiti na parang wala lang sakaniya ang lahat. Sa labing-taong gulang ko dito sa bahay namin, alam ko ang lahat na tumatakbo sa aming bahay. All the struggles, and the businesses issues between my family.
"Arielle? Okay kana?" nagising yata si mom dahil sa paghaplos ko sa buhok nito.
Ngumiti ako. "Yes, mom. I'm sorry for making you worried."
Narinig 'kong may kumatok sa pintuan at pumasok si dad na may malaking ngiti sa mukha pero agad rin itong nawala nang makita ang kalagayan ko.
"What happened? Why are you all wet?" nag-alalang tanong nito.
Nagkatinginan kami ni mom at ngumiti, it's a sign na huwag namin sabihin kay dad dahil alam namin paano mag-alala ito.
"Wala, dad. Dinner na tayo?"
"Yeah, what should we eat today hon'?" mom agreed and she gave me a wink. Pinapahiwatig nito na hindi sasabihin kay dad ang nangyari.
Sabay kaming lumabas at pumunta sa hapag na may nakahain na pagkain. It's ready! Yumuko muna ang aming mga katulong bago kami linagpasan at pumunta sa kanilang sariling hapag at doon kakain. Dad built it for them, sa kabilang bahay dito ay para sa aming trabahante at parang may sariling bahay na sila.
They have also their own swimming pool, nakapunta na ako roon at nagandahan dahil may sariling jacuzzi rin. I'm just happy, because they said they can experience it.
"Wow!" I exclaimed at dali-daling umupo sa aking upuan ng makita ang nakahain. Shrimps, fried chicken, shark's fin, and all other dimsum foods. Ang dami naman yata?
"Bakit ang dami?" namamangha 'kong tanong at tinignan sina mom at dad na kakaupo lang.
Ngumiti si dad sa akin, "Tomorrow is your first day sa new school mo. We should celebrate it."
Itinagilid ko ang aking ulo sa kalituhan. Ano meron? New school to celebrate?
I heard my mom laughed, "Darling, alam mo naman na pumasa ka sa isang prestigious school diba? You deserve this."
Hindi ko mapigilan ang aking tuwa dahil sa mga pagkain na nasa harap ko. Habang tahimik kami na kumakain ay may pumasok sa dining hall namin na naka-tux at namataan ko na ito ang kanang kamay ni dad.
Looks like na nagmamadali ito dahil 'ni hindi ito lumingon sa kinaroroonan ko. He used to greet me. Lumapit ito kay dad at may ibinulong. Nagkatinginan kami ni mama at nagtataka din ang mukha nito.
I saw my dad's face became horrified at napanguso ako ng makitang ikinuyom nito ang kaniyang kamao. Ano kaya ang ibinulong ni kuya Gerald?
Tumingin na sa amin si dad ng makaalis na si kuya Gerald. May masama akong nararamdaman dahil sa mga kilos nila.
"Arielle, matulog kana. Hon, samahan mo muna si Arielle sa itaas." wika ni dad at hinihilot ang sintinido nito.
"But.." magsasalita pa sana ako pero narinig ko na ang pagsita sa akin ni mom.
Napayuko ako at kahit labag sa aking kalooban ay sinundan ko si mom na papunta sa aking kwarto.
"Mom, what happened?" tanong ko kay mom pagkatapos kong mag toothbrush at hilamos sa aking mukha. Nakita ko itong nakaupo at nakatulala sa aking higaan na parang nakahiga na ako 'ron.
I picked up chimmey, my teddy bear na nakaupo sa sofa malapit sa pintuan. Hindi ako makakatulog kapag wala ang teddy bear ko.
Lumingon ito sa akin na nakangiti na. "I don't know. But your dad will handle it," sabi niya at tinapik ang aking higaan na senenyas na humiga na ako.
I excitedly jumped at my bed at agad inayos ni mom ang aking comforter. Hinimas nito ang aking buhok at inalis ang ilang hibla na nakatakip sa aking mukha. Napangiti ako sa ginawa ni mom.
"Don't worry, everything's gonna be okay." mahinang usal nito at agad kong hinawakan ang kamay ni mom na nasa aking mukha.
"Mom, pwede ba umalis nalang si dad sa trabaho niya? Nahihirapan na si dad— at ikaw." pumikit ako at hindi ko maiwasang lumuha.
Alam kong nahihirapan na si dad sa work niya, being on a big companies lalo na ang dami na niyang kaaway. All of dad's enemies will do anything just to let our family down. I heard it, kapag may katawag si dad at minsan nahuhuli ko sila mom na mag-usap.
"Para rin ito sa atin—"
I cutted her off at tinignan si mom ng masama."Well then, ayoko sa buhay na 'to. Mas gusto ko pang mamuhay ng walang-wala tayo kesa naman sa buhay na 'to at hindi tayo masaya lahat."
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. I want us to be happy. Naiinggit ako sa ibang mga ka-edad ko na masaya at kasama lagi ang pamilya nila.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mom at may kinuha ito sa kaniyang bulsa. It's a necklace, a seashell necklace. Maliit lang ito at ginto ang kulay. Tinignan ko si mom na may pagtataka.
"I want you to have this. Galing ito sa great-grandma mo." she smiled at tinulungan akong umupo para ilagay ito sa leeg ko.
Hinawakan ko ito at hindi ko mapigilang ngumiti dahil ang ganda.
"Alam mo, sa family ko namuhay kami sa isang isla. All I can see are coconut trees and the ocean. And now I can see saan ka namana kundi sa akin." Piningot nito ang aking ilong kaya hindi ko mapigilan ngumuso.
"Until I met your father, bumisita ito sa isla namin at tinulungan kami sa aming paghihirap. First time ko lang makakain ng burger dahil sa dala niya." she laughed at tinignan ako at hinimas ang aking ulo. Tumawa ako dahil sa sinabi niya.
"Namana mo talaga ang kinahihiligan ko. We both love swimming pero ipinagkait ko ang pagtuturo sayo dahil natatakot na ako noon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mom. Saan ito natatakot?
"Tinuruan ko din ang dad mo, at hindi namin napansin na nalulunod na ito. Sa pagkakaalam ko ay marunong na ito dahil matagal ko na siyang tinuruan." Pumikit ito at bumuga ng hangin. Tinignan niya ako ng seryoso sa aking mata.
"Kaya ka ipinangalang Arielle, just like your favourite Disney princess. At hindi nga ako nagkakamali, you also like to swim right?"
Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.
"Don't worry, from now on tuturuan kita. And promise me sa new school mo, pumasok ka sa swimming team ha?" hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan.
"Sure mom, magiging proud kayo ni dad sa akin." ngumiti ako ng matamis.
"Matagal na kaming proud sayo." Hinalikan nito ang aking noo kaya napapikit ako. "Hindi kita pinangalang Arielle dahil sa kinahihiligan ko sa paglalangoy. Pinangalan kitang Arielle, dahil sa story niya, she's strong and bold. Just like you."
"Protect your family, protect your love ones, and just be yourself darling. We love you, so don't worry about this problem dahil si dad mo na ang bahala sa lahat. When you grow up, ikaw na ang poprotekta sa pamilya natin. May tiwala ako sa'yo."
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo 'to sinasabi mom? I'm still six years old 'no. Matagal pa 'yan."
Tumawa ito ng mahina at hinalikan ang noo ko. "Good night, darling. Intindihin mo nalang dad mo, mainitin ang ulo."
Ngumiti ako sa sinabi ni mom at tuluyan na itong lumabas. Hinawakan ko ang pendant at hinalikan. "Don't worry, I will protect this family. I promise."
Hihiga na sana ako pero may narinig akong may nahulog sa labas ng kwarto ko. Parang may nahulog na vase.
"Mom?" I called out.
"Mom? Are you okay?" mas lalo akong kinabahan ng walang sumagot sa pagtawag ko pero isang ingay uli ng pagkahulog ang aking narinig.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa aking pintuan at pinihit iyon.
"Mom?"
Binuksan ko ang aking pintuan at hindi ko mapigilang tumili ng makita ang nakahandusay na katawan ni mom at punong-puno ng dugo ang sahig.
Napatakbo ako doon at niyakap si mom na nahihirapang huminga dahil sa dami ng dugo sa bibig nito.
"Mom!" sigaw ko at hindi ko mapigilang umiyak.
"Don't move." may naramdaman akong isang malamig na bakal sa aking ulo. Tumigil ang paghikbi ko sa kaba at takot baka masaktan rin ako.
Pinatayo ako nito at tuluyan kong nabitawan si chimmey at mahulog ito sa sariling dugo ni mom. Tumulo uli ang luha ko ng makitang nahihirapan si mom.
Help me...
In just a second may narinig akong isang nakakabinging putok kaya napa-upo ako at tinakpan ang aking tenga. Napasigaw ako ng may natumba sa aking tabi at napalingon ako doon at nakita 'kong lalaki na namimilipit sa sakit. Nakatinginan kami kaya tumili uli ako sa takot at napalayo sa kaniya.
"Arielle!"
I kept on screaming at bumibilis ang t***k ng puso ko. I covered my ears dahil sa walang tigil ng putok at kasa ng mga baril. My vision was blur at umiikot ito, nakita ko si mom na may kumuha sa kaniya na mga nakaputing mga tao, lumingon ako sa gilid at may nakita akong isang lalaking naka-itim ang pumasok sa kwarto ko at may mga ilang lalaki ang humabol.
"Arielle! Are you okay?" may narinig akong isang boses at hinawakan nito ang mukha ko. Napatingin ako sa kaniyang mukha pero hindi ko makikita dahil sa nagdidilim na ang aking paningin.
"Everything's gonna be alright, my princess. I will protect you always."
- - -