KABANATA 25 Judges "Dad!" Galak kong tawag ng makita siya sa dining table namin at umiinom ng kape. Lumingon si dad sa akin na nakangiti na ay binaba ang tasa. "Good morning, darling." Tumawag ito ng ilang katulong para paghandaan na ako ng pagkain sa mesa. Umupo ako at tumingin kay dad. "Ngayon ka lang nakauwi dad?" May inilagay ang mga katulong namin na ilang paper bags sa mesa kaya napatingin ako roon. "Binili ko sa New York, hope you like it." Aniya. Ngumiti ako. "Thanks, dad!" Even though dad is very strict to me, hindi naman niya ako ipinagkait ng mga kagamitan. Lagi niya akong binibilhan ng limited edition na bagay. Kahit ayaw ko dahil dagdag gastos kahit may kaya naman kami pero nakakapanghinayang lang na hindi masyadong magamit at nilalagay ko lang sa cabinet. "Nabalit

