KABANATA 5

1046 Words
KABANATA 5 The Lost Memoire "Hello, miss Kate!" Masayang bati ko pagkapasok ni miss Kate sa loob ng mini library ko. Nakita ko may dala-dala itong laptop at ilang mga notebook at planner. "Hello!" Napatingin ito sa tabi ko at agad lumingon sa akin pero kita ko sa mukha nito ang gulat na may halong pagtataka. "Oh! That's nice, may bago ka nang kaibigan!" She is smiling from ear to ear at parang masaya ito sa kanyang nakita. "Yes, miss! His name is Luke!" Pinakilala ko si Luke kay miss Kate. Nakita kong umalis sa upuan si Luke at lumapit kay miss para mag mano. Pareho kaming nagulat ni miss sa kanyang ginawa. I know that, pero beso lang ang lagi kong nakikita kapag may gatherings noon. They taught me that we should use a 'beso' as a sign of respect. Makaluma na raw kasi ang pag mamano. I always seen it on my family gatherings, lalo na kapag napapasama ako sa mga meeting party ni dad noon nandito pa si mom, I usually attend my dad's gathering when I was little. "Hello po, miss. Ako nga pala si Luke." Pakilala ni Luke kay miss. "Oh, what a gentleman." Humagikhik pa si miss bago umupo. Nakita kong tumingin sa akin si Luke na parang may hinihintay. I tilted my head, I'm confused of his look. "Mano ka rin," bulong nito sa akin. Tinitigan ko lang ito. Is he dead serious? Ngumuso ito at tinuro si miss na naghahanda sa discussion ngayon. She opened her laptop at doon nakatuon ang atensyon niya. "Go!" Pagtutulak sa akin ni Luke. Napabuntong-hininga ako at tumayo. Lumapit ako kay miss na napatigil sa kanyang ginagawa at tinignan ako. "Yes?" She's waiting for my response. Ngumuso ako at hinwakan ang kamay ni miss para mag mano. Nakita ko ang gulat at pagtataka ni miss nang maka-upo ako at nang mahimasmasan ay humalakhak. Napamulahan ako sa hiya sa aking ginawa. "Oh my, lakas ng epekto mo Luke." Napailing-iling pa ito habang humalakhak at nakatingin kay Luke na nakangiti. Tinignan ko si Luke na naka bungisngis. "Happy?" I asked. Napanguso ako at nahihiya sa ginawa. Tumango ito and he gave me a thumbs up. Napairap ako sa kanyang ginawa dahil mas lalo lang itong ngumiti na nang-aasar, I'm not really used to it. We started our discussion, kitang-kita ko kay Luke na pursigido itong makatuto dahil bawat explanation ni miss ay kanyang sinusulat at nagtatake down ng notes. Habang ako ay ang discussion lang ni miss at summary ang sinusulat ko. Kahit sa math ay madali lang siyang nakakatapos sa pag-sosolve ng problem set. Kahit si miss ay bilib na bilib sa kaniya. "Sino 'yon?" Tanong ka agad ni miss sa akin pagkalabas ni Luke dahil tapos na kami sa klase at tinawag rin siya ni nanay para paghandaan kami ng meryenda. "Anak ng isang helper namin, okay lang po ba na kasama ko siya?" I asked miss Kate. Tumabi ito sa akin at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa. "Anything for you, masaya nga ako dahil may kasama kang ibang bata dito sa loob ng bahay niyo." She smiled assuring me na okay lang. "I won't accept anymore salary from your dad, but he asked if Luke could enroll in this class with you. Hindi ko alam kailan at sino, siya pala ang tinutukoy ng dad mo." I nod happily. "Thank you, miss!" "You know, I'm just sad na hindi mo mararanasan noon na maglalaro kasama ang ibang mga bata. But now I'm glad!" She smiled and messed up my hair kaya hindi ko mapigilang tumawa sa kanyang ginawa. "Sabi niya kasi na hindi pa siya nakaranas ng pag-aaral kaya sinama ko siya dito. And he's two years older than me!" I proudly said. Her lips formed an 'o' parang hindi niya inaasahan ang kanyang narinig. "That's good to hear. Mas lalo ko pa palang pagbutihin ang pagtuturo ko sa inyo." She chuckled. Maya-maya pa ay bumalik na si Luke kasama si nanny Lucy. They are holding the trays na puno ng pagkain. Agad akong natakam dahil sa amoy, I can smell lumpia and crab sticks and even pastas. Hindi talaga mawawala ang pasta kapag merienda. Agad naman tinulungan ni miss si nanny para ilagay ang tray sa lamesa. We invited nanny pero agad rin itong umayaw dahil marami pa siyang gagawin. But Luke stayed, dahil grabe ang pagpipilit namin sa kaniya para samahan kaming kumain. Studying can make you hungry, dahil drained na drained yung utak kaya kailangan kumain ng marami. To make us energized. Miss Kate continued teaching, we even shifted into another topic dahil interesado si Luke tungkol sa technology. "What subject is that?" Takang tanong ko while miss Kate introduce us some kind of websites na pwede namin gawan ng kahit ano including games and applications. "When you go to college, you can choose a computer science course or information technology." Miss Kate informed me. Tumingin ito kay Luke. "Gusto mo ba ganoong work?" Tumango si Luke sa tanong ni Miss. So Luke is interested in computers? Ako kaya? Ano kukunin ko in the future? But dad's the one who will pick what course I will be on. I don't have the freedom to choose, but that's okay, hindi ko pa naman alam anong gusto ko. But all I know is that when I go to school I want to join a swimming team just like my mom wants me to do. I just wants to make friends and to enjoy my life. Ganiyan lang ka simple ang gusto ko. "Ikaw? Ano gusto mong kunin na course pag college ka na?" Biglang tanong ni Luke sa tabi ko. Agad akong napatameme sa kaniyang tanong. "Hindi ko alam." Natatawang sabi ko at napahimas sa aking leeg. Umiling ito. "Nako, huwag ganiyan. Dapat ngayon prepared ka na sa mga gusto mo. Balang araw ay hindi mo namamalayan na unti-unti mo na palang natupad ang gusto mo." "That's right Luke. Importante may kagustuhan ka na ngayon but also hindi natin mapipilit ang isang tao, malay mo Arielle is just still choosing what she want. Your future is very important kaya choose wisely." Sabi sa amin ni miss kaya napa tango kami sa kanyang sinabi. Miss Kate is right. - - -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD