KABANATA 22 Celebrate "Ano yung nabalitaan ko na kayo na raw ni Oliver?" Pambungad na tanong sa akin ni Ellie habang papasok ako sa classroom kinabukasan. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at umiling dahil hindi naman talaga totoo. Saan niya ba nabalitaan yan? Nakapangalumbaba si Bailey sa kanyang mesa at ngumisi. "Balita sa campus, alam mo naman konting galaw lang ng hari alam na ng lahat." "Nako, Arielle. Sabihin mo sa akin lahat hindi yung mag bibigla kami sa balita." Ngumuso si Ellie na parang nagtatampo. Hindi na agad ako kinukulit ni Ellie dahil sa biglaang pagpasok ng prof namin. Pero alam kong nangangati na siyang magtanong tungkol sa amin ni Oliver kahit wala naman talaga. Hindi ko alam kung nanliligaw siya sa akin pero sabi niya maghihintay siya? Pagkatapos mag discuss a

