Chapter 12
"Aray! Masakit, Mayor."
"Tiisin mo na lang. Malapit na 'to."
"Eh, mahapdi nga. Dahan-dahan kasi!"
"Oh, ito na. Ilalagay ko na 'tong band aid. Don't move." Inilapat niya ang band aid sa nabukulan kong noo. Hinawakan ko ito at marahang hinaplos, napangiwi ako sa sakit.
"Nakakadalawa ka na sa akin, Mayor. Noong nakaraang mag-aayos tayo ng stage, ulo ko ang nauntog. Ngayon namang araw ng events and parade, noo ko naman ang nauntog!" Mapanakit.
"Sorry na, Sai." Tumalikod ako at binuhat ang ibang basket para ilagay sa table.
"Hey... sorry. I didn't mean to... hurt you. That's out of my league!" pagrereklamo niya. Hindi ko siya pinapansin at nagkunwaring busy sa pag-aayos.
"Sai," tawag niya sa mababang boses.
"Oh?"
"Sorry... forgive me. This is... crazy. Kailan pa ba naging marupok ang Mayor? This is impossible," bulong niya sa sarili, pero sapat lang ang lakas upang marinig ko 'yon. Kusa akong napangiti sa isipin niya.
"What do you want? Okay, my forgiveness? Accepted. Baka bangungutin ka pa, eh. At saka, standby ka na d'on! Nagsasalita na 'yong emcee." Tinulak ko siya malapit sa may kurtina. He's tall and masculine, hindi ko siya magawang mailapit doon.
"Mayor!" inis kong tawag.
"What? " Humalakhak siya at tinggal ang braso kong tumutulak sa kan'ya, para lang akong papel na sa isang tapik ay lumipad agad. "Parang pinatawad mo lang ako para konsensiyahin ako."
"Hindi, ah!" Nagcross arm ako at sinamaan siya ng tingin.
"Sincere ako, gusto kong magsorry dahil sa trouble na nagawa ko sa'yo. Takot ako sa Papa mo at nirerespeto ko siya kaya hindi ako magkakaroon ng intensyon na saktan ka, okay? And..."
"And?"
"You're like a... sister to me." Parang pumutok lahat ng ugat sa utak ko. Gusto komg sumabog sa inis.
"Sister. Okay, Kuya Isaac."
"H-ha? Hindi... I mean, kinapos lang ako ng salita. It's not what I mean! Oh... this is embarassing." Pinanliitan ko siya ng mata. Tumalikod na lang ako, nag-iinit ang ulo ko kapag naaalala ko ang sinabi niya kanina. Sister, huh.
"Hey... Sai! Let me explain!" pagtawag niya. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kan'ya. Nakasimangot ako habang nakanguso. Nakakainis ang mukha niya! Sarap bangasan!
Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang pangalan ng emcee. "To start the event. Let's all welcome, the Mayor of San Jose del Monte, Mister Isaac Saldivar!"
"Tinatawag ka na, Kuya," pang-aasar ko. Tinawanan ko siya habang siya naman ay binigyan ako ng napipikong tingin.
"What the!"
"Don't cuss, Mayor. Mas mabuti pang lumabas ka na doon dahil pinaghihintay mo ang mga tao," nakangisi kong saad.
"Hell, I want to expla---" Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya at sinenyasan na tumahimik. Itinikom niya ang bibig at nanatiling nakatuon ang titig sa akin.
"Shh, Mayor. Don't be disrespectful sa harap ng San Joseños. Makikinig ako mamaya. Break a leg, Mayor!" Tumango siya. Tinulak ko siya palabas at nagpatulak naman siya. Nang makalabas siya ay napahagikgik ako.
Pumwesto si Mayor at kinuha ang microphone. Nag-umpisa siyang magsalita ukol sa mga bagay na kinakaharap ng San Jose del Monte. Pati na ang pagpapakita ng mga natirang funds sa taong 2019 at mga krisis na kinakaharap ng siyudad. Nagsilbing daan ang talumpati ni Mayor para pakinggan ang suhestiyon ng mga mamamayan ng SJDM.
Hindi ko maiwasang hangaan siya. Ang pagbuka ng labi niya ay otomatiko, hindi kinabisado o tinuruan. Galing mismo sa sarili niya ang mga salitang lumalabas mula sa kan'ya. Napatingin ako sa sahig ng stage, I can't believe that we are wearing the same shoes and standing at the same ground. I am attracted to him, because of his intelligence, courage, confidence and passion. He's the Mayor and the son of the President.
"Sai," si Ate Gracia. Mag-isa lang siya na nakasilip din tulad ko. May hawak siyang sandwich at juice.
"Ate Gracia, akala nandoon kayo sa storage room?"
"Ito." Inabot niya sa akin ang hawak niyang sandwich at juice. "Kainin mo, binilin kasi ni Mayor na huwag ka raw kakalimutang bigyan ng pagkain."
"Salamat." Ngumiti ako.
"Mayor likes you." Napaangat ang tingin ko sa kan'ya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon.
"Ha? Ako? Sinabi niya?"
Umiling siya. "Hindi, eh. Pero ramdam ko. Alam kong ramdam mo rin, ayaw mo lang mag-assume. Sabagay, kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ko rin aaminin sa sarili ko... he's the Mayor and... a Saldivar."
"Magkaibigan lang kami... ang pamilya namin. And... 'yong napapansin mo, ganoon siya sa lahat, 'di ba?"
"Oo, pero iba ka. Well, funny but... nevermind. Kainin mo na lang 'yan. Aalis na muna ako." Tumango ako at ngumiti. Kinindatan niya ako at naglakad na palayo.
Muli akong napatingin sa may kurtina nang magpalakpakan ang mga tao. Si Mayor ay may hawak na kahoy na may apoy, nagka-count down ang mga tao habang papalapit si Mayor sa may torch. Nang dumating sa one at inilapit na ni Mayor ang nag-aapoy na kahoy sa torch. Umapoy ito, kasabay ng pagbagsak ng mga lobo't confetti.
"I, Isaac Saldivar, Mayor of San Jose del Monte is now opening the annual event of San Jose del Monte Bulacan," anunsiyo niya.
Kinuha ng emcee ang mic kay Mayor. Nakapamulsa at nakasingi siyang naglakad patungo sa akin. Cool and sexy Mayor.
"Hi!" bati ko nang nasa harapan ko na siya. Lumabas ang dimples niya nang ngumiti siya pabalik.
"Susuyuin muna kita..." bulong niya. Inirapan ko siya at bahagyang pinalo ang kamay niya.
"Huwag n---"
"Mayor, halika! Samahan mo kami sa palaro! Hindi lang kami ang dapat na magsaya, dapat ay kayo rin!" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang grupo ng kabataan. Hinatak nila si Mayor at pinipilit na makisali sa unang palaro.
Tumingin ito sa akin at parang humihingi ng tulong. Aww. "Matutuwa si Mayor na makasali sa inyo," saad ko. Nagtalunan ang mga kabataan at tuluyang hinatak palayo si Mayor. Napabuntong hininga na lang si Mayor at sumama sa unang palaro.
Nang makababa siya sa stage ay nakita ko ang pagnguso niya. Nginitian ko lang siya at tinanguan. Napili ko na lang na manatili sa likuran ng kurtina upang makapanood.
He's happy. Ngiting-ngiti siya habang nakikipaglaro sa mga nasasakupan niya. He's like an ordinary guy na pinagkaitan ng pressure na makapaglaro katulad ng mga ordinaryong bata. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit enjoy na enjoy siya at walang kapaguran sa paglalaro.
Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko. Kinuha ko ang sandwich at juice na binigay sa akin kanina at nag-umpisa itong lantakan. Hindi ko pa rin tinatanggal ang titig sa nakikipaghabulang pigura ni Mayor.
"Hey..." Dahil sa pagmamatyag at tulala sa kan'ya ay hindi ko na napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
"Hmm?" Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkapuno ng bibig ko. Agad kong inabot ang juice sa tabi ko para inumin. Muntik na akong mabilaukan!
"Bakit ka nandito? You're happy playing with those San Joseños, oh." Tinuro ang mga tao na nasa baba ng stage. Nagsasayawan sila nang maging rock ang tugtog.
"You're alone. Nakaka-guilty." Itinuon niya ang tingin sa akin at ngumiti.
"Ha? Bakit? I am okay. Nakakagaan ng loob na manood sa inyo, parang walang problema. And remember the first time na nagpakilala ka sa akin bilang Mayor? That's my party pero nag-iisa lang ako." Napatango siya. Inilapat ko ang likod ko sa sandalan ng upuan.
"Sai..." Hindi na ako nakapag-react sa tawag niya. Naramdaman ko na lang na may kung ano siyang pinahid sa noo at pisngi ko nang ibaling ko ang mukha ko sa kan'ya.
"Ano ba!" angal ko nang may muli siyang ipahid sa leeg ko. Pinalo ko siya at tinulak.
Otomatiko kong hinawakan ang pisngi ko. Malagkit at medyo mabato at mabuhangin ang texture. Nangingitim ang kulay na parang bato. Nanlalaki ang mata ko at bumaba ang tingin sa kamay niyang ginamit na pamahid sa pisngi ko kanina.
"Mayor!" sigaw ko. Putik! Mabuhangin at malupang butik ang pinahid niya sa akin!
Kumaripas siya ng takbo pababa ng stage. Humahalakhak siya at masayang-masaya sa ginawa niyang pang-iinis. Hinabol ko na rin siya dala ang isang stick na balak kong ipamalo sa kan'ya.
"Mayor!" muli kong sigaw nang makita ko siyang malapit lang sa pwesto ko. Tutusukin ko sana siya sa likod ng kahoy pero agad siyang nawala sa paningin ko. Marahil ay lumusot siya sa dami ng tao.
Luminga-linga ako, hindi ko napansin na may bakod pala sa harap ko kaya natisod ako at napadapa sa putik. Ngayon ay maruming-marumi na ang damit kong puri pa man din.
"Hey... need help?" mayabang na tanong ni Mayor na nasa harapan ko. Naglahad siya ng kamay na aabutin ko sana pero agad niyang binawi kaya napasubsob na naman ako sa putikan.
"Halika rito, Mayor Isaac! Pagbabayarin kita sa kalokohan mo!" sigaw ko at tumakbo ulit para humabol. Umabot sa pandinig ko ang tawa't halakhak niya. Bully! Abusado! Pinipikon niya talaga ako!
"Excuse me po," pakikiraan ko. Lumusot ako sa dami ng tao. Hindi alintana kung madumi o marungis ako ngayon.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makaramdam ako ng pagkahilo. Kung saan-saang balikat na ako humawak para suportahan ang sarili ko. Para akong hihimatayin dahil sa pag-ikot ng paningin ko. Ang init... hindi ako makahinga...
Tuluyan akong napapikit nang tumigil ang pag-ikot ng paligid ko. Ang naramdaman ko na lang ay ang pagbagsak ng pagod kong katawan sa sementadong sahig ng Roquero Gym, sa gitna ng maingay at maraming taong nagkakasiyahan.
---
Nagising ako dahil sa pagtugtog ng mabagal na musika. Sumalubong sa akin ang kulay puting kisame, nasa backstage ako.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inabot ang pitsel na may lamang tubig para makainom. Nang maubos ko ang isang baso ay tumayo na ako. Dumiretso ako sa may kurtina, kitang-kita ko ang mga taong masayang nagsasalo-salo ng mga pagkaing naka-styro at malamig na inumin. Pero hindi 'yon ang hinahanap ng paningin ko. Iba...
Napako ang tingin ko sa may gilid. Nandoon si Mayor, magiliw na namimigay ng mga pagkain, school supplies, teddy bears, at iba pang kagamitan. May mga taong nag-aabot kay Mayor ng cellphone para magpapicture. Ang mga bata't matatanda naman ay binibigyan niya ng isang yakap. His acts are very pure and genuine. His love for San Jose del Monte is unconditional, parang isang ama sa kan'yang anak.
Napalingon siya sa pwesto ko. Sinenyasan ko siya sa pamamagitan ng isang thumbs up at ngiti. Binalingan niya ang katabi at tinapik ito sa balikat, may kung ano rin siyang sinabi rito na hindi ko naman marinig. Napansin ko na lang na naglalakad na siya papalapit sa kinaroroonan ko, nakalagay sa likod ang braso.
"Hi!" bati ko nang makalapit na siya sa akin. Napaatras ako ng salatin niya ang noo't leeg ko na parang chinecheck ang temperatura ko.
"I am okay!" sagot ko.
"Hmm. Mukha naman. Gising ka na pala." Napanguso ako at tumango.
"Alam mo, Mayor... ang gwapo mo kanina. How saw how concern you are. Ang pure , pwedeng-pwede na mag-asawa." Lumabas ang dimples niya nang ngumiti siya.
"Hindi pa pwede. Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa," usal niya. Marahil ay sagot sa sinabi ko kanina ukol sa pag-aasawa.
"Ha? Bakit naman? You're 27, may stable job, tapos makakapagbigay naman ng magandang lahi."
Ngumisi siya. "Magandang lahi, huh. You think so? At saka kailangan mo pa makatapos ng college."
"Ha?"
Umiling siya. "Wala. Nevermind." Binuksan niya ang cooler na nasa bandang dulo, kumuha siya doon ng isa at inabot sa akin. Kasunod ng isang pagkain na naka-styro din. "Eat and drink. Na-over fatigue ka raw kanina sabi ng Medical Team, kaya ka nahimatay."
Tumango ako. "Ah. Salamat, okay na rin naman ako..."
"Sige." Hinaplos niya ang buhok. "Ano... I have spare clothes sa car ko. Her's the key." Hinagis niya ito sa akin kaya sinalo ko ito. "You're dirty, we have lots of bathroom here. Maligo ka at magpalit. And..."
"And?"
"Navermind. Just eat, lalabas muna ako para i-check ang nangyayari sa labas." Bahagya akong natulala pero napatango na lang. Binuksan ko na ang styro at nag-umpisang kumain.
---------------
Stay safe, everyone! Sorry, super late ng update dahil nahihilo rin talaga ako.
Dedicated to:
- Team Asterism
- Team Gagoals
- Team Mars
- Team WPILK and Tres
- Team Angry Pushy Warriors
Enjoy reading!