Chapter 41 Ilang minuto na rin ang nakalipas at heto nakatayo lang ako sa harapan ng gate at nakatingala sa statue ng sintang paaralan. Hinayaan ko munang daan-daanan at lagpasan ako ng aking mga schoolmate. Alam kong nagmamadali ang lahat para sa flag ceremony ngunit pinili kong huwag umattend doon. Nakita ko kung paano manakbo ang ilan para hindi masaraduhan ng gate. Isang minuto bago i-hold ang mga estudyante sa labas ng gate ay nakisiksik ako dami ng estudyanteng ayaw mahuli sa unang araw ng klase. "Excuse me, excuse me..." ani ng pamilyar na boses nagulat ako nang makita kung kanino galing ang boses na iyon. To my surprise, it was from Anika. Kay Anika na hindi ko man lang nabalitaan ang pag-alis ay narito kasama kong nakikisiksik papasok sa campus. "Damn it! Heeey! I am the daug

