VENICE'S POV “Nope. I don’t want to.” Mariing tanggi ni Argus. While Kiel is just staring outside. “This will help a lot. Imagine kung gaano karaming customer ang magpapapabalik-balik para lang ma-avail ang promo natin na ‘yon.” Pangungumbinsi ko sa kanila. Hindi ko rin alam kung bakit na-excite akong ibenta ang mga gwapong lalaking ito. Kasalukuyan kaming nag mi-meeting ngayon para sa bagong promo ideas na naisip ko at kinunsulta ko agad kay Chantal. Tapos na ang working hours kaya ngayon, heto kami at pinagmi meeting-an ang "Date with the Cashier or Waiter". Ever since ma-involve ako sa renovation ng shop ay nag-decide na din akong tumulong kay Chantal dito sa shop nila. Nakakahawa kasi yung tuwa na ipinakita niya ng makita niya ang finish product ng renovation na nangyari. Dahil doo

