Chantal's POV “Good morning ma'am!” "Good morning ma'am!" Sabay na sabay na bati ni Argus at Kiel sa tatlong babaeng kakapasok pa lang ng shop. Nagpalitan ng masamang tingin ang dalawa nang mapagtantong nagsabay sila ng bati. “Good morning!" Agad nag unahan ang dalawa sa pwesto ng kaha. “What's your order ma'am?” “Can I take your order?” Sabay ulit na sabi nina Kiel at Argus. Muli silang nagpalitan ng tinging ang ibig sabihin ay "Mind your own business!" Parang biglang naguluhan 'yong babaeng kausap nila. Hindi malaman kung kanino mag re-respond hanggang sa kausapin nito si Kiel. Malaki ang ngiti na tumingin sa akin si Kiel na nginitian ko pabalik. “One red velvet and two salted caramel…” “Any add on ma'am?” agad na tanong ni Argus. “Hmm… Just black pearl.” "right away, ma'a

