Chantal's POV Ang buong akala ko ay matutulog na kami ni Argus pagtapos kong maligo. Pero nagulat ako nang makitang nakahanda sa center table niya ang tatlong bote ng Martini&Rossi habang may nakahandang slice oranges at lemonades sa isang bowl habang nakabukod pa ang transparent na lagayan ng ice cubes. Hindi ko mawari ang ngiting pinaskil ni Argus na akala mong nandedemonyo ang aura. "Let's have a drink," aniya na kinairita kong bigla sa di ko maintindihang dahilan. May klase pa kami bukas at magyayaya siyang uminom? "11.5% alcohol content lang 'to. Walang hang over." Pinagpag niya pa ang space sa tabi niya na gusto niyang upuan ko. "Minsan, nakakatulong ang alak para saglit na makalimot. Alam kong hindi ka makakatulog agad kung wala kang tama ng alak. Masyadong tragic ang ara

