Hindi ko alam kung anong nangyari kasi bigla na lang nawala ang ingay sa paligid na kanina lang ay naririnig ko. Parang tumigil ang mundo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na t***k ng puso ko. Hala! Nababasa ko lang ang ganitong eksena sa mga romance book ah. Parang magic. “Ano ‘to? Nag shu-shoot ng k-drama? Can you move now so we can move forward?” Parang napunit na papel ang tunog ng boses ng kung sinong iyon sakin dahil biglang natigil ang magical moment ko. Daming kontrabida dito a. Nakita kong nag smile si Kiel. Nahiya naman ako bigla. Ako lang ba ang napahinto ang galaw? Ako lang ba nakarinig no'n? Tama nga ba ako ng dinig o hallucination ko lang ang narinig kong sinabi ni Kiel? Ganoon na ba ako kabaliw sa kanya? Mali lang yata ako nang dinig. Wala naman nang

