Chantal's POV Alas kwatro na nang matapos kaming i-fulfill ang 200 orders ni Pres Li. Kahit pagod ang lahat ay hindi nila alintana iyon. Ni wala akong marinig na reklamo o buntong hininga. Lahat sila ay masaya sa tulong na in-offer nila sa amin. "Na-e-excite akong bunutin na ang mapalad na customer na idi-date nina Kiel." Narinig kong masayang sabi ni Venice. "Me too!" Second the motion ni Aya. "Tinanong niyo ba 'yong dalawa kung excited sila?" tanong ni ate Alerri. "Well, binigyan ko naman sila ng pagkakataon para mag back out. Kaso hindi nila ginawa. Some part of them wanted this promo as well." sagot ni Venice. "Ayon sa source ko, kaya hindi sila nag back out dahil si Chantal daw ang ipapa-date mo sa iba." sambit ni Ate Benneth. Tinignan ni Venice sina Aya at Rose na naroon

