“Prtttttt!!!!!” Malakas na pito galing sa PE teacher namin ngayon na nakatayo sa gitna ng field. Nagsitayuan kami mula sa pagkakaupo sa benches at lumapit sa kanya. Pagkarating namin dito sa field ay nandidito din ang class B na sa tingin ko ay badminton din ang practicum nila ngayon. Nakita kong kumaway sa akin Aya, Rose at Blaire at kumaway din ako pabalik. “Okay Class, is everyone here yet?” tanong ni Sir. Nagsipaglingunan naman ang mga kaklase ko. “Yes, sir.” Imporma ni Pres Li “Okay Good. Now we will have a practicum in badminton to let me know if you have learned anything in our previous lesson. If you pass, you can go back to your classroom and have your lunch.” Paliwanag nito. “Excuse me, Sir?” taas kamay ni Anika na ikinatingin namin sa kaniya. “Can we choose our own partner

