Chapter 43 Chantal’s pov A week passed very quickly. Pareho kaming natanggap ni Blaire sa student assistant scholarship. Tuwang tuwa kami pareho ni Blaire nang sabihin sa amin na nakapasa kami. Napakalaking tulong nito sa aming pamilya. So far maayos naman ang mga araw kung saan ginagampanan ko ang pagiging student assistant. Thrice a week lang ang pag-a-assist ko at hindi rin ganoon kabigat ang trabaho at madalas ay after class naman kaya wala akong gaanong problema sa schedule. Ang unang work na natanggap namin ni Blaire ay ang pag po-photo copy ng mga documents. Na e-enjoy ko din ang ginagawa kong trabaho dahil masayang kasama si Blaire. Marami siyang kwento na ikinatutuwa ko. “Everyone, go back to your seats.” Utos ni Mrs. Andrada na kadarating lang. Siya ang teacher namin sa phil

