Hindi ko maiwasang tumingin sa gilid-gilid habang naglalakad ako papasok sa school. Hanggang ngayon ay kinikilabutan ako sa kahihiyang ginawa ko noong sabado ng gabi at kung paanong nangyari ang lahat ng iyon na gusto ko nalang kainin ng lupa. Tinago ko ang mga pictures na 'yon sa ligtas na lugar na hindi makikita ng mga ate ko. Bakas ang pagkasabik ko sa amusement park base sa mga kuha ko sa mga pictures. "Good morning, Chantal!" Kinasaya ng puso ko nang makitang galing iyon kay Kiel na binagalan ang lakad upang makasabay ako. Is this really happening? Seryoso ba talaga ito Lord? Aga namang blessing nito. "G-good morning, Kiel." Bati ko pabalik sa kaniya sabay ngumiti. "Thank God you came home safely. How were you that night? Nag-enjoy ka ba?." "Ah-eh, nag-enjoy nga ako. Pero gus

