Chapter 25 Saturday. Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magsimula ang bakasyon. Kasalukuyan naman akong nakangalumbaba sa counter habang naghihintay ng costumer na papasok sa milktea shop namin. Ako na ang tumatao ngayon sa shop. Flashbacks: “Pasensya na po talaga kayo Ate Lea at Ate Maris. Dahil sa nangyari kilala mama at papa sa ibang bansa ay kinailangan magbawas ng tao…” nalulungkot na panimula ni Ate Alleri pagkatapos kaming i-meeting para sa magiging bagong set up ng shop. “Kumusta naman sila mama at papa ninyo?” malumanay na sabi ni ate Maris. “So far po okay naman sila. Si papa nagpapagaling na ngayon. Si mama ang nag-aalaga sa kaniya.” sagot ni Ate Benneth “Wala naman kaming magagawa kung iyon ang desisyon ninyong magkakapatid. Naiintindihan naman namin ang kalagayan ni

