Chapter 34 Chantal’s POV And D-day has finally come! Nakailang beses akong sipat sa sarili ko sa full body mirror sa kwarto ko para lang masiguro na maayos ang itsura ko at hindi naman ako magmumukhang alalay ni Kiel sa date namin ngayon. Pare-pareho naming day off ngayon hanggang bukas. Mabuti na lang at successful ang naging prize date ng promo namin. Parang ayaw pa nga tapusin ng dalawang girls ang oras, gusto pa mag extend! Aba hindi naman pwede ‘yon. We can’t compromise our employees time. We can only do that during their working hours. Wala namang nagawa ang dalawa at umuwi na lang sila. Pero umuwi naman silang dalawa na may special gift from their dates of course courtesy from our marketing strategy head, Venice, it’s a single red rose na nasa isang glass dome with led lights sa

