Chantal's POV "I know this isn't plan, but I just want to take this opportunity to add important details on my project. Pasensya ka na kung inistorbo kita," Nahihiya kong pinapunta si Venice sa aming Milktea shop, iyon lang kasi talaga ang afford ko, at kailangan din nila paminsan-minsang matikman ang mga quality and affordable milktea. I bet wala namang pinagkaiba iyon kundi sa brand at kinatitirikan ng shop. "It's fine, you are my client, so hindi ka istorbo. I was actually surprised na dini-date mo ako." Tumawa siya ng mahina saka sipsip sa bestseller milktea namin. "OMG! I won't ask kung bakit ito ang bestseller niyo. I love it!" aniya na sobra kong kinatuwa. Sumipsip siyang muli roon na para bang kinilig. "Thank you! Hindi ko inasahan na magugustuhan mo ng ganon," pag-amin ko

