Chantal's POV Katatapos lang ng pagsusulit namin sa Literature, so far ay panatag naman ako dahil marami akong nasagutang sigurado ako. Isang subject nalang at uwian na, hinihintay namin ang palaging late naming guro sa music. Nakita kong nag-umpukan na naman sa isang gilid ang tatlong alipores ni Argus na hindi ko na masyado nakikitang nakaaligid kay Argus. Habang si Anika at Argus naman ay may seryosong pinag-uusapan base sa nakikita kong reaksyon nilang pareho. "What are you looking at?" Nagulat ako nang sumulpot si Kiel sa tabi ko at tumingin sa gawi kung saan ako nakatingin. "What's the matter, Chantal?" tanong niya ulit. "Wa-wala naman. Nagmamasid lang," I said saka ngiti sa kaniya. "I see," sumeryoso ang mukha at boses niya na kinaalarma ko. "Bakit Kiel? May problema ba

