Chantal's POV "I want 10 tickets, and that would be 5000 worth of milkteas." Narinig kong sabi ng babaeng nakapajama at naka oversized shirt na kulay pula habang naka messy bun ang buhok. Mukhang hindi na siya nag-abalang mag-ayos bago dumirecho dito. Siya ang kauna-unahan naming customer sa pila. Pag bukas ng shop namin ay sumunod agad ang ilan. Alas 10 palang ng umaga at 11 am pa sana kami magbubukas pero dahil last day ng shop bago ang pinaka aabangang Double date ay nagdesisyon kaming lahat na magtrabaho na. Kumpleto kaming lahat ngayon. Nandito sina ate Alleri, Ate Benneth, Venice, Aya, at Rose para maging part timer. Inabisuhan na rin namin sina ate Leah at ate Rose kapag hindi namin kinaya. Dahil ala sais palang ay magsasara na ang shop at lahat kami ay magdedecorate ng shop para s

