Dream 4-The truth, Her pov. Alysha Ciana Marie.

3413 Words
Pinpihit ko na yung daan patungo sa clinc para icheck kung ano lagay ni angelica at sunduin narin si akiesha baka magsimula na kase yung klase e. Makalipas ng ilang minuto nakarating narin ako. Kumatok muna ako bago buksan 'yung pinto, nakita ko kaagad si angelica na nakahiga at natutulog habang si akiesha naman nakipag usap sa nurse tumigil lang nung makita ako. "Oh andito ka na pala alysha." nakangiting aniya, lumapit ako sakanila, tinignan ko muna si angelica bago tanongin 'yung nurse. "Kamusta lagay n'ya?" tanong ko. "Okay naman po s'ya, nanghina lang s'ya dahil sa mga pasa saka pagod, sa tingin ko rin po ilang araw narin s'yang di kumakain kaya ganyan nalang s'ya manghina." tumango tango ako. "Ihahabilin ko lang sana s'ya sa'yo, pakibantayan muna habang wala pa kami, me klase pa kase kami e." paghahabilin ko ke angelica sa nurse. "Osige po, makakaasa po kayo." nakangiting sabe ng nurse kaya ningitian ko rin s'ya pabalik. "Tara na akiesha, me klase pa tayo babalikan nalang natin mamaya si angelica." tumango s'ya, nagpasalamat muna s'ya sa nurse bago kami lumabas. Nung tuluyan na kaming makalabas sa clinic, tahimik lang kami magdamag hanggang sa makarating kami sa room namin. Nilingon agad kami ng mga kaklase namin pero di ko na 'yon pinansin, dumeritso agad ako sa upuan ko at umupo. Nilingon ko 'yung upuan ni kairo. 'Wala s'ya?' Nagkibit balikat nalang ako at kinuha 'yung cellphone ko para maglaro ng online games, napalingon ako sa gawi ng inuupuan ni kairo nung biglang me umupo dito, s'ya lang pala. Tahimik lang s'yang nakaupo, nakaheadphone s'ya at pumipikit pa ang mga mata. Palihim ko s'yang pinagmamasdan, don ko lang rin nalaman na gwapo naman pala talaga s'ya di lang pala salita. Singkit ang mga mata, natural ang kulay ng mga mata n'ya, medjo makapal ang kilay, umiigting ang mga panga, matangos ang ilong, natural na ang kulay ng kanyang buhok, mapupulang labi at mahabang piluka. Nagulantang ako nung bigla s'yang nagmulat at lumingon sa'kin. "Why are you staring like that?" ngayon ko lang rin napagtanto na medjo slang sya mag english di mo mahahalata na half korean s'yaat medjo malalim 'yung boses n'ya. "A-ahh nothing." umiwas agad ako ng tingin sa'kanya bago n'ya pa malaman na sinusuri ko kabuan n'ya. Sakto ring kakarating lang ng teacher namin kaya umayos na kami ng upo, nilagay ko na 'yung cp ko sa bag at kinuha 'yung tab. Kinopya na agad naming 'yung nasa screen para matapos agad. ***DISCUSS*** ***DISUCSS*** ***DISCUSS*** ***RECESS*** Uminat muna ako bago ilagay 'yung tab ko sa bag at puntahan si akiesha. Niyakap n'ya agad 'yung braso ko bago kami lumabas para magsnack, napalingon kami ke kairo nung naunahan n'ya kaming maglakad, nakabulsa pa 'yung kamay n'ya sa slacks n'ya habang naka headphone. "Ang gwapo n'ya no?" napalingon agad ako ke akiesha na sinusundan ng tingin si kairo. "Gwapo ba 'yon prang hindi naman." pagsisinungaling ko ket totoo naman talagang gwapo s'ya. "Di kaba nagwagwapohan sa'kanya?" tanong n'ya. "Hindi." agad na tanggi ko. "Weh? impossible naman atang di ka nagwagwapohan sa'kanya e magkatabe kayo ng upuan syempre makikita mo ng malapitan 'yung tunay n'yang anyo, sure ka talagang di ka nagwagwapohan?" nilapit n'ya yung mukha n'ya sakin kaya inatras ko 'yung mukha ko ng kunti. "Medjo, pero ba't ba andami mong tanong? puntahan nanga natin si angelica baka nagising na 'yon." pagiiba ko sa usapan at nanguna na'ng maglakad. "Hoy hintayin mo'ko!" sigaw n'ya pero di ko s'ya pinansin. "Bilisan mo!" sigaw ko rin. Nung tuluyan na naming narating 'yung pinto ng clinic, bubuksan kona sana kaso me narinig akong nagsisigawan sa loob, sa tingin ko magulang ni angelica 'yon. Binuksan ko lang ng kunti para marinig. 'Sensya na chismosa lang' "ANO NANAMAN PINAGAGAWA MO SA BUHAY ANGELICA?!?" sigaw ng matandang babae na sa tingin ko nasa mga 30's na, nilingon ko si angelica na nakayuko lang. "HIRAP NA HIRAP NA NGA TAYO SA BUHAY AT SA MGA KELANGANIN MO SA ESKWELAHANG ITO, DUMAGDAG KA PANG PALAMUNIN KA!! EWAN KO BA D'YAN SA TATAY MO BA'T DITO KAPA GUSTONG PAGARALIN DI NAMAN TAYO MAYAMAN AT LALONG-LALO NA HINDI KA NAMAN MATALINO SA TINGIN MO BA NABABAGAY KA SA PAARALANG ITO HA ANGELICA?!?!" sigaw na naman ng nanay n'ya. "PASALAMAT NA NGA LANG TAYO KASE ISCHOLAR KA DITO PERO SINASAYANG MO PA!! IMBES MAG-ARAL KA NG MABUTI, NAGBULAKBOL KA PA!!! ANO BANG GINAWANG MALI NAMIN NG TATAY MO SAYO HA?!?!" kita ko sa mga mata nung nanay n'ya na papaiyak na s'ya, napalingon ako sa likod ko nung naramdaman ko 'yung kamay ni akiesha sa likod ko. "Yung pagtrato n'yo sakin 'yon 'yung mali ma." nabasag 'yung boses ni angelica, napatigil naman sa pagiyak 'yung nanay n'ya. "Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para maging mabuti at matalinong anak na gusto n'yo, pero wala e parati n'yokong kinokompara ke ate, pero kahit ganon hindi ako nawalan ng lakas ng loob para maging proud kayo na anak n'yoko. Buong buhay ko hindi ko maramdamang minahal n'yo rin ako gaya ng pagmamahal na binibigay n'yo ke ate. Kunting pagkakamali ko lang sinasaktan n'yo agad ako, para bang wala akong ginawa para maging katulad ke ate na matalino, maganda at mabait pa." Pinunasan n'ya 'yung luha n'ya na kanina pa naguunahang tumulo, napatahimik naman 'yung nanay n'ya at napayuko. "Ma pinilit ko e, nung mga panahong puro ako puyat at late na umuwi, nagaaral ako non, hindi ako pumupunta sa bars ma. Pagkatapos ko sa klase pumupunta agad ako sa library para magaral dahil gusto ko paguwi ko me natutunan ako, at don sa mga utang ko dahil 'yon sa mga librong usto ko bilhin na hindi ko pa nababayaran dahil wala pang sinisweldo sakin 'yung trabahong inapplayan ko, at bakit ako parating me pasa ma? dahil 'yon sa'inyo, everytime kase na pumapasok ako me naririnig akong 'hoy diba s'ya yung anak ng sumasayaw sa bar?' 'Diba yung tatay n'ya nakikipagkita sa ibang babae?' 'di sila magkalayo ng ate n'ya, akala mo mabait 'yon pala malandi' naging matalino lang naman 'yon kase nangongopya.' 'maganda nga p****k naman.' at kung ano ano pa, sino bang hindi magagalet don ma? sinong matutuwa sa mga naririnig ko tungkol sa pamilya ko? ma ayaw na ayaw kong nasasabihan kayo ng ganon e, kaya di na'ko nakapagtimpi nakipag-away ako dahil don ma! kaya umuwi akong me pasa pasa pero imbes na pakinggan n'yokong magpaliwanag, pinalayas n'yo pa'ko." mahina s'yang natawa pero kalaunan napahagugol rin. "Angelica..." napatakip sa bibig 'yung mama n'ya dahil sa mga nalaman. "Pero ayos lang po, me tinitirhan naman ako, sa eskinita wala namamg nanakit sakin don kase kilala na'ko ng mga tao don. Tsaka 'yung sinabe ng nurse sa'yo na di ako kumakain, oo pero ngayon araw lang 'yon kase wala nakong pambiling pagkain." pinunasan n'ya yung luhang tumulo at ngumiti sa mama n'ya pero napahikbi lang ito. "I'm sorry anak, hindi ko alam..." ngumiti si angelica ng mapait. "Hindi naman kayo nagtatanong at nakikinig sa'kin ma pero okay lang 'yon, siguro nga tama kayo di ko mahihigitan si ate, kase heto lang naman kase ako sagabal lang sa buhay n'yo, wala akong ginawa kundi pasakitin ang ulo n'yo, wala akong ginawa kundi dagdagan 'yung problema n'yo. Ma wag kayong magaalala aayusin ko 'yung buhay ko at magaaral akong mabuti para naman ket maging honors lang ako or makagraduate ako, maging proud manlang kayo sakin at iparamdam n'yo rin sakin na anak n'yo rin ako, na parte rin ako ng pamilya n'yo." nakita ko kung gaano kasakit 'yung pinagdaanan ni angelica, ngayon ko lang rin narealize na kelangan mo muna pakinggan ang tao bago ka manghusga, dahil baka di mo alam me pinagdadaanan itong hirap o higit pa don 'yung taong 'yon, better know the truth first before judging the person, if you don't want to regret everything. Pagkatapos ng katahimikan ay inaya ko na si akiesha na umalis para di na marinig 'yung paguusapan ng mag-ina. "Grabe pala talaga 'yung paghihirap ni angelica no? buong akala ko 'yung nakalap kong impormasyon ay totoo hindi naman pala." pagbasag ni akiesha sa katahimikan. 'Ano kayang magandang gawin para matulongan si angelica? hmmmm...let me think. "Hoy!" napabalik ako sa ulirat dahil ke akiesha. "Ano?" inis kong asik sa'kanya. "Andami kong sinasabe dito tas di kalang pala nakikinig." naiinis na sabe n'ya. "Ano bang sinasabe mo?" tanong ko, tinalikuran lang n'ya ako kaya hinabol ko s'ya. "Hoy ano ba kase 'yon?!" hinahabol ko parin s'ya habang sumisigaw ako, gagi ambilis maglakad. Nung tuluyan ko na s'yang nasabayan sa paglalakad, kinukulit ko kaagad na sabihin kung ano 'yung sinasabe n'ya kanina pa. "Hmp wag mo'ko kausapin!" pagtatampo n'ya, ngumuso pa s'ya habang nasa pila kami, sinusuyo ko lang s'ya. "Nagiisip kase ako, akiesha sorry na." pagsusuyo ko, napatitig naman s'ya sa'kin. "Ano bang iniisip mo?" marupok talaga. "Kung paano tutulongan si angelica." napakunot yung noo n'ya. "Bakit mo s'ya tutulongan?" gumalaw na 'yung pila kaya umusog kami. "Wala lang gusto ko lang." sabe ko, umusog nanaman yung pila kaya malapit lapit na samin. "Tutulongan mo s'ya dahil gusto mo lang o naawa ka sa'kanya?" tinaasan n'ya ako ng kilay. "Gusto ko kase makabawi sa'kanya atsaka medjo naawa rin ako." pagsabe ko ng totoo, tumango tango s'ya at umusog na, saktong sakto kami na. "Anong gusto mo?" tanong n'ya sakin, tumingin ako sa menu. "Fries at sande nalang." pagsabe ko sa gusto kong snack. "Sige, ako na magbabayad. Upo ka muna don sa pwesto natin." tumango ako, pumunta nako sa pwesto namin, kakarating rin nila ate at kuya. "Hi ate at kuya." pagbati ko, umupo sila sa tapat ko. "Hi lil sis." nakangiting bati rin ni ate. "Hi." antok na bati sa'kin ni kuya, yumuko s'ya sa lamesa, iidlip ata. "Where's akiesha?" tanong ni ate. "Nagoorder po, di ba kayo magoorder ng snacks ate?" takang tanong ko. "Papaorder palang, antamad kase netong kapatid mo e. Me paa sana kaso di naman bumibili kaya ako na." pagparinig ni ate ke kuya na natutulog, mahina akong natawa. Sakto lang rin 'yung pagdating ni akiesha kaya nagbatian muna sila ni ate bago umupo sa tabe ko. "Oh tulog?" tanong n'ya nung makita si kuya na natutulog. "Oo napagod ata sa klase nila." sagot ko. "Ahh, ano nga pala 'yung naisip mo para matulongan si angelica?" kumuha s'ya ng isang fries at sinawsaw 'yon sa sande bago sinubo. "Hmm wala pa'kong naisip kung paano makatulong sa'kanya." sagot ko, gaya ng ginawa n'ya kumuha rin akong fries at sinawsaw 'yon sa sande bago sinubo. "Try mo kayang kausapin 'yung lola mo." napalingon ako sa'kanya. "Ba't ko kakausapin si lola?" takang tanong ko, hinarap n'ya ako at hinawakan 'yung balikat ko. "Diba scholar s'ya sa school na'to?" tumango ako "Ganto ang ibig ko sabihin kung ba't mo kakausapin mo lola mo, makinig ka okay?" tumango nalang ako ulit. "Diba usto mo makatulong?" tanong n'ya pa ulit. "Andami mo namang tanong, straight to the point na kase." naiinip na sabe ko, natawa s'ya. "Diba narinig mo s'ya kanina na nangutang ng libro?" tumango ulit ako. 'Bat ba andaming tanong neto?' "What if sabihin mo sa lola mo na tutulongan mo si angelica para maka graduate?" suhestiyon n'ya. "Paano ko naman sasabihin?" interesadong tanong ko. "Sabihin mo lang na me tutulongan kang estudyante." sabe n'ya, napakunot 'yung noo ko. "Nakakahiya naman ata 'yon, ano iba nalang." tanggi ko kaagad sa suhestiyon n'ya. "Ang ganda ng suhestiyon ko e." pagmamaktol agad n'ya. "Ako nalang gagawa ng wa-." napatigil ako sa sasabihin ko nung biglang dumating si ate at magising si kuya. "Anong gagawa ng way, para san?" nilapag ni ate 'yung pinamili n'yang snacks at tumabe ke kuya. "At sino si angelica?" tanong ni kuya, nagkatinginan kami ni akiesha at sabay na yumuko. "Angelica? sino 'yon?" segundang tanong ni ate. "Alysha, who's angelica?" tanong ulit ni kuya, napalunok ako, kinakabahan. "Alysha, are you hiding something?" malambing ni ate, tinignan ko si akiesha na nakayuko lang. "A-ahh wala po." pagsisinungaling ko. "Are you sure?" paniniguro ni ate, sinusuri na'ko if nagsasabe ba'ko ng totoo. "Are you lying to us alysha?" napatingin ako ke kuya, seryoso s'ya kaya di na'ko mapakali. "H-hindi po." patuloy na pagsisinungaling ko, sumandal si kuya at deritsong nakatingin sa'kin. "If your not lying to us, bakit ka pinagpapawisan?" napapikit na'ko dahil sa kaba. "Your actions is obvious that you're lying to us alysha." napayuko na'ko ng tuluyan dahil sa sinabe ni kuya, alam ko na kapag nagsinungaling ako nahahalata talaga ni kuya 'yon kaya di na dapat ako magtaka. "And one more thing, nakita kita kanina na me kausap na limang babae." gulat akong napatingin ke kuya, blanko lang s'yang nakatingin sa'kin. "Nakikipag-away kaba alysha?" napalingon ako ke ate na seryoso naring nakatingin sa'kin. "Why are you not answering our questions alysha?" automatic akong napayuko dahil sa malumanay na boses ni kuya. ***KRINGGGG!*** Nakahinga ako ng maluwag nung biglang nagring 'yung bell, nakatingin parin sinate at kuya sa'kin pero tumayo lang rin. "Let's talk later." malamig na pakikitungo ni kuya, napakurap ako. 'Lagot ako neto.' "Alysha, hayss magusap nalang tayo paguwi. You disappoint me." dismayado na sabe ni ate bago kunin 'yung snacks n'yang natira at sumunod ke kuya. "Alysha, are you okay?" nagaalalang tanong ni akiesha dahil nakatulala na'ko. "I disappoint my sister akiesha." nalungkot ako, unang beses lang kase ako nagsinungaling ke ate at kuya e kaya ganto nalang sila ma disappoint sa pagsisinungaling ko. "I'm sorry alysha." napatingin ako sa'kanya. "Why?" nagtatakang tanong ko, yumuko s'ya at nilaro 'yung mga kama. "Kase dahil sa'kin nagsinungaling ka sa ate at kuya mo." mahinang sabe n'ya. "No it's not your fault akiesha, it's my choice to lie." hinawakan ko 'yung balikat n'ya at pinaharap sa'kin. "I lied to them because i don't want them.to know that i fought to someone, so don't blame yourself okay?" malungkot parin s'yang tumango, ginulo ko 'yung buhok n'ya. "Baonin nalang natin 'yung natira nating snacks at taposin nalang natin sa room." sabe ko sa'kanya, kinuha namin 'yung natira naming snacks at tumayo na. Nung nakarating na kami sa room, naghiwalay na kami para maupo sa permanente naming upuan, tinapos ko na kaagad 'yung snacks ko. Lumingon ako sa gawi ni kairo nakita kong naglalaro s'ya ng online games kaya nafocus don 'yung paningin ko. "You've been slain by enemy." napakurap ako dahil namatay s'ya, napatingin ako sa'kanya nung bigla n'yang punasan 'yung bibig ko. "Me dumi ka sa bibig mo." dali dali akong kumuha ng pamunas sa bag at pinunasan 'yung bibig ko. 'Gagi bat di ako nagpunas agad.' "S-salamat." nahihiya kong pagsasalamat, tumango lang s'ya at tinapos 'yung laro kase pumasok na 'yung sunod naming teacher. —DISCUSS— —DISCUSS— —DISCUSS— -LUNCH- —DISCUSS— —DISCUSS— —DISMISALL— Inayos ko na kaagad 'yung laman ng bag ko at nilagay 'yung tab sa loob, pinuntahan ko kaagad si akiesha na nagaayos ng bag. Nung natapos na agad s'ya ay lumabas na agad kami. "Ayos kalang ba?" napalingon ako sa'kanya. "Oo naman." ngumiti ako sa'kanya ng pilit. 'Masasabon ako neto baka magalet din si mommy sa'kin dahil nakipag-away ako, hays.' Nakakagulat man na di ako pinunatahan ni ate pero naintindihan ko 'yon galet sila sa'kin. Nagpaalam na si akiesha sa'kin dahil dumating na sundo n'ya magisa lang akong naglalakad sa hallway papalabas ng entrance, di ko namalayan na nakasabay ko pala si kairo sa paglalakad. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makita ko kotse ni kuya na nakaparada na sa main entrance, humugot muna ako ng malalim na hinga bago sumakay sa likod, sinarado ko 'yung pinto at tahimik nalang rin sa likod. Feeling ko anlayo pa ng bahay namin, nakakabingi 'yung tahimik. Wala kaming imik sa isa't isa until makarating kami sa mansion, una akong lumabas at una rin akong pumasok sa mansion. "Welcome home baby!!" sigaw ni mommy at niyakap ako, nagbabake ata s'ya me nagkakalat na harina sa apron n'ya e. "Hi mom, ano oras ka po dumating?" walang gana na tanong ko. "Oh bat ganyan ng mukha ng baby ko, me nangyare ba? nasan ate at kuya mo?" sunod sunod na tanong n'ya, sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si ate. "Hi mom." walang gana ring bati ni ate. "Oh bat ganyan mga mukha mo? me nangyare ba mga anak?" nagaalalang tanong ni mommy. "Tanongin mo 'yang sinungaling mong anak ma." naestatwa ako dahil sa sinabe ni ate, sakto namang pag dating ni kuya, humalik s'ya ke mommy at di ako pinansin. "Ashianna, is there something wrong? bakit ka ganyan magsalita sa kapatid mo?" napayuko ako, I'm grounded. "Tsk, 'yan kaseng anak mo nagsinungaling samin ni kuya." galet talaga s'ya sa'kin. "What do you mean nagsinungaling?" takang tanong ni mommy, tinignan n'ya ako pero umiwas lang ako ng tingin. "Kaninang umaga me inanunsyo si lola mommy, antagal n'yang dumating don ang sabe n'ya nadapa daw 'yung kaibigan n'ya kaya natagalan sila at nung recess me sinasabe s'ya na hahanap daw s'ya ng way tsaka sabe ni kuya me binabanggit daw s'yang angelica at nakita rin s'ya ni kuya na me kausap na limang babae, and lastly nalaman kong nakaaway n'ya 'yung anak ng isang teacher kaya pala sumesegway ka sa usapan at namamawis ka kanina, tsk akala ko di ka magsisinungaling samin ni kuya, hinihintay ko lang naman na sabihin mo sa'kin kung ano problema mo pero imbes na sabihin mo pinili mo magsinungaling samin, you disappoint me alysha." dismayado talaga s'ya sa'kin. "Alysha? can you explain it to us, hmm baby?" mahinhin akong kinausap ni mommy. "Kase po..." nanginginig ako kaya hinawakan ko muna 'yung kamay ko. "Baby..." huminga ako ng malalim bago nagsimula. "Kase po, nakita ko po kase nung umaga na pinalibutan 'yung kaibigan ko ng limang babae at inaapi kaya po nilapitan ko po para tulongan po s'ya, nagkasagutan lang naman po kami nung anak nung isa teacher namin don e, di ko po inaaway. Atsaka po si angelica inapi rin po s'ya nung nang api ng kaibigan ko kaya po tinulongan ko po." pagaamin ko ng totoo. "Bayani kaba para tulongan sila alysha ha?! paano kung 'yang pagtulong mo ay s'yang dahilan ng pahamak mo at paano kung balikan ka ng mga 'yon, ano nalang gagawin mo ha?!?" sigaw ni ate sa'kin kaya napapikit ako. "Ashianna, calm down, wag mo sigawan 'yung kapatid mo." kita ko ang inis sa mga mata ni ate kaya nabuntong hinga ako. "At anong 'yung hahanap ka ng way alysha?" malumanay na tanong n'ya. "Para makabawi ke angelica." maikling sagot ko, napasinghal s'ya. "Makabawi para san?" napailing ako. "Makabawi sa'kanya, hinusgahan ko kase agad s'ya without listening her reason why she acting like that, usto ko rin pong tulongan s'ya ate." malungkot na sabe ko, natahimik naman agad si ate kaya pinagpatuloy ko. "Pinalayas po kase s'ya ng magulang n'ya at sa eskinita nalang po s'ya tumitira, dahil lang naman po inaway s'ya nung anak nung isang Teacher ay dahil umutang po s'ya ng libro para makapagaral ng maayos sakto naman pong wala pa s'yang sweldo kaya di n'ya nabayaran agad, at gusto n'ya ring makapagtapos para maging proud 'yung magulang n'ya sa'kanya, mommy, kuya at ate gusto ko po kase s'yang tulongan na makapagtapos ng pagaaral, kaklase ko rin po kase s'ya at nalaman ko po rin kase na kelangan n'ya ng trabaho para bumili ng kinakelangan n'ya." mahabang sabe ko, natahimik naman silang tatlo. "Mommy?" kinakabahan kong tanong ke mommy pero napangiti ako nung niyakap n'ya ako. "Your so kind baby, i understand." nakahinga ako ng maluwag. "Hmm okay." napatingin ako ke ate nung bigla s'yang magsalita. "Ate at kuya I'm sorry for lying." paumanhin ko, ngumiti si ate at yumakap sa'kin, lumapit naman si kuya at ginulo 'yung buhok ko. "Now i understand you lil sis." napangiti ako. "Do you want me to help you?" napa angat ako ng tingin ke kuya. "Sa ano po?" takang tanong ko. "Diba sabe mo usto mong tulongan si angelica, what if pagtrabahoin natin s'ya dito?" suhestiyon ni kuya. "Oo nga baby, kelangan pa naman natin ng isang maid para sa kapatid mong si carlo, di rin kaseng pwede si hillary lang ang magbabantay sa'kanya kase me trabaho din." sabe ni mommy. "That's good idea, pwede mo rin s'yang ishare sa tab mo or sa books mo." nakangiting sabe ni ate. "And besides magkaklase naman kayo so no problema." napangiti ako ng todo at niyakap silang tatlo. "Thank you!" masayang pagpasalamat ko. ****** A/N: DON'T FORGET TO VOTE MY STORY, LOVELOTS. -.-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD