Chapter 15

1248 Words
"So, sweetheart, saan kita ihahatid?" tanong ni Seven nang makalabas na sila ng main highway. Pagkatapos makabawi sa tensyong namagitan sa kanila, heto at handa na naman yatang makipagkulitan ang lalaki. "Don't call me that!" angil ni Hillary. "Don't call you what, sweetheart?" anito, ngingiti-ngiti. Pilyong ngiti ang ibinabato sa kanya. Kung siya ay nangungunsumi, si Seven naman ay halatang nag-e-enjoy, at her expense. "Siyanga pala, baka interesado kang malaman ang status ko, single ako. Walang girlfriend, lalong walang asawa. Though, maraming naghahabol." "'Urgh!" Iniikot ni Hillary ang kanyang mga mata. "Hindi ako interesadong malaman ang mga 'yan, okay? Gamitin mo na lang sa ibang babae." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "And please, huwag kang magpa-cute dahil hindi ka cute." Tumawa lang si Seven bilang sagot. "Alam ko naman na hindi ako cute. I'm way, way better than that," aroganteng sabi nito. Nakataas ang isang kilay na parang naghahamon na tutulan niya ang katotohanang iyon. "Whew! Ang hangin. Sobra. May bagyo ba? O super typhoon?" Dahil doon ay mataginting ang halakhak na kumawala sa binata. At bigla, palihim na nagtapon si Hillary ng mga sulyap sa direksiyon nito. Tama naman. He was way, way better than being cute. At hindi lang basta guwapo, lalaking-lalaki ang kabuuan nito kahit na hindi naman mamasel ang katawan. Dahil marahil sa aura. Dahil oo, ang lalaking ito ay naghuhumiyaw ang s*x appeal. Aalon-alon ang buhok ni Seven. Matangos ang ilong at masarap iguhit ang prominenteng linya ng panga. His lips were sinfully sexy. Ang mga mata ay makapangyarihan dahil kayang-kaya niyong maging arogante, maging pilyo, maging mapag-alala, at maging masaya. Aminado si Hillary na ito ang tipo ng lalaki na kayang gumising sa natutulog na sensuwalidad ng sino mang babae. Tulad mo? tudyo ng kanyang isip. At hindi niya iyon matutulan dahil noong unang beses na nakita niya si Seven ay hindi lang ang natutulog niyang sensuwalidad ang gumising kundi maging ang kanyang imahinasyon. Imahinasyon na nadiskubre niyang mahirap palang supilin. Hindi mapipigilan. "Diyan na lang ako sa terminal," sabi niya nang mamataan na ang terminal. Mula roon ay aarkila na lang siya ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa kanilang barangay. Kahit tagain siya sa presyo ay okay lang. Ang mahalaga ay makakawala na siya kay Seven. Makakahinga na rin siya sa wakas. "No. Ihahatid kita sa inyo. Sisiguruhin ko na safe kang makakauwi. Now, ibibigay mo ba sa akin ang complete address mo o kailangan ko pang tawagan si Johanna para hingin 'yon? Kaya kong gawin 'yon without sweat." "Hindi kana nakakatuwa," sabi niya sa mahinang boses, nagtitimpi na sumambulat ang galit. "Sa lahat ng ayoko, iyong kinokontrol ako. Iyong sinasabi kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. Iyong parang hari kung makapag-utos. Iyong umaakto na parang pag-aari niya ang buhay ko kahit na wala siya ni katiting nakarapatan!" Napatitig sa kanya si Seven, nasorpresa sa intensidad ng kanyang emosyon. At dahil punong-puno na siya, sinalubong niya ang mga mata nito. "Itabi mo na ang sasakyan at bababa na ako." "Hillary..." "Itabi mo na sabi ang sasakyan!" sigaw niya, gusto nang magmura nang malutong. Nag-isang linya naman ang mga kilay ng binata. Itinabi nito ang sasakyan sa gild ng kalsada. At ini-unlock ang pinto. Dali-daling bumaba si Hillary at malakas na isinara ang pinto. Mabingi sana ito sa lakas niyon. O kaya naman masira sana ang nangingintab na sasakyan nito. Nagmartsa siya papunta sa terminal at tumawag ng tricycle. Tulad ng inaasahan, napamahal nga siya. Mukhang nahimigan ng driver na uwing-uwi na siya at hindi tatanggi sa presyo nito. Sumakay siya. Pero bago makaandar ang tricycle ay humarang ang katawan ni Seven sa unahan. God! she cried in exasperation. Ano pa ba ang problema ng lalaking ito? "What the hell are you doing?" sita niya. "Patingin ng driver's license mo," sabi ni Seven sa driver, hindi siya pinansin. Mukhang nasindak naman ang driver sa madilim na hitsura ng binata, naglabas ito ng wallet at hinugot mula roon ang driver's license. Iniabot yon kay Seven. Sa pagkasorpresa ni Hillary ay kinuhanan iyon ng picture ni Seven gamit ang cell phone nito bago ibinalik sa may-ari. Pagkatapos ay kinuha nito ang wallet at naglabas ng isang paper bill... Limandaang piso ba 'yon? Ibinigay iyon sa driver. Mukhang natriple pa ang presyong hinihingi ng driver. "Kapag may masamang nangyari sa pasahero mo at hindi siya nakauwi nang ligtas, ha-hunting-in kita. Naiintindihan mo?" "A-areglado, Boss," anang driver, nasisindak. Saka siya binalingan ni Seven."I'll see you in Manila." Iyon lang at tumalikod na ito, malalaki ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan nito. "Nagbibiro ka ba?!?" malakas na tanong ni Chloe kay Hillary. Nasa biyahe na noon si Hillary paluwas sa Maynila. Mayroon naman siyang secondhand na sasakyan na ginagamit sa araw-araw na pagpasok sa opisina. Hindi niya iyon dinadala sa pag-uwi-uwi sa probinsiya dahil ayaw niyang ma-stress sa mahabang oras ng pagmamaneho. "Maliit nga lang talaga ang mundo," komento ni Hillary bago malakas na nagpakawala ng buntong-hininga. Hininaan niya ang boses. "Siyanga pala, Chloe, just in case na magsalubong ang landas ninyo, wala kang alam tungkol sa baby project ko, ha? Naiintindihan mo?" "Yeah, yeah. Sekreto lang natin iyon. Got it." "Salamat." "Sa kuwento mo, mukhang persistent siyang tao. Parang hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Napapaisip lang ako kung bakit kailangan pa niyang ipangalandakan ang nangyaring iyon. I mean, 'yong mga lalaking kilala ko, gagawin ang lahat para lang makaiwas." Nagkibit-balikat si Hillary. "Baka pinagkakatuwaan lang niya ako." "Baka kamo gusto niyang magkaroon ng ugnayan sa'yo." "At ano ang ibig mong sabihin diyan?" "Eh, sino ba naman kasing lalaki ang lalapit sa isang babae at magpapapansin in an arrogant way, kung wala siyang motibo? Motibo katulad ng interesado siya sa 'yo. I mean, huwag na tayong magpaipokrito at magmanhid-manhid-an dito, ano? Maybe he wants to rekindle the fame. Maybe he's physically attracted to you, ganoon." "Ang theory ko, tumatak ka sa kanya dahil virgin ka. At sino ang nakakaalam? Eh, baka nga simula no'ng gabing yon, eh, hindi ka na nawala sa isip niya. Yeah. Iyon na nga ang saktong paliwanag kung bakit nakilala ka agad niya." Posible nga kaya 'yon? Attracted sa kanya si Seven at malaki ang posibilidad na kaya siya nito ginugulo ay dahil sa atraksiyong iyon? "Hmm. Destiny is cooking something, huh?" "Ano ang sinabi mo?" "Wala," humahagikgik na sagot ni Chloe. "Siyanga pala, may dapat kang malaman. Tinanong niya kung bakit ko nagawa iyon? Ang makipag-one-night stand. Eh, idinahilan ko na lang na nakainom ako ng date rape drug. Alangan namang umamin ako at sabihin ko na ginawa ko iyon dahil gusto ko ang genes niya sa magiging anak ko." Humalakhak si Chloe. "Totoo naman, ah. Nakainom ka naman talaga ng maliit na dosage ng date rape drug. Ang kaibahan nga lang, attracted ka rin sa guy at gusto mo ring mangyari ang nangyari." "Basta, Mabuti na rin iyong alam mo, in case---" "In case pumasok siya sa buhay mo?" panunudyo na sabi nito. may bahid ng pagbibiro sa kaibigan. "Kung papasok siya sa buhay ko, alam mo ang dahilan kung bakit di ko iyon papayagan. At sinisiguro ko na dadaan lang siya at hindi mag-i-stay." Hindi siya man-hater, sigurado si Hillary. Buo lang ang paninindigan niya na hindi siya mag-aasawa. Na walang lalaking magdudulot sa kanya ng pasakit. Walang kokontrol sa kanya na para siyang robot na walang damdamin. "You talk so sure, my dear." "Oo. Dahil alam ko kung ano ang gusto ko." “Tingnan natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD