"Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."
Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?"
"Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya.
"Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.
Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"
Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag."
"Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk," pagbibigay diin nito sa mga binitiwang salita.
Pagkatapos ay nawala ang pilyong kislap ng mga mata ng lalaki, biglang naging seryoso. Napakaseryoso na halos magsitayuan uli ang mga balahibo ni Hillary sa braso. Hindi pa siya nakakaengkuwentro ng ganitong klase ng lalaki.
"Pero kung ipaggigiitan mo na wala ka talagang alam sa sinasabi ko, eh, di huwag mo na lang pansinin. Pero alam ko naman na pareho nating alam kung ano ang tinutukoy ko."
Napaigtad siya nang pumatong sa mga balikat niya ang mga kamay nito. "Good luck sa pagkuha ng bouquet…. Hillary."
Nanlaki ang mga mata ni Hillary sa pagkakabanggit ng pangalan niya. Ang sunod na namalayan niya ay naglalakad na palayo ang lalaki, leaving her a view of his broad back. Gorgeous aura, and powerful stance.
Binanggit ng lalaki ang pangalan niya, kung ganoon ay nagsimula na itong alamin ang tungkol sa kanya.
I’m in trouble. Big time…
Nangangatog ang mga tuhod na bumalik sa banyo si Hillary. Sumandal siya sa lababo at mariing pumikit. Sumasakit ang ulo niya sa problemang kinakaharap.
Flashback...
"Whoa!" gulat na bulalas niya nang maramdaman agad ang epekto ng gamot sa katawan. Alam niya na lasing na siya pero kakaiba ang init na nararamdaman niya ngayon, para siyang sinisilaban ng matinding pagnanasa na hindi maintindihan.
Sinulyapan ni Hillary ang lalaki. Naroon pa rin ito... At nakatingin din ba ito sa kanya?
Pilya siyang napangiti, nakakaramdam ng sobrang tiwala at tapang. Epekto rin marahil ng gamot at alak. Tumayo siya, pagkatapos ay umiimbay ang balakang na tinungo ang bar counter.
Habang papunta roon ay sa lalaki siya nakatingin. Nakasuot siya ng miniskirt at tank top. Ang nakataas na buhok niya ay naglalantad kung gaano kakinis at kaganda ang mga balikat niya at leeg. Walang hindi nakakapansin sa nag-uumapaw niyang kaseksihan.
Pumuwesto si Hillary sa tabi ng lalaki. Alam niya na nasa kanya ang atensiyon nito. Um-order siya ng hard drinks, tequila. At tinungga yon nang deretso.
Agad gumapang ang init niyon sa kanyang lalamunan, papunta sa kanyang tiyan. Hindi niya naiwasang ngumiwi pero agad ding nakabawi. Muli siyang um- order at nang maiserve ay agad din iyong dinala sa bibig.
"Hey easy. Hindi ka mag-e-enjoy sa ginagawa mong 'yan. Para kang mauubusan ng alak, ah. "
Oh! Filipino pala siya... reaksiyon niya sa lenguwaheng ginamit ng lalaki. Akala pa naman niya ay Brazilian ito. Hinarap niya ang lalaki.
"Gusto mo ba ako?" deretso niyang tanong, sadyang pinapungay ang mga mata at malanding ngumiti.
Shit! Guwapo talaga siya!
"Whoa! That's very straight of you." Tumawa ito, sa kung anong dahilan ay mas naging kaakit-akit ang dating. Tinitigan siya.
"At para sagutin ang tanong mo... Yes, gusto kita."
Ngumiti siya. "May kasama ka?"
"Wala."
"Good, keep me company. Iniwan na ako ng kasama ko, eh."
Muli itong tumawa, baritono at kaakit-akit. "Anong klaseng company ang gusto mo sa akin?"
"Bakit? Anong klaseng company ba ang kaya mong ibigay?" balik-tanong niya.
Saglit na kumunot ang noo ng lalaki. Para bang nadismaya ito, may hindi nagustuhan. At naalarma si Hillary. Paano kung hindi nito gustong maglaro saNgabing 'yon?
No. Hindi niya 'yon hahayaan. Ito ang gusto niyang maging sperm donor. Gusto niyang taglayin ng kanyang anak ang genes ng lalaking ito.
"So? Can you keep me company, o magsisimula na akong maghanap ng iba?" kunwari ay nainip nyang sabi. Sinamahan pa niya ng pagkibit ng mga balikat. Na para bang gusto niyang iparating na hindi ito kawalan sa kanya. Na puwedeng-puwede siyang maghanap ng ibang makakasama.
Pero hindi niya ito gustong pakawalan. Sa totoo lang ay nagpipigil lang siya ny sarili, paano ay hindi na siya mapakali. Gustong-gusto niyang hagkan ang lalaki.
Mainit na mainit ang daloy ng kanyang isip dahil gusto niya itong halikan, hawakan, pisilin. Mainit siya at may kung anong pakiramdam sa kalooban niya na para bang ang halik at haplos lang ng lalaking ito ang makakatugon.
"How far can you go?" matiim ang mga mata na tanong ng lalaki. Inilahad nito ang kamay na aktong nakikipagkamay.
"Ako si---"
Umiling si Hillary bago pa matapos ang sinasabi ng lalaki, pagkatapos ay mabilis na idinikit ang isang daliri sa mga labi nito. She smiled wickedly.
"No names. I just want some fun while I am here..." Ang nakaharang na daliri niya sa mga labi nito ay nagsimulang humaplos sa mga labing iyon.
"...especially tonight," sabi pa niya sa mas pinasensuwal na boses. Tiningnan niya ito sa mga mata bago dahan-dahang inilapit ang mukha rito. So close they were already exchanging breaths. Lalong nagkagulo ang kalooban niya, lalong nagliyab ang apoy na naroon.
"How far can I go? As far as you can." Isinampay na niya ang mga braso sa mga balikat ng lalaki at lalong pinaglapit ang kanilang mga katawan. Hillary couldn’t help but close her eyes.
Nagustuhan niya ang pakiramdam ng pagkakalapit na iyon ng mga katawan nila. At gusto niya ng higit pa roon. In fact, hindi mapalagay ang mga kamay niya. Gusto niyong humaplos at dumama sa katawan ng lalaki. Gusto niyang ikiskis ang sarili rito. She wanted him crashing her softness. She wanted him to touch her, to worship her.
"May kakambal ka ba?" tanong nito sa magaspang na boses. Muntikan pang mapasinghap si Hillary nang pumulupot sa baywang niya ang malalakas na braso nito at mas hapitin pa siya.
She saw desire in his eyes, she saw carnal need.
Kung ganoon ay hindi siya mabibigo. Nasa tamang direksiyon siya. Dahil hindi matatapos ang gabing iyon na walang nangyayari sa kanila. Iyon ang sisiguruhin niya.
"Ano?" mayamaya ay naguguluhan niyang tanong nang maalala ang huling sinabi ng lalaki.
"I'm asking you kung may kakambal ka."
"Nah." Umiling siya.
"Bakit mo naitanong?"
"Because you're different from---"
Hindi na pinatapos ni Hillary sa pagsasalita ang lalaki, tumingkayad siya at hinagkan ito. The moment their lips met, the fire within her became too uncontrollable...
End of flashback
Bumuntong-hininga si Hillary sa alaalang iyon. Hindi na niya alam kung papaano sila nakarating sa isang hotel suite.
Ang alam lang niya ay masyado siyang mainit at nagnanasa na para bang wala nang bukas pa. She was so wild. Hindi siya makapaghintay na mag-isa ang kanilang mga katawan.
Hindi nga siya makapaniwala sa kapusukang ipinamalas niya.
Ah, kung alam lang niya ang magiging consequence ng ginawa niya nang gabing iyon, sana ay hindi na lang niya iyon pinasok. But then, kailan ba napunta sa umpisa ang pagsisisi? Hindi ba lagi namang nasa huli iyon?
"Ano na ngayon ang gagawin mo, Hillary?" tanong niya sa sarili na hindi rin naman mabigyan ng kasagutan.