"Of course. Kung doon ka masaya. Isa pa, ako ang namilit sa 'yo kaya ka nandito kaya gagawin ko ang lahat para maging kumportable ka.” "Okay then.” Tinungo ni Hilllary ang fridge. Binuksan. Marami siyang nakitang mga prutas, tsokolate, at iba pang uri ng pagkain at inumin. Inilabas niya ang pitsel ng tubig. Nagsalin sa baso at uminom. Si Seven ay masusing nakatingin sa kanya. "May nagsabi na ba sa 'yo na napakaganda mo?" Nasamid si Seven. Si Seven naman ay natatarantang nilapitan siya at hinaplos-haplos ang kanyang likod. Na para bang sa pamamagitan niyon ay titigil ang pag-ubo niya. "Sorry," anito. Itinaas niya ang kanyang kamay para patigilin ito. Because, good gracious! Inuubo na nga, naaapektuhan pa rin siya sa gesture na iyon, at nagdudulot ng malisya sa kanya. Muli siyang umino

