Savanna’s POV Hindi ko alam pero may kakaibang atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Yoga. Gusto ko sanang huwag na lang muna siyang kausapin dahil sa nangyari kanina, wala pa ako sa tamang wisyo ko para makausap siya ng maayos. But he was already waiting so I don’t have any other choice but to come, after all this was all my idea. “Tatahimik ka lang ba?” he asked coldly. Napaangat ako ng tingin sa malamig niyang boses sa akin. “Sasabihin mo na ba sa akin ang tungkol sa inyo ni Fausto?” Napaawang ang labi ko at hindi nakasagot. Yumuko na lang ako at pinipigilan ang luha na tumulo sa aking pisngi. I feel like I’m going to lose Yoga, malapit ko siyang kaibigan kaya hindi ko kayang tanggapin kung lalayo siya sa akin at magagalit katulad kay Khaya. “I’m sorry,” I whispered hoarsely.

