JESSA POV Nakarating na kami sa loob ng motel at umiinom na kaming dalawa ng nakahubad ni sir Calvin. Tumatagay kaming dalawa ng matapang na alak na ininom niya. Nasusuka lang ako sa lasa at amoy nito. Kahit kaylan, hindi ako nababanguhan sa alak at ang tabang pa ng lasa kahit na sobrang lamig. Pero nilalabanan ko lang kasi nasa harapan ako ng boss kong ubod ng sungit at yabang. Pasulyap sulyap din ako sa wallet niya sa table namin. Sa kapal nito ay mahirap na yatang isara dahil sumisilip na sa akin ang makapal na pera rito. Puro asul ang nakikita ko, halatang tag iisang libo ang lahat ng kanyang pera. Natitiyak ko na mas mataas pa ang perang ito kaysa sa magiging back pay ko. "Ang tahimik mo talagang tao sir?" sambit ko habang naka akbay siya sa akin. "Marami lang akong iniisip. G

