NASH POV Para na akong isang basang sisiw sa kakahintay ng girlfriend ko na halatang magsisinungaling sa akin pagdating nito. Ang dami niyang pera, amoy alak pa siya, malamang hindi bar ang pinuntahan niya. Ilang lalaki na kaya ang tumikim sa girlfriend ko? Siguro ay binaboy nila ito ng binaboy para sa salaping binibigay nila! Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang marinig ko yung boses ng girlfriend ko. "Ano ka ba? Bakit ka nandito sa puno kung pwede ka namang tumambay doon sa labas ng office namin? Para ka nang basang sisiw niyan! Paano kung bigla ka na lang magkasakit ha?" Napa buntong hininga ako ng humarap ako sa kanya na nakapayong. Napababa ulit yung tingin ko sa leeg niya at nandoon pa rin yung bite mark na nakita ko kagabi. "Ang sungit sungit guard! Pinaalis ako doon

