Chapter 4

2514 Words
Theodore Herrera As expected, halos mabatukan na ako ni Kuya Liam ng makita nya ko kanina. Gigil na gigil talaga siya. Hihimatayin na daw sya kakahanap saken. Di manlang daw ako tumawag o nagtext sa kanya para nasundo ako. Hay nako. On the way na kami sa set ng LOVE AFFAIR at binabasa ko na din yung pinahiram sakin ni Mr. Jacob na notes. Madami din naman akong napupulot na idea dito. Base na din sa mga nababasa ko, parang nakikita ko na agad kung gaano kagaling sa larangan ng aktingan si Mr. Jacob. Nakakapressure. Tinapik ako ni Kuya Liam. Nandito na pala kami sa set. Nagkalat na din yung team ni Direk sa labas. At shempre, gabi ngayon. 10PM na. Mas gusto daw ni Direk na ganitong oras para kumita muna yung bar ng kahit konte. Tsaka namin gagamitin for the shoot. Hinanap na namin yung tent ko. Nabasa ko yung name ko na nasa ibaba ng name ni Mr. Jacob. Huh?! Magkasama kami sa iisang tent?! Pinapasok na ko agad ni Kuya Liam dahil aayusan na din daw ako. Napatingin ako sa paligid. Nandito si Kuya Eliot, yung hairstylist, make up artist pati PA ni Mr. Jacob. "Goodevening po." Bati ko sa kanila. Napatingin naman saken yung mga tao sa loob tas si Mr. Jacob nakatingin lang saken sa salamin. Ang gwapo lalo. Clean cut, tas ang musculine. I mentally slap myself dahil sa kagagahan ko. Naramdaman ko nalang na kinuha nung make up artist ni Mr. Jacob yung kamay ko at hinatak ako ng malumanay paupo sa katabing salamin ni Mr. Jacob. "Hi. I'm Suzy. Make up artist ako ni JK." Sabi nya while smiling at nakipag kamay saken. "Theodore po. Theo for short po." Sabi ko naman. "No need to be polite Theo. We all know you na. And please be comfortable kasi kami na lagi makakasama mo at magaasikaso sayo." Sabi naman nung isang babae na nag aayos kay Mr. Jacob. "By the way ako nga pala si Minsey. Hair stylist ni JK. Napaka bata mo pa. How old are you na ba?" Sabi nya. Maganda din tong mga to. Kahit medjo mga nasa pa 30's na sila. Sa tingin ko? "20 lang po." Sabi ko na nahihiya. Pansin ko kanina pa di naimik si Mr. Jacob, and nakakapagbigay sakin yun ng uneasy feeling. Parang ang awkward kasi ng paligid. Nagbabasa lang sya ng script sa upuan nya kasi tapos na syang ayusan. Yung ayos nya? Naka suit sya. Mukang business man. Grabe naman ang gwapo. Di ko maiwasan titigan sya. Kaso ayaw ko pahalata. Nilibang ko nalang yung sarili ko sa kaka scroll ng social media ng biglang may natawag sakin. Videocall. Nakita ko yung name ng Kuya ko. I immediately answered it, and tumambad sakin ang napaka gwapo nyang mukha. He also have this face na sa sobrang gwapo muka ng babae. [Theooooo my baby.] "Kuyaaaa. Bat ngayon mo lang ako tinawagan?! Dami ko na din missed calls sayo. Grabe ka naman." Sabi ko na naka pout. Ngumiti naman sya at medjo nahiya ako dahil rinig ng lahat yung boses ni Kuya. I looked for my bag and suddenly napatingin ako kay Kuya Eliot na napatigil sa ginagawa nya at napatingin sakin. "Um. Naabala ko po ba kayo? Pasenysa na po." Sabi ko at nag excuse muna saka lumabas muna ng tent. Shempre nagpaalam ako sa kanila. [Theo? Nasan ka? Bat parang nasa set ka? Theodore Herrera are you hiding something from me?! May nangyayare ba sayo na di ko nalalaman?] I sighed. "Kuya. Like what I've said nakailang kontak ako sayo this past few days but you didn't even answer once!!" I said while rolling my eyes. [Hoy maldita! Wag mo ko iniikutan ng mata kung ayaw mong tusukin ko yan!] Sabi nya with gesture pa sa camera na tutusukin mata ko. "Nye nye nye. Kasi naman! Excited nga ako sabihin sayo eh na.... Kuya.... artista na ako." Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya na halos mahulog na sya sa kinauupuan nya. [Wh-what?! How?! When?! Why didn't you tell meeee?!] He shouted. "Duh! Paulit ulit?! Di ka nga kasi nasagot! Ayoko naman sa message lang no. And di ka ba tinawagan manlang ni Kuya Liam?" I asked him. [So gusto mo pa isisi kay Bes? Anyways.] Ngumiti sya ng pagkatamis tamis. [Masayang masaya ako para sayo princess.] Goodthing naka airpods ako. Walangya baka may makarinig sa kanya kung nagkataon. Sanay na akong ganyan siya eversince na mag come out ako sa Kuya ko. He was always treating me like a princess. "Thank you Kuya. I know you would. Alam mo bang super kinakabahan na ko. Tonight first shoot namen eh. And alam mo ba? Si Mr. Jacob Kaleb yung makakasama ko sa movie na gagawin namen." Madaldal kong sabi. Bigla syang natigilan na parang nagulat. "Uy Kuya! Ano? Bat ka natahimik jan?" Sabi ko sa kanya. [S-Si JK? Y-Yung alaga ni M-Manager Eliot Alcala?] Sabi nya na nauutal. Huh? Ba't sya nauutal? "Oo kuya, why?" [Wala. Theo, I'll call you nalang ulit madame pa akong gagawin. Ingat ka jan ha. Balitaan mo nalang ako. I miss you. I love you princess!] He kissed the screen at pinatay na yung tawag. "Teka--- Kuya." Di na ko nakapagsalita. Anyare? Ba't parang nawala sya sa mood? Baka pagod lang sa work. Bumalik na ako sa tent and sakto sinusundo na kame nung isang staff for the first take. Alam ko na din naman yung gagawin ko. So push na first take and yung scene ay si Mr. Jacob nag iinom mag isa sa table malapit sa may counter and medjo lasing na. Napahanga nga ako sa galing nya. Shempre, tinanggal ko yung kaba and ginawa ko yung best ko. Katulad ng sabi sa script, need ko magserve ng magserve kay Mr. Jacob ng alak hanggang sa malasing sya at di na nya mamanage na makatayo. I help him na tumayo. Good thing nagpapagaan sya. Common sense na para sa isang artista na magaling umarte. Jusko. Ang tigas ng mga muscles nya. Good shape talaga tong si Mr. Jacob eh. Shempre ayoko ma out of focus. Ginawa ko lahat ng best ko. Shinoot namin lahat ng need kuhaan dito sa bar and maganda naman kinalabasan. Hanggang take 5 lang din ang nangyayare na pinaka madaming mali. Goodshit nga kami kay Direk dahil hindi sya nahirapan. Papuri ng papuri. After the shoot eh nagpasya na din kaming mag uwian at 3AM na din. Palabas na sana ako ng tent ng hawakan ni Kuya Eliot yung kamay ko. "Theo. Pwede ba kong magtanong?" Sabi nya. Parang may something sa mata ni Kuya Liam. Nakikita ko yung parang pangungulila. "Yes po, Kuya. Ano po yon?" Sabi ko naman. "Um. Do you know Garreth Hererra?" Tanong nya na parang nag aalinlangan pa. Tumango ako. "Yes po. He is my oldest brother po. Why po?" Tanong ko ulit. Nabitawan nya yung kamay ko at parang natulala nalang. Nakatitig lang sya saken. "A-ah w-wala. Salamat." Sabi nya at nilagpasan na ako. Wow ang weird. Umiling nalang ako. Bago pa man ako makaalis ulit. May humawak naman sa balikat ko behind my back. Nanaman? Potek naman uxto ko na umuwe!!! Paglingon ko si Mr. Jacob. Seryosong nakatingin sakin kaya kinabahan ako. "You did a great job tonight Theo. Sana gang huli ganun ka lang." He said. "S-Salamat po." Nauutal ako. Ang gwapo nya. Naka tshirt nalang sya na puti at naka sweatpants na grey. I can see his abs through his shirt na galit na galit. I snapped back in reality ng hawakan nya yung muka ko at halos mapatalon ako sa gulat. After he did that umalis na sya. At ako? Naiwang tulala. What the heck was that? Jacob Kaleb Ferell After incident last night nahihiya akong iapproach si Theodore dahil sa ginawa ko. I almost kissed him na wala manlang syang ideya and worst may asawa na ako. I'm confused. Mas na confused naman ako sa asta ni Kuya Eliot kanina nung may kausap si Theodore sa phone. May gusto ba sya kay Theo? Nawala nalang din ako sa pag isip isip nung napansin kong paalis na si Theo sa set. Kaya hinabol ko sya. Pinuri ko sya kasi maganda naman talaga yung ginawa nya kanina. And good thing mabilis syang maka pick up ng gagawin at linya. Diko nanaman alam kung ano bang pumasok sa utak ko at hinawakan ko yung muka nya at iniwan ko nalang sya doon na tulala. Umuwi na din ako dahil I'm exhausted. And super confused sa ginawa ko kanina.. Pag uwi ko tulog na si Aisha. Bukas may shoot ulit kami same venue.. May mahabang oras pa ako to sleep. Di naman na nagising si Aisha kaya natulog na din ako. Kinabukasan, late na ko nagising. It's almost 11AM na. Nakita ko nalang na may note sa ibabaw ng kumot ko. A note from my wife. 'Babe, expect me to come home after 2 days. May fan meeting ako sa kabilang city. And I need to stay at the hotel for 2 nights. Di na kita ginising kasi I know your tired. I love you!' I was expecting this to happen. Walang paalamanan. Napabuntong hininga nalang ako. Nagmuni muni muna ako sa bahay bago mag ayos at pumunta ng maaga sa set. Don nalang ako maglilibang. Pagdating sa set maaga ako ng 2 hours to start. 6PM daw mag start eh. Kaya 4PM dito na ako. Nagulat din ako na nandito na si Theodore. Sabagay, yung mga rookie actors kelangan talaga magpa empress para maging okay sila sa mga katrabaho nila. He was reading his script and parang nagulat sya ng makita ako. "Hi." Bati ko sa kanya. He looked at me and smiled tsaka nag 'hello' Lang. Mula non di na kame nag usap ulit. As expected the shoot went well and maaga kaming natapos kaya masaya ang lahat. The scenes is the same scenarios yesterday. Wala pa namang mga masyado intense scene dahil ayaw pa ni Direk na biglain si Theo. I decided na din na umuwi nalang at wala din naman akong balak gumimik. Theodore Hererra It's been a week, busy ako sa shoot. Grabe namimiss ko nanaman bestfriend ko ah. I called him and ask kung pede ba sila ng pinsan ko today pero busy daw sila. Hays. I called Kuya Liam too pero sabi nya nasa bahay sya ng mother nya. Ugh! Busy lahat! Ano ba yan. I was tapping my fingers sa table habang nakapangalumbaba at nag iisip ng gagawin dahil wala kaming shoot today. Tas bukas ng gabi pa ang shoot. Biglang nagring yung phone ko. I looked at it and I saw an unknown number. Nagdalawang isip pa kong sagutin. "Hello? Who's this?" Medjo mataray kong sabe. [Theodore. It's me Jacob.] Kumabog ng malakas yung dibdib ko. How did he get my number? "Ah hello Mr. Jacob. S-saan nyo po nakuha number ko?" I asked. He laughed a little. [Funny for you to ask Mr. Hererra. Ofcourse katrabaho kita. Nakuha ko number mo kay Manager Liam.] Oo nga naman tanga ko din eh. "Ay hehe. Um. Bakit nga po pala?" [Can you come over? Need ko lang ng makakausap. Kuya Eliot is busy. Si Aisha naman out of town for concert.] What? He was asking me to come over? Lately ang weird na ni Mr. Jacob. Ang clingy nya din masyado sa set. Pero napapansin yon ng mga tao don and saying na need daw yon para mas maging makatotohanan yung role namen sa movie at di ako mailang sa mga susunod na gagawin na scenes. Ilang araw palang naman kami nagkakatrabaho pero kung umasta siya parang close na close kami. [Hello? Theo? Are you still there?] Shit. He even called me by my nickname. "Y-Yes sir. Sige po. Punta nalang ako jan." [Okay thanks. Mag prepared na din ako ng dinner. Bye.] Then he hang up. Natutulala ako. Did he really invited me to his house? Yung ako at sya lang? What the heck. Shempre, dahil nakakahiya naman nag ayos na din ako. 'Kahit gusto mo naman talaga.' bulong ng kabilang side ng utak ko. Paepal naman eh. I wear maong short na gang hita. Yung sakto lang na short na panglalake. Medjo fitted. I also wear a white shirt na may slit sa may collar bone and expose na din yung collar bone ko. I also wear cap and sandals. Typical na suot ng gagala. Lol. I called a taxi and make my way to Mr. Jacob's house. Pagdating ko. I knocked. Pagbukas ng pinto tumambad sakin si Mr. Jacob na naka boxer shorts lang at nakahubad. Nanlaki yung mata ko same as his eyes. Nasara nya bigla yung pinto sa gulat and I heard na nanakbo sya. Ilang minuto pa he opened the door again at may suot na syang tshirt. Pero baka boxer short padin. Napakamot sya ng batok. Shet ang cute. "Ah sorry. Akala ko kasi ikaw yung delivery boy ng pizza." Sabi nya na nahihiya. Wow. Si Mr. Jacob na super dominant eh marunong pala magblush at mahiya. Daig pang binata. "Okay lang po. Nagulat din ako." Sabi ko na natatawa. Binuksan nya yung pinto and pinapasok ako sa loob. Shempre sabi nya dumeretcho na daw ako sa kitchen para makakain na din kame agad at snacks nalang later yung pizza. He cooked delicious food and nagkwentuhan lang kame. "Theo... Ah I mean Theodore. May girlfriend kana ba?" Tanong nya. Muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. He was waiting for my answer. "Why are you suddenly asking me that Mr. Jacob?" Tanong ko. Napaka out of nowhere naman niyang magtanong sakin. Tsk. "Wala I'm just curious. Matagal na tayong magka work and wala manlang bumibisita sayo sa set. Well, I'm not expecting for your family to come kasi nakwento mo nasa States sila. So iniisip ko baka may girlfriend ka." Mahabang sabi nya. "Wala po Mr. Jacob. At wala din po akong balak." Sabi ko. Napangiti ako kasi yung muka nya di mapaliwanag. Bago pa sya magsalita may nag doorbell. Yung pizza na ata yon. So pagbalik nya nga may dala na syang pizza, chicken at beers. What?! Di manlang ako nainform. After kumain ng dinner inaya nya ako sa salas. Nilahad nya yung mga foods at beers sa lamesa at naupo kami sa sahig na magkalapit. He played a movie and habang nanonood kame nagkukwentuhan lang din. I'm getting to know him each day pag nakakasama ko sya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa palabas tas nakangisi. Nagpipigil ng tawa o kaya naman kilig. Kaloka. Bigla syang napatingin saken. "What? May dumi ba ko sa muka?" He asked. Napaiwas naman ako ng tingin. "W-Wala. Cute mo lang pag nangiti." Pabulong kong sabi. "Huh?" Hindi nya ata narinig. "Um.. Teka lang Mr. Jacob, kuha lang akong tubig. Medjo may tama na din ako." Napatingin ako sa beers and nakaka tig lima na kame. Hinayaan nya naman ako na pumunta sa kitchen nya. While drinking water nagulat ako ng may biglang humila saken. Natapon yung bottled water na hawak ko. Good thing hindi babasagin na baso. He pushed me to the wall sa may sink. He was looking at me in the eyes. His eyes full of lust. Parang nag aapoy. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lapit ng muka nya sa muka ko. And I can smell yung mabango nyang hininga na may halong amoy ng beer. "I don't know what you did to me pero everytime na nakikita kita parang gusto nalang kitang halikan. Please Theo, let me kiss you." Ewan ko dala na rin siguro ng tama ng alak hinayaan ko syang halikan ako. Una malumanay lang hanggang sa naging mapusok. Binuhat nya ako paharap sa kanya. Hindi nya padin pinuputol yung halikan namen. He walked to the sink and pinatong ako sa ibabaw. While my legs still on his waist. Para kong mababaliw. He was kissing me deeply. Full of lust and full of excitement. And.... --- Oops! Pabitin muna! Hahahahahhaa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD