Chapter 11

2517 Words
Jacob Kaleb Ferell I was planning to live with Theodore after namin mag open in public. Yes. I know it's too early for us to do this pero totoo at buo na ang desisyon ko. I don't care kung anong sasabihin ng iba. Aking bahay yon at kahit isang shares walang binigay si Aisha doon. And it's because duty ko yun as her husband. Good thing nalang talaga at mahal na mahal ako ng management ng company kaya hindi nila ako basta basta bibitawan. Malaki na din ang ambang ko sa kompanya kung tutuusin. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero meron na din ako shares sa company, hindi ko lang talaga gustong malaman ng iba. I'm a super private person. Limitado lang ang nakakaalam ng tungkol sa buo kong pagkatao. Tungkol naman kay Ralph. I confronted him. He lost his career dahil tinanggal sya ng company namin. Malaking eskandalo ang ginawa niya. Should I blame him for what happened? Kahit na in the first place ako yung nagloko? Or should I say, Aisha cheated on me first? I asked him ano bang intensyon niya at ginawa niya yon. His reason? Dahil ayaw nya daw maging masaya kami ni Aisha. He was rejected by Aisha bago ko sya maging girlfriend. And now nakakuha sya ng bagay para makapag revenge saming dalawa at nagtagumpay siya. Wala akong nakitang bakas ng guilt sa pagmumukha ng hayop na yon. Except sa panghihinayang dahil nawalan siya ng trabaho at matagal siya bago makakabalik sa acting industry. Sa ngayon wala muna akong pakeelam sa kanya. Iniisip ko pa mangyayare sa pres con mamaya. Oo mamaya na kami magsasalita sa publiko. I waited for this to happen isang linggo na. Nabalitaan ko na hindi daw nagsalita at nagpa interview si Aisha sa pres dahil hindi din siya mahanap at makontak ng kahit na sino sa company nila. Iniisip ko kung ano bang mga bagay ang sasabihin ko. Kung paano ko ba maipapaliwanag ng maayos yung side ko at lilinisin ang pangalan ni Theodore. Ilang araw na pati na hindi lumalabas ng bahay si Theodore dahil sa kahihiyan. Kahit na sinasabihan ko siya na wala naman siyang dapat ikahiya. Palagi niya lang sinasabi saakin na hindi ko maiintindihan yung nararamdaman niya dahil hindi naman daw ako ang sinisisi ng mga tao. Kaya naman binibisita ko nalang sya. Kinuwento nya rin sakin yung nangyare sa kanila ng Kuya Garreth nya. At sobra akong nalungkot doon. Pati si Kuya Eliot hindi na ako kinausap. Maybe I just talk to him after ko maayos to. Si Aisha. Hindi ko alam kung nasaan sya. But still kinokontak nya ko saying na ayusin pa namin to but I said no. I already made up my mind. And thats final. Sinabi ko na din sa abogado ko na magfile na ng divorce papers. He said he needed strong evidence to prove na nagloko asawa ko. But I have a lot of it. I called Theodore just now and sinabi kong susunduin ko na sya. He said he was getting ready. Nagdrive na ako papunta sa lugar niya. Pagdating ko sa apartment nya, kumatok muna ako ng marahan. Nagulat naman ako at iba ang nagbukas. "Hi Mr. Jacob. I'm Landon. Bestfriend ako ni Theodore." Sabi niya at nakapwesto yung kamay niya na offering for shake hands kaya tinanggap ko. "It's nice to meet you po. Pasok kayo. Si Theodore nagreready na." He said tsaka ako pinapasok sa loob. "Besty. Nandito na si Mr. Jacob." Sabi ni Landon pero napansin kong may isa pa palang tao sa loob. "Uh. Mr. Jacob si Dwight nga pala boyfriend ko cousin ni Theodore." Pagpapakilala sakin ni Landon sa lalaking nakaupo sa sofa at natingin lang sakin ng seryoso. I smiled a little. "Hi." Sabi ko. Tapos tumango lang sya. "Ay nako pasensya na po kayo Mr. Jacob suplado talaga yang lalaki na yan. Pero mabait yan." Madaldal na usap ni Landon saakin. Mukhang jolly tong bestfriend ni Theodore at kita kong close na close sila. "Landon, ang daldal mo." Biglang sulpot ni Theodore na kakagaling lang sa kwarto niya at nakabihis niya.. "Are you ready?" I asked him. Tumango naman sya tsaka ngumiti. "Um Mr. Jacob, isasama ko nga pala sila. Susuportahan daw nila tayo." Sabi niya na nahihiya. Tumingin ako don sa magjowa. Si Landon ngiting ngiti yung Dwight naman naka bored look lang. So alam naman na siguro nila? And mukhang approve naman yung relasyon naming dalawa ni Theodore sa kanilang dalawa. "It's okay. So tara na?" Inaya ko na sya at yung kamay nya kinuha ko tsaka ko pinulupot sa braso ko. We made our way sa company. Iisang kotse nalang din ang ginamit namen. Shempre kotse ko. Nasa backseat yung magjowa at nagkukwentuhan. Pagdating palang namin sinalubong na kami ng mga pres pero maagap ang mga body guards at hinarangan sila. "Pwede ba. Maiinterview nyo sila mamaya. Wag kayong magkagulo." Sabi nung isang body guard habang nakaharang ang kamay sa nagkakagulong pres. Ako naman inalalayan ko si Theodore at pinasunod ko na samin yung dalawa para hindi din sila maipit sa nagkakagulong tao sa daan. Umakyat muna kami sa office para magpakita sa Head ng management. Nagulat ako at naandito si Kuya Eliot. Hindi kasi ako sure kung naandito ba siya para suportahan ako? O para pagsabihan ako sa nangyayari samin ni Theodore? He was like my father and brother at the same time. Siya ang kasa-kasama ko simula ng mamatay ang parents ko. At siya lang din naman ang kasintahan ng kapatid ng pinaka mamahal ko. Kaya alam kong may rason kung bakit siya nandito. Sa ngayon, hindi ko na muna siya tatanungin. "Jacob, are you ready?" Tanong ng Head namen. I just nod. "He's also ready na din." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Theodore. "Then let's go." Sabi ni Head tsaka naunang lumabas ng office. Bumaba na kami and nakita kong madami ng pres. Yung magjowa nakaupo sa unahan ng mga upuan ng pres pati na din si Kuya Eliot. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay ni Theodore habang nakatayo kami dito sa mini stage. Para kaming nasa korte na lilitising maigi. Tumingin ako sa kanya at tsaka ngumiti ako. I whispered 'it's okay' para di sya kabahan. Pagkaupo namin tuloy tuloy lang ang pagkuha nila ng litrato. Nag start ng umusap yung Head namin. "This pres conference is for you to ask question na matagal nyo ng gustong malaman ang sagot mula kay Mr. Ferell at Mr. Hererra. I'm expecting you guys will asked a proper question. Rude questioning is not allowed. Kung sakaling may marinig ako hindi ako magdadalawang isip na ipakaladkad kayo sa mga bodyguards. You can ask questions in a good way. So let's start." Sabi niya tsaka ibinaba yung microphone. Tumaas yung isang kamay nung babaeng reporter. "Mr. Ferell, may I ask kung pano nagsimula yung relasyon nyo ni Mr. Hererra?" Huminga muna ako ng malalim bago dinampot yung mic at nagsimulang magsalita. "I met him nung ipakilala sya bilang makakasama ko sa movie naming Love Affair. At first, namangha lang ako sa kanya. He was look like an angel. Napaka gandang nilalang. But everytime na nakikita ko sya lumalalim na yung nararamdaman ko. At yun din yung bagay na hindi ko masagot para sa sarili ko. Na kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganito sa kanya e kasal na ako." Sagot ko tsaka ako tumingin kay Theodore na nakatungo sa hiya. Ayoko na ng tanong tanong kaya I decided na ikwento nalang lahat para isang bagsakan na. Ayoko din na sa iba pa mapunta ang usapan at maoffend si Theodore. "I don't want to hear any questions. Magsasalita nalang ako." I paused. "As you can see, oo may relasyon kami ni Theodore Herrera for almost 7 months na. Madaming magsasabi sa inyo na malandi sya, kabet, makasalanan and so on. Pero hindi nyo alam kung ano bang mga bagay ang nagustuhan ko sa kanya. I loved him. I love everything about him." I paused at hinawakan ko yung kamay niya. "Sa kanya ko lang naramdaman yung bagay na hindi ko naramdaman sa ex wife ko. He even makes me feel special sa kahit anong way. And alam kong alam nyong lahat ang nangyare sa premiere night ng Love Affair. And yes, Aisha Mojica my ex wife had an affair with his Manager. Aisha and Manager Sev secretly dating bago pa kami ikasal up until now. Thanks to Ralph Valderama for letting me know. Pero gago ka padin." I breathed out a little. Kahit na confident akong sumagot, kinakabahan pa din naman ako. "Noong una nakokonsensya ako. Bakit ko ba nagawa kay Aisha yon. Pero nung malaman ko lahat parang gusto ko nalang magwala. Kung hindi pa pala ako nagloko hindi ko malalaman na matagal na akong ginagago. And yes, I decided to file a divorce para sa marriage namen. So I can freely live with Theodore now at ituloy ang relasyon namin. Sa mga katanungan nyo about Aisha's affair sa Manager nya just ask her kasi wala na kong pakeelam don. Ang concern ko nalang is si Theodore, career ko, at buhay ko. Sa mga nanghuhusga saming dalawa ni Theo okay lang yan. Kahit mamatay pa kayo jan wala kaming pake. That's all. Thank you." Tumayo na ako at inalalayan si Theodore na tumayo at naglakad kami papasok ulit sa elevator pataas sa office. "Huwag kang maself pitty kung hindi ka nakapag salita." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ako. "Thank you." Sabi niya at ngumiti rin. Pagpasok ng office naka sunod na din sila Kuya Eliot, Landon, Dwight at yung Head ng management. "That's a wrap Jacob. Nice speech." Sabi ng Head ng management. "Siya. Maiwan ko na muna kayo." Dagdag nya. I bow and nagpasalamat kami sa kanya. Nakita kong tumingin sakin si Kuya Eliot. I smiled at him at ngumiti rin sya saken. Lumapit ako sa kanya at nakipag bro hug. "Sorry di kita nadamayan sa mga nangyare sayo. Nagulat din ako. Tsaka alam mo naman si Garreth. Hindi niya din kasi matanggap.." Sabi niya. "Okay lang Kuya. Problema ko naman to." Sagot ko. Biglang lumapit samin si Theodore. "Kuya El. K-Kumusta si Kuya?" Tanong niya. "Hindi ba sya nagpaalam sayo? Umalis na sya kahapon at bumalik na sya sa States." Nanlaki yung mata ni Theodore. Kahit ako nagulat. Akala ko kasi magsesettle na si Kuya Garreth dito sa pinas kasama si Kuya Eliot. "H-Ha?! Hindi manlang sya nagpaalam saakin. Mukhang malaki talaga sama ng loob ni Kuya saakin." Malungkot nyang sabi. "It's okay Theo.. Maiintindihan ka din ng Kuya mo. Just give him time to think." Sabi ni Kuya Eliot at tinapik si Theodore sa balikat. "Sya mauna na ako ah. May gagawin pa kasi ko." Dagdag nya. Nagtanguan naman at tsaka siya umalis. Yung magjowa naman nandito padin. "Um. Can I ask a favor? Pwede nyo ba akong tulungan na ilipat yung mga ibang gamit ni Theodore sa bahay ko?" Pagkasabi ko non napatingin sakin si Theo. "H-Ha?! Anong sinasabi mo jan Mr. Jacob? Anong lilipat?" Takang tanong nya. Tumingin ako sa kanya tsaka ko hinawakan yung muka nya. "Titira kana sa bahay ko from now on." And I kissed him. Theodore Herrera Katulad nga ng sabi ni Mr. Jacob, dito na ko nakatira sa bahay nya. Dalawang linggo na simula ng lumipat ako dito. He even changed the room na tinutulugan namin. Yung dating master bedroom naging guest room nalang. Pinagawa nya yung dating guest room to make it more bigger para maging kwarto naming dalawa. Sabi niya ayaw nyang matulog ako sa kamang tinulugan nila noon ni Aisha. Dahil para daw sa kanya nakakabastos yon sa part ko. Pinalitan niya rin lahat ng gamit sa bahay nya. Halos lahat bago. Wala din siyang tinirang gamit ni Aisha o makakapag paalala kay Aisha sa kanya. Korni nga nya nagpapicture pa kami para may malagay syang picture naming dalawa na pagkalaki at ipinuwesto sa salas. Sabi pa nya gusto nyang laging nakikita yon pag nakaupo kami sa salas. Everyday malambing sya. Typical na asawa lang din ang ganap. Patuloy pa din ang process ng divorce paper nila ni Aisha kahit na hindi ito umaattend sa hearing. Hindi din kasi siya mahanap kung saang lupalop ng mundo nandoon. Nagtatrabaho padin si Mr. Jacob sa company nila at may bago syang project. Natutuwa nga ako kasi hindi naman nasira ng tuluyan yung career niya. Hindi katulad ko bumagsak agad. Binibiro ko nga siya na baka pag uwi niya may iba na sya at kagaya ko noon maging kasintahan nya na yung katrabaho niya. Nagagalit naman ang loko. Haha. Napipikon siya pero ang banat nya mas maganda pa daw ako don sa katambal nya. Sus napaka bulero. Isang buwan ko na din hindi nakakausap si Kuya Garreth. Namimiss ko na siya. Hindi ko manlang siya makumusta. Hanggang ngayon nalulungkot pa din ako kasi gusto siya yung unang taong mapagsasabihan ko pag masaya ako, lalo na ngayon. Sila Kuya Liam, Landon at Kuya Dwight naman e madalas nabisita dito dahil nabobored lang din naman ako. Nasa bahay lang ako eh. Wala akong trabaho. Nahihiya na nga ako kay Mr. Jacob. Kasi wala manlang akong maitulong sa kanya. Pero palagi niyang sinasabi na yung pag aasikaso ko sa kanya malaking tulong ko na yun. Masaya na ko ngayon na tahimik na kaming dalawa na magkasama. Pero hindi padin maaalis sakin ang worries. Paano kung hindi pirmahan ni Aisha yung divorce papers nila? Paano kung ilaban niya yung kasal nila? At ako maetchapwera? Iba pa din ang legal sa hindi legal na asawa. I shake my thoughts. Ako na ngayon ang mahal ni Mr. Jacob. At ako na ngayon ang nag mamay ari sa kanya. Wala man kaming kasulatan na napirmahan o basbas ng simbahan ang mahalaga sakin ay magkasama kaming dalawa at nagmamahalan. Bugnot na bugnot na ako dito sa bahay. Lalabas lang ako pag mag aaya si Mr. Jacob ng date o kaya mag shopping. Hupa na din yung issue. Hindi na kame nakakarinig ng gossip sa mga tao pag nakikita kaming magkasama. Normal nalang din sa kanila. I decided to call Landon at baka mabaliw na ako dito sa sobrang bagot. Ilang rings pa ay sumagot na si Gaga. [Yes hello bestfriend kong may korona?] Gandang bungad ha? Sampal to sakin mamaya. "Deputa. Puntahan mo ulit ako dito. Naiinip ako bes." [Anong tingin mo sakin entertainer?] Aba at binabara niya ba ako? "Baka gusto mong sabihin ko sa pinsan kong iwanan ka na para manahimik ka jan?" [Eto na nga oh. Otw na. Di mabiro eh.] Takot din naman pala eh. "Ge see you!" Natawa naman ako. Lakas din ng amats non kay Kuya Dwight eh. Umorder naman agad ako ng mga foods at drinks para pagdating nya naka ready na. May work si Kuya Dwight kaya for sure solo lang si Bes aawra dito. Maigi na din para may makausap ako. Kasi hanggang ngayon wala pa din akong kontak kay Kuya Garreth. Si Landon nalang talaga ang pwede kong makausap. May silbi naman si bes kahit papano. Dumating na yung inorder kong chicken, pizza at beers. Favorite namin to ni Bes. Madalas kaming uminom ng ganito lalo na pag stress kaming dalawa. Hobby na namin mag one on one. Hahahaha. Siguro nga kasi kaming dalawa talaga ang nagkakaintindihan sa lahat ng bagay. Kaya mahal na mahal ko yun si Landon. Simulat sapul ng bata pa kami, kaming dalawa lang magkasandigan sa isa't isa. From bullies, to our parents. Pero wala namang problema sa magulang niya. Supportive pa nga at mahal na mahal siya pati na ako. The only problem is my parents. Na kahit si Landon jinajudge nila. Hay. Tagal naman ni bakla! --- Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD