Chapter 19

2824 Words
Theodore Hererra Hindi ko alam kung ano pa ba ito. Kung shooting pa ba o totoo na itong nangyayari? Ayokong mag expect. Ayoko din paasahin yung sarili ko. Kasi baka masaktan lang ako. Biglang nagbukas lahat ng ilaw sa buong theater. Madaming taong nakatayo sa may upuan at mga naka suit and gowns at mga nakamaskara. Sabay sabay nilang tinanggal yung mga maskara nila at nagulat ako dahil nandito lahat ng kaibigan namin. Sila Landon, Kuya Dwight, Kuya Garreth, Kuya Eliot, Kuya Liam, at si Ate Christine na girlfriend na ni Kuya Liam. Mga staff. Mga producers. Mga kasamahan ni Jacob sa company. Nagpalakpakan silang lahat at sabay sabay silang sumigaw ng 'THEODORE, SAY YES!' At dun lang ako natauhan. Is this a proposal? Napatingin ako kay Jacob na nakaluhod padin at nagsisimula ng lumuha. Hindi ko na din napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa tuwa. "YES! YES MAHAL KO!" Sigaw ko. Tumayo sya sa pagkakaluhod. Niyakap niya ako at hinalikan. Nagsigawan yung mga tao. Pati si Ayesha na nasa tabi ko tili ng tili. Kahit na wala naman siyang alam sa nangyayari. Tuwang tuwa ang anak ko habang sinasalo ang mga nahuhulog na petals ng cherry blossoms. Napatingin naman ako kay Jacob ng kuhain niya ang kanang kamay ko tsaka inilagay yung singsing sa daliri ko. "Deretcho kasalan na to Mahal ko." Bulong niya. "See you sa simbahan guys!" Sabi niya ng naka mic at nagpalakpakan naman lahat ng tao at naghiyawan. Ha? Ano daw? Wala akong idea sa nangyayari. Anong deretcho kasal? Seryoso ba siya? Sinalubong ako ni Landon at Kuya Garreth sa backstage kahit na lutang pa ako at wala sa sarili. "Sa amin ka sasabay. Mauuna na yung mga boys sa simbahan. Mag reretouch ka muna." Sabi ni Kuya Garreth pero hanggang ngayon hindi pa din nag sisink in sa akin yung nangyare. "P-Paano nangyare to?" Tanong ko. "We planned it a month ago. Tsaka na natin yan pagkwentuhan sa reception." Sabi naman ni Landon na hawak hawak si Ayesha sa kamay. So sila nanaman ang kasabwat? Napagka-isahan nanaman nila akong lahat! "Tara na." Aya saakin ni Kuya Garreth. I'm getting married? I'M GETTING MARRIED!!!! "Bes ano ready ka na ba?" Nakangiting tanong sa akin ni Landon habang nasa kotse kami. Si Kuya Garreth ang driver tas nasa passenger seat si Landon. Si Ayesha naman katabi ko at naglalaro lang sa cellphone ng Nanang niya. "Kinakabahan ako bes. Hindi ko naman kasi ineexpect to. Pagka propose deretcho kasalan? Walang hinga hinga?" Sabi ko. Totoo kinakabahan ako. Pero at the same time sobrang saya ko. Dati pangarap ko lang makasal kay Jacob pero ngayon matutupad na. "Surprise nga diba? Gaga ka din eh." At narinig ko namang tumawa si Kuya Garreth. "Palagi niyo nalang ako pinag kakaisahan. Kaya pala tanong ka ng tanong about sa kasal kasal na yan eh." Naka pout kong sabi. "Ay arte mo teh?! Ikaw na nga itong sinurprise more emote ka pa dyan! Sakalin kita ng buhok mo eh!" Natawa naman ako sa sagot ni Landon. Walanghiya talaga itong bestfriend ko na to. "We're here!" Sambit ni Kuya Garreth at ipinark yung kotse sa tapat ng isang maganda at malawak na garden. "Garden wedding napili ng asawa mo. He said magugustuhan mo daw to. Napaka bongga talaga ng mga naiisip ni Jacob pagdating sayo. Ayiiieeee." Sabi ni Landon habang inaayos yung wedding gown ko. Napangiti lang ako pagkatapos niyang sabihin yan. Totoo. Sa kabila ng mga nagawa ko sa kanyang pag iwan at p*******t, ganito yung isinusukli niya sa akin. Nakaready na lahat ng mga abay. Natutuwa ako ang ku-cute nung mga flower girls. Si Ayesha naman ang ring bearer. Nag start na silang maglakad. Medjo mahaba din yung lalakaran ha. Nakakaloka. Nasa tabi ko lang si Kuya Garreth. "Wag kang kabahan princess." Bulong niya sa akin sabay kapit sa kamay ko. "This is it ikakasal kana sa mahal mo." Dagdag pa niya. "Mauna na ko sayo ha. Rampa ko na." Natawa naman ako sa sinabi niya. Naiwan akong mag isa dito sa tapat ng pintuang malaki. Naiiyak na ako. Hindi ko alam halo halong emosyon na yung nararamdaman ko. Kaba. Excitement. Saya. Nagbukas na yung pintuan na nilagay nila dito sa garden. At napalitan ang music na nagpe-play. Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak Naglalakad na ako ng dahan dahan. Napunta agad yung tingin ko sa lalaking nakatayo sa may dulo ng aisle at nakangiti habang pumapatak ang mga luha sa mata niya. In that very moment I found the one and My life had found its missing piece Naalala ko pa yung una naming pagkikita. Nagkakilala kami dahil magkasama kami sa iisang project. We ended up having a relationship at nagtaksil kami sa asawa niya. So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white Naalala ko din lahat ng sakit na tiniis ko nung iniwanan ko siya 3 years ago at nagpunta akong States. Buti nalang at hindi ko pinanindigan yung katangahan ko noon. Buti nalang sinunod ko padin yung puso ko. Dahil kung hindi wala ako ngayon dito at naglalakad papunta sa aisle kung saan hinihintay ako ng pinaka mamahal ko. Jacob Kaleb Ferell And from now 'til my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Ibang iba yung nararamdaman ko ngayon habang naglalakad si Theodore papalapit sa akin dito sa aisle. Hindi ganito yung pakiramdam ko noong kinasal ako kay Aisha. Ni isang patak ng luha walang lumabas sa mga mata ko noong panahon na yun. Tanging saya lang na makita ko siya na naglalakad sa altar. Hindi katulad ngayon na parang sasabog na ang puso ko dahil sa kaba at tuwa. Pati pagpatak ng luha ko hindi ko na mapigilan. What we have is timeless My love is endless And with this ring I Say to the world The most beautiful creature that I loved the most is now walking towards me. Yung mga luha ko kusang napatak. Tears of joy kung baga. Lahat ng sakit na naranasan ko nung iniwan niya ko noon napalitan lahat agad ng saya. You're my every reason You're all that I believe in With all my heart I mean every word Silang dalawa ni Ayesha ang pinaka mahahalagang tao sa buhay ko. I want to show the world kung gaano ako kasaya at kaswerte dahil binigyan ako ng isang magandang pamilya. So as long as I live I love you Will haven and hold you You look so beautiful in white Kung nasan man si Aisha ngayon, nagpapasalamat ako sa kanya dahil binigyan niya ko ng isang magandang anak. At kung hindi dahil sa kanya hindi din ako magiging masaya ngayon. Lagi lang siyang may puwang sa puso ko. And from now 'til my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Nasa tapat ko na si Theodore. Halos mukha na akong siraulo dahil naiyak ako habang nakatitig sa kanya. I can see her crying too. Kinuha ko yung kamay niya at sabay kaming pumunta sa harap ng pari. Theodore Hererra "Ngayon ay masasaksihan natin ang pag iisang dibdib nina Mr. Jacob Kaleb Ferell at Ms. Theodore Hererra." Sabi ng Pari. "Mr. Ferell, tinatanggap mo ba si Ms. Hererra bilang magiging kabiyak mo at makakasama mo pang habang buhay? Sa hirap at ginhawa? Sa lungkot at saya? Sa mga pagsubok na nadarating sa inyong dalawa?" Tanong ng Pari kay Jacob. Nakatitig habang nakangiti ng malapad si Jacob sa akin tsaka siya sumagot. "I do Father." "Ikaw Ms. Hererra, tinatanggap mo ba si Mr. Ferell bilang magiging kabiyak mo at makakasama mo pang habang buhay? Sa hirap at ginhawa? Sa lungkot at saya? Sa mga pagsubok na nadarating sa inyong dalawa?" Tanong naman ng Pari sa akin. Kagaya ng kay Jacob hindi ko inaalis ang mga titig at mga ngiti ko sa kanya habang sumasagot ako sa magandang katanungan ng Pari sa akin. "I do Father." "Now it's time for the wedding vows." On the spot? Jusko hindi ako ready. "Ms. Hererra, maaari mo ng sabihin ang nasa sa puso mo na panunumpa sa inyong kasal." Huminga muna ako ng malalim. Hindi naman kasi talaga ako ready. Pero katulad ng sinabi ni Father, kung ano ang nilalaman ng puso ko yun ang sasabihin ko. "Jacob mahal. I am not expecting this day to come and happen. Masaya ako na nakilala kita. Hindi ako nagsisisi sa mga desisyon na ginawa ko para sa ating dalawa. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ko ng isang katulad mo. Nagpapasalamat din ako kay Aisha dahil binigyan niya tayo ng isang magandang anak na si Ayesha." Tumingin ako sa anak namin. Nakangiti lang siya at kita sa mga mata niya ang kinang. "Pangako kong habang buhay kitang mamahalin, aalagaan at pagsisilbihan. Sa bawat pagsubok na darating sa ating dalawa nasa tabi mo lang ako. Sa tabi ninyong dalawa ni Ayesha. I love you Jacob Kaleb Ferell." Pagkatapos kong magsalita inilagay ko na yung singsing sa palasingsingan niya. Pinahid ko yung luha na pumatak sa pisngi ko. Kinuha naman niya yung mic at nagsimula na din na magsalita. "Theodore mahal ko, noong una hindi ko alam kung ano ba yung nangyayari sa akin dahil halos mabaliw na ako sayo." Nagtawanan naman yung mga tao. "Sa bawat araw na kasama kita mas lalong lumalalim yung pagmamahal ko sayo. Nagpapasalamat ako sa walang sawang pagmamahal mo sa amin ng anak natin. Pinapangako kong magiging tapat ako sayo habang buhay. Sa bawat pagsubok na darating poprotektahan ko kayong dalawa ni Ayesha. At sa mga panahong malungkot ka, pasasayahin kita. Mahal na mahal kita Theodore." After that sya naman yung naglagay ng singsing sa daliri ko. "I pronounce you Mr. and Mrs. Ferell. You may now kiss the bride." Sabi ng Pari. Kaya naman inangat ni Jacob yung belo na suot ko at hinalikan ako ng malumanay. Nagpalakpakan yung mga tao sa paligid. I could hear them saying congratulations at mabuhay ang bagong kasal. Pagdating sa reception nagpalit muna ako ng long dress dahil binabanas na ako. Daming pakulo. Sumayaw pa yung mga lalaki at may pagkanta pa si Landon at Kuya Garreth. Masaya ang lahat sa gabing ito. Biglang kinuha ni Kuya Garreth yung mic at tumayo sa may mini stage na nakatayo sa may unahan. "I want to congratulate the both of you first. Noong una, hindi ko matanggap yung relasyon nila dahil alam kong mali. Hindi ko sinuportahan yung kapatid ko at alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Pero sa paglipas ng panahon nakita ko kung gaano siya kamahal ni Jacob at kung gaano niya rin kamahal si Jacob. Sa pag ibig walang sini sino walang kung ano. Kapag tinamaan ka hindi ka na makakawala. Theodore, my princess. I wish you a happy married life. Buhay na matagal mo ng pinapangarap. Masayang masaya ako para sayo kapatid. Wala akong ibang hiniling at ipinag dasal sa taas na maging masaya ka na ng tuluyan. Jacob, alagaan mo yang kapatid ko ha? Pag sinaktan mo yan hindi ka na sisikatan ng araw." Nagtawanan sila. Pero ako naiyak. Si Kuya Garreth naman teary eyed na. "Magmahalan kayong dalawa kagaya ng gusto niyong mangyari. Pagtibayin nyo yung relasyon niyo. Congrats!" Sabi niya at tinaas pa yung champagne glass niya. After noon nagkasiyahan na ang lahat. Inom dito, sayawan doon. Walang mapaglagyan ang saya sa buong sistema ko. Ang makita kong masaya ang mga taong mahal ko. Kasama ko sila sa pinaka mahalaga at masayang araw ng buhay ko. Ang ganap ko nang matatawag ang sarili ko na Mrs. Ferell. Umuwi kami ni Jacob sa bahay ng masaya at may ngiti sa labi naming dalawa. "I love you Mrs. Ferell." "I love you more Mr. Ferell." This is the start of marriage life. May mga pagsubok kayang darating sa aming dalawa? Kung oo, hindi ako magdadalawang isip na harapin ito ng buong buo. Ngayon, isang panibagong yugto ng buhay namin ang kakaharapin ng magkasama. Nagplano kaming mag honeymoon ni Jacob sa HongKong pero... Pero kasama ang tropa. Kung bakit? Dahil lang naman sa prinsesa naming si Ayesha na ayaw magpaiwan sa tropa. Gustong sumama sa amin sa HongKong. Kaya napagdesisyunan na ng lahat na sumama nalang para makapasyal na din sila. Para pati hindi malungkot si Ayesha. Baka magtampo pa siya sa amin ng Daddy niya. Shempre kopol kopol kaming lahat. Si Landon at ang pinsan kong si Kuya Dwight. Ang mag asawang Alcala. Si Kuya Garreth at Kuya Eliot na ilang buwan nalang ay magiging mga parents na din. Shempre si Kuya Liam at si Ate Christine. "You guys ready?!" Sigaw ni Landon ng nasa sasakyan na kaming lahat papuntang airport. Nag sigawan kami dahil sa sobrang excite. Ngayon lang kasi kami mag a out of town ng magkakasama at kumpleto pa. "Mukhang may hindi masaya dito oh." Sabat pa ni Kuya Liam na nakaturo gamit ang nguso sa asawa kong naka poker face. "Wala eh. c**k blocker ang anak. Hahaha." Pang aasar pa ni Kuya Eliot. Nagtawanan naman kaming lahat. "Tss." Supladong sabi ng asawa ko. "Mahal, pagbigyan mo na si Ayesha. First time niyang makakapunta sa Disney Land." Lambing ko naman sa kanya. "Pero sana naman hindi yung araw ng honeymoon naten Mahal." Tampo niya pading sabi. "Ay pare ang arte mo ha! Edi itapon nyo na yang si Ayesha para hindi kayo naaabala." Sabat naman ni Landon kaya binatukan ko siya. "Bunganga mo bakla. Naririnig ka ng anak ko." Sita ko sa kanya. "Oops sorry." Sabi pa niya habang naka peace sign. "Kami na bahala jan kay Ayesha pagdating don kapatid. Para naman may quality time kayong mag asawa." Sabi naman ni Kuya Garreth na busy sa kakacellphone. Panigurado naghahanap na to ng masayang papasyalan sa Hong Kong. Pagdating namin sa airport talon ng talon si Ayesha habang nasigaw ng WE'RE GOING TO DISNEY LAND! Jusko. Mas excited pa saming mag ha-honeymoon. Ilang oras na flight ay nakarating din kami sa HongKong. Yung anak ko halos nanlalaki yung mga mata sa mangha sa paligid. "Mama look!!! Mickey Mouse and Minnie Mouse!!!" Turo nya doon sa malaking mascot na naglalakad. "Wow! And look there baby. Snow White and the Seven Dwarfts." Turo ko naman sa kabilang side. Nagniningning ang mga mata niya habang natingin sa paligid. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. "Magpahinga na muna tayo sa mga hotel rooms naten. Bukas nalang tayo mamasyal. Para pati mawala muna ang jetlag. Paniguradong pagod din ang bata sa mahabang byahe. Huwag niyo nalang pilitin si Ayesha na mamasyal.." Sabi ni Kuya Eliot kaya lahat naman kami sumang ayon. Magkakalapit na rooms ang kinuha namin at goodthing ay meron. Maganda din yung view pag nasa beranda ka. Kitang kita ang buong Disney Land. Pinatulog na namin si Ayesha dahil nagtotoyo na din gawa sa pagod. "Mahal, matulog kana. Bukas mamamasyal pa tayo." Lambing ko sa asawa ko na nasa beranda at nakatingin sa mga ilaw sa baba. "Hindi ba talaga tayo magkakaron ng quality time Mahal? Itapon na kaya natin si Ayesha?" Seryosong sabi niya. Sa gulat ko nabatukan ko siya. "Gago kaba? Gusto mo bang multuhin ka ni Aisha ha? Lokoloko ka ah. Wag ka mag alala magkakaron tayo noon." Sabi ko sa kanya. Hinatak niya naman ako tsaka ako niyakap. "Ganito muna tayo." Magkayakap lang kami sa may beranda habang nakatingin sa makulay na ilaw na nakabalot sa buong Disney Land. Pagkatapos ay natulog na din kami at maaga pa kameng mamamasyal bukas. Nagising nalang ako at may bulilit na tumatalon sa kama namin at sumisigaw. "Wake up! Wake up! Mama! Daddy!" Sigaw lang siya ng sigaw habang natalon. "Oh my god Yesha! It's too early!" Sita sa kanya ni Jacob. "Mahal, wag mong sigawan yung bata." Sita ko din naman sa kanya. "Sorry Daddy." Sabi ni Ayesha na parang iiyak na. "No baby. Sorry din. Tara na maligo na tayo at mamamasyal pa tayo kasama sila Uncle mo at sila Nanang." Aya sa kanya ni Jacob at masaya namang sumama sa kanya yung bata. May kumatok bigla sa pintuan. Pagbukas ko si Landon at Kuya Garreth mga nakangiti. Pumasok silang dalawa ng dere deretcho sa loob. "Nasan mag ama mo?" Tanong ni Kuya sa akin. "Nasa banyo nagpapaliguan na at hindi na mapaigi si Ayesha gusto ng gumala." Sabi ko naman. "Bes. We have a planned." Bulong sa akin ni Landon. "Ano naman yon?" Nakataas kilay kong sabi. "Hindi ba gusto niyo ng quality time at maenjoy yung honeymoon niyong mag asawa? Kami na bahala kay Ayesha mamaya." Sabi naman ni Kuya Garreth. Nagtaka naman ako. Huh? Ano bang sinasabi ng mga to? May inabot sa akin na paper bag si Landon. "Here. Suotin mo yan mamaya. Kami na muna bahala kay Jacob at Ayesha. Basta magready ka ha? Ikaw na bahala sa gagawin mo mamaya." Sabi niya sa akin. Pagbukas ko ng paper bag nagulat ako. Takte. Lingerei na see through?! Pagtingin ko sa dalawa nakangisi sila. Tas mga nataas pa mga kilay. O-okay? Alam ko na balak nila. Bigla namang nagbukas yung pintuan ng banyo kaya dali dali kong binalik yung lingerei sa loob ng paper bag. "Oh? Maaga din kayo?" Tanong ni Jacob sa dalawa nung makita niya. "Oo sabay sabay na tayo umalis. Tara na?" Sagot naman ni Landon. Napatingin sa akin si Jacob. "Ikaw Mahal? Bakit hindi ka pa ayos?" Tanong niya sa akin. "A-Ah ano, mauna na kayo Mahal. Susunod nalang ako. Iimisin ko pa mga kalat dito tsaka mag aayos pa ko. Sige na baka magtoyo pa si Ayesha." Palusot ko sa kanya. "Okay? Sya sige. Bilisan mo ha?" Sabi niya naman saka lumapit sakin at humalik. Nagpaalam na sila sa akin. Tinignan ko yung paper bag. O-kay. Nilinis ko na muna yung buong kwarto. Pagkatapos ay naligo na ako at sinuot yung lingerei. Super revealing naman nito kakaloka. Tapos nahiga ako sa kama. Nagpractice pa ko ng pang seduce kay Jacob eh. Potek naman. --- Thank you for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD