Jacob Kaleb Ferell
Pagdating ko sa bahay matapos kong puntahan si Theodore para makipag ayos umakyat agad ako ng kwarto at nakita ko si Aisha na nakatayo sa may balcony ng kwarto namin. Naka crossed arms siya at halatang hinihintay akong umuwi.
Wrong timing din naman ang pagdating niya galing sa concert niya sa ibang bansa. I'm not expecting her to go home this early. I was expecting her 1 week more to spend her time with her fans outside our country.
Pagkasara ko ng pinto hindi manla siya lumingon sa pwesto ko at nagsalita agad sya.
"Saan ka galing?" Tanong nya sabay humarap sakin at lumapit.
"Sa shoot." Tipid na sagot ko.
"Shoot? Ginagawa mo kong bobo Jacob? I called Manager Eliot at sabi nya maaga kang umalis sa set. Saan ka galing?" Tanong nya ulit.
This time halata na sa boses niya yung galit at inis. This is the first time I saw her like this. Dahil may rason din naman.
Noon, halos hindi ako umaalis sa tabi niya dahil ayaw kong nawawala siya sa paningin ko. Kahit na may kanya kanya kaming trabaho, pagkatapos ko sa shoot umuuwi kaagad ako. Madalas naman pag sa gimikan kasama ko siya o kaya naman sumasaglit lang ako.
No wonder she would act like this and I can't blame her. Ever since she came back to her career at ako naman naging busy sa project ko nawalan na kami ng time sa isa't isa.
Or its because, I spend a lot of time with Theodore and I forgot that I'm already married?
Nag isip pa din ako ng pwede kong ipalusot sa kanya. And this time mukhang hindi talaga magwowork.
"Lumabas lang ako saglit kanina." Palusot ko pa.
"Wow. Nice try Jacob. Kanina pa ko madaling araw nandito. Do you think I'm stupid?!" Medjo nataas na yung boses nya.
"Nangbababae ka ba ha?!" Tuluyan nya na akong tinaasan ng boses. This is not her. She will never raised her voice at me kahit pa sobra ang galit niya.
Hindi ko na din napigilan yung sarili ko.
Dahil sa inis muntik ko na syang masampal pero pinigilan ko yung sarili ko. Nakita ko yung gulat sa muka nya.
Kahapon pa mainit ang ulo ko dahil pinopormahan ng gagong Ralph na yon si Theodore. Hindi siya dapat dumidikit sa pag aari ko.
Kaya di ko din napigilan sarili ko kahapon na masaktan si Theo pero hindi ko intensyon yun. Mabuti nalang talaga at naintindihan niya ako at nakipag ayos siya sakin.
Parang natauhan ako ng makita ko yung takot sa mukha ngayon ni Aisha sa pag amba ko ng sampal. Ibinaba ko yung kamay ko at pinalambot ko yung ekspresyon ng mukha ko.
"I'm sorry. It's not what you're thinking. Hindi ako nangbababae." Sabi ko naman. "Nagpunta lang ako sa kakilala ko and nagkainuman, don na din ako nakatulog. I'm sorry di kita nasabihan." Lambing ko sa kanya.
Kapag pinagpatuloy ko pa ang pagkilos ng kakaiba baka makahalata na siya.
Mukang effective naman at lumambot na din yung expression ng mukha niya.
"Aalis ka ba ulit mamaya?" Tanong nya bigla. This time malumanay na yung boses niya at may halo na ding lambing.
Like she was asking for my attention.
"Oo may shoot pa kami. Why?" I asked habang nagpapalit ng damit. Lumapit sya sakin at niyakap ako mula sa likod.
"Wala lang. Gusto ko sana ng quality time with you babe." Sabi nya habang hinihimas yung abs ko.
Bakit ganito? Wala manlang ako maramdaman sa ginagawa nya bukod sa pakiramdam na parang nagtataksil ako kay Theodore? Tangina naman.
She's my wife. I f*****g love her for almost 3 years and why am I feeling like this? Mas angat na ba talaga nararamdaman ko kay Theodore?
Hinuli ko yung kamay nya at inalis ko sa pagkakayakap sakin yung braso nya at humarap ako sa kanya.
"Not now babe. I'm tired. Gusto ko munang magpahinga." I peck a kiss to her lips tsaka umalis sa closet at nahiga sa kama.
Di ko alam bakit ganito. Pero diko pa din alam gagawin ko para maging malaya kami ni Theodore. Oo, baliw na kung baliw. Pero may plano ako. At yung plano ko hindi para maging kabit lang si Theodore. I want him to be mine for the rest of my life.
Bakit ba kasi ngayon ko pa siya nakilala?
Nagpahinga muna
7PM nasa set na kame. Pagdating ko nakita kong nag uusap si Theodore at Ralph. Umiinit na agad ang ulo ko. I can see how happy the both of them while talking to each other.
At close na close naman ata sila ngayon?
Pumunta nalang ako sa tent para mag alis ng inis.
After a couple of minutes, crowded na din ng mga tao ang tent. Nandito na si Minzy, Suzy yung PA ko, at si Theodore.
Tapos na siyang makipaglandian kay Ralph? Tapos babalik siya dito sa tent na parang walang nangyare? Ni hindi niya manlang ako pinansin. O sadyang hindi niya lang ako pinansin?
Mukhang pati dito sa shoot iinit lang ang ulo ko.
Naririnig kong nagkekwentuhan silang tatlo at nagkakatuwaan pa. Biglang narinig ko yung boses ni Aisha sa labas at nanlaki yung mata ko ng makita ko siyang pumasok sa loob ng tent.
"Hi babe. I bought foods for everyone." Sabi nya sabay lapit sakin at hinalikan ako sa labi.
Automatic na napalingon ako kay Theodore na nakatingin samin at halata yung sakit na expression sa mukha nya.
Shit. Wag kang ganyan Theo. I hate seeing you like this. Ayokong nasasaktan ka.
Wala manlang akong magawa para lapitan siya.
Napatingin din si Aisha sa gawi ni Theodore na kinakaba ng dibdib ko.
"Hi Theodore. Nice to see you again." Lumapit sa kanya si Aisha at tsaka bumeso.
Wala namang weird sa ikinikilos niya pero ngayon ko lang kasi siya nakitang naging super friendly sa mga katrabaho ko. O dahil ba sa nagkakilala na sila sa bahay the last time Theodore spend his night to our house?
Baka nga siguro ganun lang at masyado lang akong nag oover think.
"H-Hi Ms. Aisha." Sabi ni Theodore na halata ding nagulat.
Nabwisit nanaman ako bigla. I grab her hand tsaka sya hinila palabas ng tent.
"What are you doing here?" Pagpigil ko na mataasan siya ng boses.
"Bakit? Masama bang puntahan ko ang asawa ko sa trabaho nya ha?" Sabi nya na pataray.
"Hindi naman sa ganun pero---"
"Pero ano? Di ka naman ganyan noon ah?!" Sabi nya na nataas na ang boses.
Oo nga naman. Hindi nga naman ako ganon pero hindi din naman siya ganito na bigla bigla nalang susulpot dito sa set.
Ayokong gumawa ng eksena dito sa set kaya nilambing ko nalang sya.
"Sorry nabigla lang ako. Hindi ka naman kasi palapunta sa set." Sabi ko tsaka siya niyakap. "Balik na tayo sa loob." Hinawakan ko yung kamay nya at pumasok na kame sa loob.
Tumingin ako kay Theodore. Hindi sya natingin samin. Tangina ang hirap neto.
Theodore Herrera
Ganito pala pakiramdam? Na patago ka lang na karelasyon? Puta. Ang hirap pala. Gusto kong umiyak.
Ngayon, mas pinamumukha sakin ng tadhana na kahiya hiya ako.
Bago pa man ako mag breakdown ay pumasok si Kuya Liam sa tent at may kasama syang familiar na tao.
"K-Kuya?" Napatingin lahat yung tao sa loob sa bagong dating.
"Miss me?" Sabi niya at tsaka ibinuka yung dalawa niyang braso at inaya akong yakapin sya. Napatakbo ako sa kanya sabay yakap sa Kuya ko. Ghad. Namiss ko sya.
"Sobrang namiss kita Kuya." Sabi ko habang naiyak.
"Ay Theo. Yung make up mo masisira." Sabi ni Suzy. "It's okay Suzy. Hayaan mo muna sila." Pigil sa kanya ni Mr. Jacob.
"Bigyan muna naten sila ng privacy. Lumabas muna tayo." Sabi niya. At naglabasan naman silang lahat.
Nang kami nalang dalawa ang matira dito sa loob ng tent nag emote na kaming dalawa.
"Kuyaaaa. Namiss kita." Sabi ko habang naatungal na parang bata.
"Ako din princess. Wag ka na ngang umiyak papanget ka nyan sige ka." Sabi nya habang pinupunasan yung luha ko. "Sayang yung make up mo oh nasisira na."
"Kailan ka pa nakauwi? Bakit di mo manlang ako sinabihan?" Sabi ko na parang nagtatampo pa ako sa kanya.
Ilang taon kaming hindi nagkita. Hindi ako masisisi dahil ilang taon akong nangulila sa pamilya ko. Lalo na sa kaisa isang tao na naniniwala sa kakayanan ko.
And now he's here. Naandito na yung taong kakampi ko sa lahat.
Ang tanong lang. Kaya ko kayang sabihin sa kanya kung anong nangyayari sakin ngayon? Matatanggap kaya niya?
"Aish. Wag kang gumanyan di bagay sayo. Kanina lang ako nakarating. Si bes lang sinabihan ko. Surprise! Edi pag sinabi ko sayo di na surprise yon." Sabi niya na tatawa tawa.
"Hanggang kelan ka dito?" Tanong ko sa kanya habang kayakap sa braso nya. Parang ayoko ng bumitaw sa kanya. Parang ayoko ng umalis siya.
"Mga 2 weeks lang kasi---"
Napatigil sya sa pagsasalita ng biglang pumasok si Kuya Eliot sa loob ng tent. At nagkatinginan pa silang dalawa.
"Eliot?"
"Garreth?"
Sabay nilang sabe. Huh? Magkakilala sila?
Garreth Hererra
"Garreth?"
"Eliot?"
Sabay na sabi namin ng lalaking nakatayo ngayon sa entrance ng tent.
Bakit ba kasi nawala sa isip ko na baka naandito din siya sa set nila Theodore? Hay nako.
Akmang aalis sya ng tumayo ako at pinigilan sya.
"Teka!" Sigaw ko. Pero di naman sobrang lakas. Sapat lang para marinig nya.
Lumingon siya sakin wearing this cold gaze of him. Pinakang masakit para sakin na ganito niya ako tignan ngayon.
"Anong kailangan mo?" Sabi niya saken. Napaka cold.
"I want to explain myself." Sabi ko naman sa kanya. Pansin ko din na naguguluhan si Theodore sa nangyayare between the two of us.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa. Iniwan mo ko ng walang paalam sapat na yon saken." Sabi niya. Di ko mapigilan yung sarili kong lumapit sa kanya at hawakan sya sa braso.
"Please let me explain. Diko gustong umalis." Sabi ko na naiiyak na.
Sana naman pagbigyan niya akong ipaliwanag yung sarili ko. Na hindi ko gusto na iwanan siya.
Tumingin lang sya saken na parang nagsasabi na ituloy ko lang yung sasabihin ko.
"Maupo na muna tayo." Aya ko sa kanya. Tsaka kami naupo. Katabi ko si Theodore at sya naupo sa tapat naming dalawa ng kapatid ko.
Nag umpisa na kong magkwento mula sa pinakang umpisa.
***
FLASHBACK
3 years ago.
24 years old na ko this time. 4 years na kaming magkarelasyon ni Eliot. Nagkakilala kami sa school na parehas naming pinapasukan currently. Sabay din kaming grumaduate ng college. Tanging magulang niya at mga kaibigan lang naming dalawa ang nakakaalam sa relasyon namin.
Ako? Hindi ako makapag sabi sa mga magulang ko. Bukod sa homophobic sila at masyado din silang perfectionist na mga tao.
They always want us to do what they say. Yung ganito, kelangan ganyan kayo. Kailangan ganyan ka. Ayokong ganito kayo. Ayokong ganyan ka.
Kinokontrol nila ako na parang isang puppet.
Hinahawakan nila kami sa leeg. Ako at ang kapatid kong bunso na si Theodore.
17 years old lang si Theodore noon at nag i start palang syang pumasok sa college.
Nag start nading mangarap ang kapatid ko at napapansin ko na rin na may pagka bakla sya katulad ko. Magandang lalake si Theodore. Mapagkakamalan mong babae. Sa hugis palang ng mukha niya na perpekto ang pagkakahulma. Pati na din sa balingkinitan niyang katawan na hindi mo manlang makikitaan ng pagiging musculine.
Gusto nyang mag artista. Ayaw ng mga magulang ko. Ang gusto nila maging marunong din si Theodore about sa business para makapag handle din sya ng other family business namin katulad ko.
Pero bilib ako sa kapatid ko. Pinaglalaban nya yung gusto at pangarap nya.
Hindi katulad ko na naging sunud sunuran sa lahat ng gusto at sinasabi ng mga magulang ko.
"Garreth, you should be like your Dad. He was now a company owner of three big businesses around our country. And we are now planning to make a deal with his business partners in States. We want you to handle our soon to be company in US. And we both looking forward to it. Wag mo kaming bibiguin."
Ayan ang palaging bukang bibig ng Mommy ko saakin. Ever since I started my college year. Papasok sa school subsob sa aral. Pag uwi ayaw nilang hindi ako makikitang halos magkanda kuba sa pag aaral even though about business related lang naman ang course ko.
Hanggang sa nalaman ng magulang ko na may karelasyon akong lalake. Hindi ko sinabi sa kanila kung sino. Dahil alam ko ang takbo ng isip nila. Kahit na alam kong may kakayanan silang makilala si Eliot at huntingin to.
Kinulong nila ako sa bahay at hindi pinalabas. Sinasabi lang nila kay Theodore na busy ako sa trabaho. Kahit ang totoo kinulong nila ako para hindi ako makipagkita sa pinaka mamahal ko. Kinumpiska din nila ang cellphone ko pati na din ang mga social media accounts ko.
They even put a CCTV camera in my room para subaybayan lahat ng kilos ko.
Nagpasya silang mag migrate sa States para makalayo ako kay Eliot at para hindi din matuloy ni Theodore ang pangarap nyang maging artista.
Pero nagmatigas si Theo.
Pinilit nila akong pumunta ng States pero ayoko. Kaya ang ginawa nila tinakot nila ako. Tinakot nila akong papatayin nila ang kapatid ko pati na rin si Eliot pag nakilala nila to.
Wala akong choice. Sumama ako sa kanila sa States ng labag sa loob ko. Na hindi manlang ako nakapag paalam sa taong mahal ko. Na hindi ko manlang nasabi sa kanya mga rason ko. Pati na rin kay Theodore na hinayaan kong maiwan mag isa dito.
Tatlong taon akong nagsisisi bakit di ko manlang pinaglaban yung gusto ko at karapatan ko. Ni hindi ko manlang napaglaban yung pagmamahal ko.
Naiinggit ako kay Theo dahil sobrang tapang nya. Nakaya nyang mabuhay ng tatlong taon na wala manlang kahit anong tulong na natatanggap mula sa magulang ko.
So I decided to stand up on my own feet. Lumaban ako. Sinabi ko sa parents ko na ayoko na. Tinakwil din nila ako.
"Wala kaming anak na bakla! Magsama kayo ng kapatid mong inutil! Tutal mga salot kayo sa buhat namin!"
This is the worst words I heard from them. Para bang hindi nila kami anak para sabihan ng ganyanga masasakit na salita.
Tama na ang pagtitiis ko ng mahabang panahon at madaming taon na kasama sila. Gusto ko naman na ako naman ang masunod sa buhay ko. Na ako na mismo ang kokontrol sa future ko and even on my present life.
Kaya nagpasya na akong umuwi nalang sa kapatid ko. And made up with Eliot kapag nagkita kaming dalawa.
END OF FLASHBACK
***
Umiiyak ako ngayon habang kinukwento ko sa kanilang dalawa mga pinagdaanan ko sa States. Biglang tumayo si Eliot sa pagkakaupo at hinatak ako sabay niyakap.
"I'm sorry. Hindi ko alam ganyan pala nangyare sayo. Kung alam ko lang pinaglaban din kita. Tagal kong nangulila sayo. Tinatanong ko sarili ko kung bakit bigla mo nalang ako iniwan ng walang paalam. May nagawa ba ako? Hindi ko ba deserve na malaman kahit sana manlang nagsinungaling ka. Kaso hindi. Ngayon alam ko ang totoo. Sana umpisa palang nalaman ko na para naipaglaban kita." Sabi niya na umiiyak na din.
"Sorry din. Hindi ko manlang nasabi sayo. I don't have any courage to call you o gumawa manlang ng paraan para malaman mo. Nahihiya ako at natatakot din na baka hindi mo na ako kausapin." Sabi ko naman na di padin nabitaw sa pagyakap sa kanya.
"I've waited for you Garreth. 3 years na pero hinihintay pa din kita." Bulong niya.
"Ahem." Tumikhim si Theodore kaya naman napabitaw kami sa pagkakayakap ni Eliot sa isa't isa.
"Magjowa pala kayo?!" Kinikilig na sabi niya. "Oh my gosh Kuya!!! Bakit hindi ko manlang alam yan?!" Nagtatampo nyang sabi.
"Sus. To naman. Halika nga dito payakap si Kuya. Namiss kita talaga!"
I think eto na din yung start para naman bigyan ng kalayaan yung sarili ko. Kalayaan na matagal pinagkait sakin ng mga magulang. Pati na din yung pagmamahal ko na naudlot, mukhang maipagpapatuloy na namin ni Eliot yun.
Pero sigurado akong marami kaming kelangang habulin dahil sa panahon na nawalay kami sa isa't isa.
Pati na din ang pagbawi ko sa kanya.
---
Thanks for reading my story! Paulit ulit na pasasalamat sa mga sumusuporta sakin! ❤️