Nanlaki ang mga mata ni Lorebel sa kaniyang mga narinig pero nagawa niya pa ring ngumiti. Mukhang nakikiayon sa kaniya ang tadhana. Nang palabasin siya ng Daddy ni Andrei sa k’warto ay hindi siya umalis agad, kabaliktaran no’n ang kaniyang ginawa. Nanatili siya sa labas ng k’warto upang pakinggan ang pag-uusapan ng mag-ama. Iniwan niyang nakaawang ang pinto upang marinig niya pa rin ang mga tao na nasa loob. Kaya nga narinig niya ang buong pag-uusap nina Andrei at ng Daddy nito. Mukhang magtatagumpay siya sa kaniyang pinaplano. Parang blessing pa ang pagkagising ng Ama ng binata dahil sa naging desisyon nito. Magkakalayo na sina Andrei at Noraine, hindi na p’wede pang maglapit ang dalawa dahil gising na ang matanda. May pagkakataon na siya na malapitan si Andrei at magawa ang kaniyang p

