MATINDING KABA ang kanilang naramdaman bago pa sila tuluyang makaluwas ng bayan ng Eldefonso. At doon lang napanatag ang kanilang mga kalooban. "G-grabe ang kaba ko kanina, hah?" hinihingal na wika ni Yvo. "Ako rin," ganting sagot ni Karadine. Saka nito pinagdaop ang kanilang palad. Kumpara kanina ay doon lang naging kalmado ang pakiramdam nila. "Siya nga pala, paano natin 'to maibabalik ang sasakyan sa mansyon?" tanong ni Yvo sa kawalan. Bahagya namang ngumiti si Karadine at sinabi, "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa kapag nagkataong matunton niya tayo. Yvo, hindi ka na niya ulit p'wedeng saktan dahil talagang kakalabanin ko siya kahit sarili ko pa siyang ama," matapang na pahayag ni Karadine. Hindi rin naman nagtagal at nakarating na rin sila sa bagong tirahan nila Yvo, sa b

