PIC- Chapter 19

2245 Words

"Saan ka nanggaling?" Natigilan siya sandali sa pagbungad na iyon ni Tamara nang magpasya sila pareho ni Yvo na bumalik sa pabrika. Pero dahil ayaw nilang makahalata ang lahat ng kanilang pagtatagpo ay sa magkaibang daan sila pumasok. Napansin niyang pinagmamasdan lamang ni Tamara ang kilos niya kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na komprontahin ito. "At bakit? Kailangan bang i-report ko sa'yo palagi kung saan ako nagpupunta, ate? O baka naman humahanap ka na naman ng butas para siraan ulit ako kay papa?" Biglang natameme si Tamara. Pahiwatig lamang na tama ang mga akusasyon niya. Kapagkuwa'y humakbang ito palapit sa kaniya nang may pagngisi. "Sabihin na nating oo, dahil simula't sapul nang bumalik ka rito ay wala na akong tiwala sa mga ikinikilos mo." Bahagya rin siyang napangis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD