PIC- Chapter 33

2465 Words

Pagkabungad na pagkabungad nila sa ama ni Yvo ay parang hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan si Karadine. Sa pagtuntong niya pa lang sa bahay na iyon ay nakita niya na ang tunay na sitwasyon ng mag-ama at kung bakit nagawang pasukin ni Yvo ang ilegal na trabaho. Nakita niya na hirap nang makalakad ang ama ni Yvo dahil sa pagkakasakit nito. Nakita niya rin ang nagkalat na mga bagay sa bahay na hindi na napag-uukulan ng panahon ni Yvo dahil sa trabaho. Pakiramdam niya'y mabigat ang pasanin na dinadala ni Yvo mula sa pagtataguyod sa ama nitong nalumpo na nang dahil sa sakit. "Pa, si Karadine po, nobya ko." Nagulat siya sa pagpapakilala sa kaniya ni Yvo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsinungaling ito sa sariling ama gayong hindi naman talaga siya ang nobya nito kundi ang kapatid niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD