PIC- Chapter 37

2187 Words

Ilang beses ding pinag-isipan ni Karadine ang araw na iyon, kung saan ay nakatakda siyang makipagkita kay Yvo sa kanilang lihim na tagpuan. At syempre, sa tulong ni Renzo ay hindi naging mahirap na lusutan iyon. Bagama't may pagtataka pa rin si Tamara sa parehong pagkawala nina Karadine at Yvo nang mismong araw na iyon. Isang matamis na yakap at halik ang ibinungad nila para sa isa't isa. Saksi ang kubong iyon sa espesyal na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit batid ni Karadine na iyon na ang huling pagkakataon na gagawin nila iyon, iyon na rin ang huling sandali na magkikita sila ng palihim dahil sa magiging kondisyon niya rito. Pagkabitiw nila pareho sa yakap ay napansin agad ni Yvo ang pangingilid ng luha niya. Kaya naman agad nito iyong pinunasan gamit ang sariling palad hab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD