PINAGMAMASDAN ko si Zoey at David habang natutulog silang magkatabi. Apat na buwan na si Zoey ngunit mukha siyang isang taon na dahil sa matangkad at mataba siya. Kung pagmamasdan mo silang dalawa para silang pinagbiyak ng bunga. Hindi mapagkakailang mag-ama sila dahil ang tanging nakuha lang sa'kin ay ang hugis ng kanyang mukha. Bumangon ako at pagkatapos ay bumaba upang uminom ng malamig na tubig. Ala-una ng madaling araw kung kaya't wala ng gising ngayon. Pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kusina. "What do you need!" Napahinto ako nang marinig ang boses na iyon. Hinanap ko ang boses na iyon at nakita kong papasok ng kusina si Papa Romano. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa na bitbit ang baso at ang pitsel. Bigla ko kasing naalala na nakasuo

