"You will die." Paulit-ulit kong binasa ang sulat na 'yon mula sa hindi kilalang tao. Nakapagtataka alam ng gustong pumatay sa'kin na sa mansyon ako ng mga Aragon nakatira. Hindi naman ako lumalabas mula ng dalawin ko ang tunay kong tatay. Nilukot ko ang papel at pagkatapos ay tinapon ko sa basurahan. Lumabas ako ng kuwarto upang kausapin ang isa sa mga katulong na tumatanggap ng sulat sa'kin. Kahit naman kasi isang libro ang ipadala nila sa'kin na deathtreat ay hindi ako matatakot sa kanila. Alam kong kilala ako ng gustong pumatay sa'kin. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko ang Mommy ni David na nakatayo sa harap ng bintana ng kanilang sala habang seryoso ang pakikipag-usap sa cellphone. Nag-aalangan akong dumaan dahil baka maistorbo ko siya. Nang maramdaman niya ako sa likuran niya a

