ZANDRO’s POV Nandito pa rin ako sa harap ng mesa at nakatitig sa pagkain na inihain ng aking asawa. Nagugutom ako at kailangan ko ito pero hindi ko naman makain dahil wala akong kasabay. Nagmamadali pa ako kanina dahil buong akala ko ay makakasalo ko na siya pero hindi pala. Umalis siya at pumunta sa kwarto niya. Ilang linggo na wala akong kasabay sa pagkain. Ang hirap lumunok ng pagkain kapag naiisip ko na hindi naman ito yung pinangarap kong buhay. Nais ko ay isang masaya at buong pamilya. Hindi pa lumalabas si baby ay hindi na agad kami buo.. Nakatulala lang ako, ni tikim ay hindi ko ginagawa sa pagkain na nasa harapan ko. Magdalawang oras na akong naka-upo rito. Hinihintay ko na lang na lumabas si Patriz para makita niya na hindi ako makakain dahil wala siya sa harapan ko. Na

