ZANDRO’s POV Nakipagkita ako kanila Perla at Lawrenz. Hindi ko alam kung bakit si Lawrenz na ang bantay nito. “Sige kuya, pwede ka naman sa bahay matulog. Kaya lang sa sala ka nga lang mahihiga. Hindi ako sure na papayagan ka ni Ate na sa kwarto ka niya matutulog. Hindi nga siya masyadong nagsasalita. Kumakain naman siya, pero madalas naririnig ko nagsusuka. May time pa rin na umiiyak siya kaya namamaga ang mga mata. Naaawa rin ako kuya, baka iniisip niya na talagang hindi mo siya mahal. Pareho ko naman po kayong naiintindihang dalawa. Kaya sana magka-ayos po kayo,” sambit ni Perla. “Mamayang gabi na lang ako papasok sa bahay ninyo, gusto ko rin siyang makita ng malapitan. Miss ko na rin siya. Patawarin mo ako Perla, hindi ko gustong masaktan ng ganoon si Patriz. Kahit ako ay nasasak

