PATRIZ’s POV Nahuhulog na talaga ako sa ka-sweetan ni Zandro. Sa pagtawag pa lang sa akin na hon ay kakaibang kilig na ang hatid. Nasasanay na rin akong tawagin siya ng ganoon. Papunta na kaming Batangas. Mabuti at hindi na ma-traffic. Ngayon pa lang ay abut-abot na ang aking kaba. Dahil sa kanyang mga kaibigan. Galing sa mayayamang pamilya ang mga ito at ako ay isang parlorista lamang na hindi pa nakapagtapos. “Hon, are you okay?” napalingon ako kay Zandro dahil kinuha nito ang kamay ko at pinisil. Naramdaman pa niya siguro na nilalamig kaya naman ganoon na lamang ang tanong niya sa akin. “Oo naman. Pero, baka pagtawanan ka ng mga kaibigan mo ng dahil sa akin.” Mas okay na maging honest ako sa kanya kung nakakaramdam ako ng ganito. Kaysa mamaya ko pa maramdaman at magmukmok sa isang

