ZANDRO’s POV Sa isang Chinese restaurant kami pumasok na narito lang din sa mall. Wala pa si Perla, kaya kaming tatlo pa lang ang magkakasama. Panay ang tunog ng phone ko at from unknown number ang lumabas sa screen. Dahil blocked na si Monica, may kutob akong siya ito. Lalo na at paulit-ulit ang tawag. Wala akong iisipin na emergency call mula sa mahal ko dahil kasama ko silang dalawa. Sina Mommy naman ay kasalukuyan pa ring nasa bakasyon nila sa Japan. Para matigil na ang pangungulit sa akin ay pinatay ko na lang ang phone ko. Magkatabi kami ni Patriz at nasa harapan namin si Zandra na panay kuha ng picture sa amin. Hindi na nga kami pinapatingin sa kanya, naririnig na lang namin ang tunog ng phone niya. Kinuha ko ang kamay ng girlfriend ko at hawak hawak ko ito sa ilalim ng mesa.

