PATRIZ’s POV Hindi pa kami parehas na kumakain ni Zandro. Galing pala siya sa meeting at ang iniisip ko kanina na nagtatampo siya ay hindi pala. Siya rin ay ganoon din ang iniisip. Akala niya ay may tampo ako. Ang pagpunta ko kanila Mommy Art ay hindi na natuloy dahil sa nangyari. Kaya heto ako ngayon at nagluluto nang pang-dinner namin. Halos maghating-gabi na kaya mabilisan lang na pagkain ang niluto ko. Noodles na may itlog. Plus may tinapay naman. Kung magsasaing at magluluto ako ng ulam, baka umaga na kami makakain. Sinabi ko naman kay Zandro at tumango ito, kaya ibig sabihin okay lang sa kanya. Iniwan ko muna sa may sala si Zandro dahil may kausap siya kanina. Dito raw siya matutulog. Pwede naman siya sa may sofa kaya lang mukhang hindi siya kakasya. Pumayag akong magpakasal lalo

