3

2122 Words
PATRIZ’s POV Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy Art ay gumaan kahit papaano ang loob ko. Isa pa hindi ako pwedeng umiyak nang umiyak dahil nasa trabaho ako. Ngayon ay junior hair stylist na ako dito sa parlor ni Madam Lucila. Kaya need kong mag-focus. Mahirap na baka mamaya ay magkamali ako, buhok pa naman ang hawak ko. Binibigyan niya kami ng chance na maka-attend ng mga seminar para madagdagan ang aming kaalaman. Ilang taon na rin ako rito. From tagalinis to junior hair stylist. Next position ay senior hair stylist at medyo mabigat na iyon. Ang maganda lang jabang tumataas ang position ay tumataas din ang sahod. Naikwento na rin nila kay Madam Lucila ang nangyari sa amin ng boyfriend ko kaya naman nagyaya ito na mag-chill daw kami after work. Ex-boyfriend na pala. Tapos na kami kagabi pa ni Edward. Blinock ko na rin ang number nito para hindi na ako matawagan. Pati mga pictures namin ay burado na. Wala na akong dapat pang panghinayangan. Umiiyak lang ako dahil nasaktan ako pero para manghinayang pa sa tatlong taon ay hindi na lang. Charged to experience na lang kahit papaano ay hindi ko naibigay ang katawan ko sa maling tao. Nandidiri ako kapag naaalala ko ang nakita ko kagabing tagpo. Hindi ako nanonood ng porn at nang makita ko sila ay gusto kong masuka sa hitsura nila. Maaga kaming nagligpit, kapag gabi na ay halos bihira na ang pumupunta at saka kanina naman ay full pack kami kaya masaya rin si Madam. Ang daming costumers at mga big time pa kaya naman may mga natanggap kaming tip. Ito ang isang maganda sa aking trabaho. Bukod sa may sweldo kami ay may tip pang binibigay ang mga costumers. Ito naman ay hindi sapilitan, kusang nagbibigay ang costumers kapag masaya sila sa kinalabasan ng trabaho namin. Kulang isang libo rin ang tip ko ngayon. Kahit si kumareng Sonia ay binibigyan pa rin ako ng tip basta may pinagawa siya sa akin. Isa siya sa mga galanteng costumers. Kahit tuwing sasapit ang Pasko ay ito pa nagreregalo sa amin. Kahit ang inaanak kong si Patriz ay may regalo sa akin taun-taon. Hindi naman siya sa akin humihingi ng kung anuman pero binibilhan ko rin siya ng regalo at masaya ako kahit mura lang ang mga laruan ay talagang appreciated niya. Masasabing okay ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang magulang. Mayaman pero napaka down to earth niya kahit bata pa lang siya. Hindi lahat ng bata ay katulad ni Zandra. Ayos na ang lahat. Malinis na ang parlor para bukas. Tapos na rin si Madam Lucila na magbilang ng pera sa kanyang kaha. Lahat ay ready na. Sa isang kainan na pwedeng uminom at may banda ring tumutugtog ang tungo namin. Sikat ito sa lugar namin kaya doon kami papunta ngayon. “Ready na ba ang lahat?” tanong pa ni Madam Lucila. “Opo Madam, ready na po kami.” sambit naman namin dito. “Yung iba pwedeng sumabay sa akin. At yung hindi na Kakasya ay sumakay na lamang kayo at mamaya ay papalitan ko ang pamasahe ninyo.” Ani Madam na talaga naman napaka-galante. Basta madaming constumers ay inilalabas din kami nito. Hindi lang naman ito ang negosyo niya. Hinila ako ni Mommy Art para sa sasakyan ni Madam Lucila kami sumakay. Yung iba ay nakasakay rin agad dahil may dumaang jeep na walang laman. Tahimik lang naman ako habang nasa byahe kami. Wala naman akong sasabihin. Si Mommy Art ang kumakanta habang sinasabayan niya ang tugtog na nagmumula sa car stereo. “Nagpaparactice na Patriz, si Mommy Art.” Wika sa akin ni Madam Lucila. “Kantahan mo kami mamaya Mommy Art.” Sakay ko naman sa sinabi ni madam Lucila. “Okay, ano bang kanta ang gusto mo? I love you, goodbye? O I remember the boy?” tanong pa sa akin ni Mommy Art. “Kahit ano pong kanta Mommy. Bagay naman po sa boses mo.” sagot ko dito. Hindi na naman kasi dapat alayan ng kanta ang lalaking iyon. Tapos na kami at kailangan ko na ring mag-move on. Ipagpalagay na lang na isang masamang panaginip ang lahat. Pagdating namin sa Calleza ito ang pangalan ng establishment, nakakuha na ng pwesto ang mga kasamahan namin. Isang mahabang mesa sa harapan ng stage kaya magandang pwesto para sa panonood namin sa banda. Madali ring mag-request ng kanta. Si Madam Lucila na ang hinayaan naming umorder. Umorder ito ng ulam at kanina dahil oras na ng dinner at saka masamang uminom kapag gutom. Hindi naman ako umiinom kaya makikinig lang ako sa banda at alalay lang ako ni Mommy Art. Madalas naman na ganito ang set up namin. Tamang tama habang kumakain kami ay nag-aayos pa lang ng stage ang bandang tutugtog ngayon. Ngayon ko pa lang sila nakita. Iba iba daw ang tumutugtog dito gabi gabi. At hindi naman lahat ng banda ay may bayad. Sa mga iniipit lang sa tissue sila nagkakapera. Ang iba kasi ay gusto lang nilang mag gig. Kaya libre lang pero malaki pa rin ang kinikita nita dahil sa mga nagrerequest ng kanta may nagbibigay ng 1k, 500 at ang mababa ay 100 pesos. Masarap ang crispy pata dito at pancit mixed. Ito ang gusto kong kainin dito kahit wala ng rice. Madalas hindi na ako nag-ra-rice sa gabi hindi dahil body conscious ako kundi nakasanayan ko na. Carb din naman ang pancit pero kahit papaano ay hindi rice. Nag-text na rin ako kay Perla na may lakad kami. Para hindi na ako nito isahog sa lulutuin niya ngayong gabi. Kapag tinamad iyon ay naninimot na lang iyon ng tira tira sa ref. Lahat ng pagtitipid ay ginagawa naming magkapatid sa mahal ng mga projects at allowance niya sa araw araw. Pero okay lang dahil malapit na siyang matapos. At hindi lang basta siya matatapos, malamang kasama siya sa may latin honors dahil consistent dean’s lister ang kapatid ko. Hindi sayang ang pawis ko para mapagtapos lang siya pag-aaral. Kahit sabihin na sa parlor lang ako nagtatrabaho ay makakapag-patapos naman ako. Kaya ipinagmamalaki ko ang trabaho ko. “Hoy! Ang lalim naman ng iniisip mo.” ani Mommy Art. Napatitig na ako sa kinakain kong pancit. Dahil lang sa pagkain ay nabalikan ko ang hirap na pinagdaanan namin magkapatid. “May naalala lang po ako Mommy Art. Pero bago mo po sabihin na si ex man na naman po ang iniisip ko ay nagkakamali po kayo. Ang iniisip ko ay ang aking kapatid dahil malapit na siyang makatapos. Mabuti po talaga Mommy Art niyaya mo po ako sa parlor na magtrabaho.” Sambit ko dito. “Iiyak na ba ako?” maarteng sambit nito sa akin. “Hahaha,” tawa ko dito. “Pero Mommy, thankful po talaga kaming magkapatid sa kabutihan mo sa amin. Hindi mo lang ako ipinasok sa trabaho. Nagkaroon pa kami ng kaibigan sa pagkatao mo.” sambit ko dito. “Patriz, hindi pa ako lasing pero parang gusto ko nang maiyak sa mga sinasabi mo.” sambit nito at kumuha siya ng tissue at nagpunas nga ito ng luha. “Mommy Art huwag ka naman umiyak, nagagaya ako sa iyo. Baka sabihin pa ng mga makakita sa atin ay iniiyakan ko pa rin ang ex-boyfriend ko.” Sambit ko dito at ngayon ay nagpupunas na rin ako ng aking mga mata. “Kasi ikaw eh, pina-iyak mo ako. May dahilan ang lahat. Kaya tayo nagkakilala ay may dahilan at masaya ako dahil maganda ang nagawa ko para sa inyong dalawa ni Perla. Pero syempre ang lahat ng ito ay nangyari dahil na rin sa kasipagan mo at ganoon din sa pag-aaral ang kapatid mo. Parehas kayong masipag na dalawa. Sige na ituloy mo na ang pagkain mo. May alak nang paparating. Pwede mong subukan.” Saad ni Mommy Art. “Hindi na po Mommy Art, okay na po ako dito at sa music.” Sagot ko sa kanya. Nag-umpisang tumugtog ang banda at talaga naman enjoy kaming lahat. Tumatayo pa si Mommy Art at sumasayaw ito. Pati ako ay papatayuin niya at partner kami. Hindi naman ako nahihiya dahil nandito kami para mag-enjoy at bawal ang KJ. Kahit si Madam Lucila ay panay ang sayaw rin. Tumigil na ang masasayang tugtugan. Nagsalita ang lead vocalist. May tinawag itong pangalan medyo pamilyar sa akin. Parang katunog ng real name ni Zandra. Si Zandro ang nakita kong umakyat sa stage. Na-confirm ko lang ito nang magsalita rin si Mommy Art. “Patriz, tama ba ang nakikita ko? Si Zandro ‘yan di ba?” wika nito sa akin. “Opo Mommy Art. Kumakanta pala siya? Kaibigan niya ang banda.” Sambit ko kay Mommy Art. Nagsalita si Zandro. “I haven’t sung in a while, so please bear with my voice. I hope to do justice to this song.” Sambit ni Zandro at bumulong ito sa tumawag sa kanya para sabihin ang kakantahin yata niya. Dinig pa ang tanong ng isang nasa stage. “Para kanino naman ang kantang ito?” at nagtawanan ang mga ito. Inilibot ko pa ang aking ulo para hanapin kung kasama nito ang kanyang girlfriend. Pero walang bakas ni Monica akong napansin dito sa loob. Nagsimula na siyang kumanta. Hindi ako pamilyar sa kanta hanggang dumating ito sa chorus. Akin ka na lang Iingatan ko ang puso mo Ito ang nasa chorus. Ang ganda ng kanyang boses. Kahit hindi ko kilala ang kumanta ng original song ay pakiramdam ko ay nabigyan nito ng justice ang kanta. Baka mas maganda pa. “Naku, Zandro, iyong iyo na ako.” Tili ni Mommy Art habang kumakanta si Zandro. Tahimik naman ang mga girls at parang mga kinikilig. Hindi ko siya napansin kanina. Pero cool na cool ito ngayon. Ang sabi ng aking kumare ay busy ang panganay niyang anak sa sariling negosyo nito. At may branches na rin. Mana raw si Zandro sa Daddy nito kay kumpareny Anton. May isa pa siyang kinanta at ganoon pa rin ang epekto niya sa mga nandito sa Calleza. Hindi naman din kami nagpagabi dahil may pasok pa kami bukas. Tumayo na kami at ngayon ay hindi na kami pwedeng sumabay kay Madam Lucila dahil mapapalayo siya. Magkaiba ang aming way. Kami na lang ni Mommy Art ang naiwan. Dahil magkalapit lang kami ng bahay kaya sabay kami nitong uuwi. “Mommy Art, taxi na lang tayo. Sagot ko na ang pamasahe.” Sambit ko dito. Naghihintay kami ng taxi ng may kotse na tumigil sa harapan namin ni Mommy Art. Napa-atras pa kami dahil baka kung sino ito. Bumaba ang salaaming bintana at bahagyang sumilip ang driver nito. “Pauwi na kayo? Sabay na kayo sa akin. Parehas naman tayo ng way.” Wika ng driver. Sinilip pa it oni Mommy Art. “Patriz, si Zandro.” Sambit nito na tila kinikilig pa. “Tara sumakay na tayo, doon din daw ang way niya.” Ani Mommy Art at hindi na hinintay ang sagot ko at sumakay na ito sa unahan ng kotse. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na rin sa back seat. “Ang galing mo palang kumanta! Ako na ang president ng fans club mo. Nalaglag na ang suot kong panty kanina.” Maarting sabi ni Mommy Art. Natawa naman si Zandro sa sinabi ni Mommy Art. “Dinampot mo pa ba?” tanong nito kay Mommy Art. “Oo naman, Itinaas ko kaagad baka pag-interesan ng mga tao doon e VS pa naman ang tatak.” Napatawa na rin ako sa joke ni Mommy Art. Madami pang sinabi si Mommy Art kaya hindi namin namalayan na nandito na kami sa tapat ng aming bahay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay namin. Hindi naman siya nagtanong kanina. Tatanungin ko pa sana kaya lang ay nakatigil na kami. “Salamat Zandro.” Iyon na lang nasabi ko. “Salamat Zandro, available ako at walang sabit kaya pwede mo akong angkinin.” Natatawang sambit nito. Mukhang game naman si Zandro dahil tinawanan lang niya si Mommy Art. “Mag-ingat ka. Ikumusta mo na lang ako kay Zandra at hindi kami nagkita kanina.” Iyon na lang ang sinabi ko at kumaway na ito para sabihing aalis na siya. “Ang bango ng sasakyan niya. Pati siya amoy na amoy ko ang sarap niyang yakapin.” Ani Mommy Art na tila nanaginip pa. “Ihatid pa kita sa bahay mo Mommy Art?” tanong ko sa kanya. “Hindi na, pumasok ka na muna sa bahay ninyo saka ako aalis.” Utos nito sa akin. Nagbeso beso pa kami bago ako pumasok sa aming bahay. Tulog na si Perla. Naglinis lang din ako ng katawan at pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD