ZANDRO’s POV Pagdating namin sa Tagaytay ay pinadiretso ko sa Rowena’s restaurant si Norbert. Doon kami kakain ng dinner. Tunaw na rin ang kinain namin na pamatid gutom kanina. Hindi ko na sila tinanong dahil mahihiya lang ang mga ito. Kaya ako na ang nag-desisyon. Masarap din ang mga inihahain nilang pagkain dito. Dahil Tagaytay City ito kilala sa baka at tawilis kaya hindi ito nawawala sa mga menu dito sa Tagaytay. Kasama sa best sellers ang Bulalo at fried tawilis na may ternong masarap na suka bilang sawasawan. Ilang orders nito ang sinabi ko at umorder din ako ng ibang ulam para siguradong may maiuulam kapag hindi kumakain ng baka o ng isda. Pero para sa akin the best na itong dalawa. “Guys, huwag kayong mahihiya. Kung may gusto kayo, sabihin ninyo lang sa akin. Ako ang bahala sa

