Blaire Mackenzie’s POV “Douglas, talaga bang hindi natin susundin ang sinabi ni Mummy na dapat hindi muna tayo magkasama bago ang kasal natin?” Hindi ko mapigilan na mag-isip kaya ito ako ngayon sa harapan niya at sinusubukan siyang kausapin tungkol sa bagay na ‘yon habang nag-iimpake naman siya ng mga damit ko sa maleta namin na dadalhin niya sa beach. Naghahanda na siya at nakaupo lang ako sa couch habang pinapanood ang asawa ko na gawin ang mga dapat ay ako ang gumagawa. “Baka mamaya totoo pala ang kasabihan na ‘yon…” Ayoko lang naman na may mangyaring hindi maganda sa kasal namin. Syempre kasal ko ‘yon kaya gusto ko na maging maayos ang takbo ng lahat. Alam kong hindi naman na ‘to unang beses pero mahalaga pa rin sa akin ‘to dahil para sa akin ay bagong memory ‘to na mabubuo ko

