CHAPTER 4

1092 Words
OCEANE POV NATAPOS na rin akong kumain at si Mama na ang naghugas ng pinagkainan namin. Ako naman ay pumasok sa loob ng kʼwarto ko para makapagpalit ng pillow case ng unan ko. Habang nagpapagpag ako ng unan naming gawa sa bulak ay nakita kong umilaw ang aking phone, nakita kong si Annie ang tumatawag sa akin ngayon. Anong kailangan kaya ng best friends ko? Tumigil sa pag—aaral ang isang ito at nagtrabaho bilang kasambahay sa Manila. Gusto ko na ring magtrabaho para makatulong kina Mama at Papa, pero ayaw nila. Masyado pa raw akong bata noon kaya hindi ako nakasama sa kanya papunta sa Manila para humanap ng work. Dalawang taon na siya sa Manila at isang beses lang umuuwi rito para makasama ang Mama niya, si Aling Nanita. “Hello, Annie? Bakit napatawag ka?” tanong ko sa kanya nang masagot ko ang kanyang call. “Hi, nasaan ka?” Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Ha? Nasa bahay lang ako, Annie. Why?” takang tanong ko sa kanya. “Akala ko nasa labas ka.” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. “Sobrang init dito sa atin, Annie. Nakakamatay ang init. Anyway, bakit napatawag ka?” tanong ko sa kanya. “Pauwi ako ngayon.” Nag—isang linya ang aking kilay nang marinig ko ang sinabi niya. “Ha? Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya at baka kasi mabingi ako sa kanyang sinabi. “Oceane, sabi ko pauwi ako ngayong araw. Pauwi.” “Pauwi? As in pauwi rito sa barangay natin? Sa Siaraya? Dito?” bulalas na sabi ko sa kanya. “Oo, Oceane! Pauwi ako sa atin ngayon! May bakasyon ako ng halos isang linggo para makapagpahinga man ako kahit papaano,” sabi niya sa akin. Gulat na gulat ang mukha ko nang marinig ko iyon. “Seryoso ba, Annie? Hindi ka ba nagpa—prank ngayon?” tanong ko sa kanya at naupo sa gilid ng kama ko. “Oo nga, Oceane. Never akong nagsinungaling sa iyo, ʼdi ba?” Oo nga naman, never siyang nag—lie sa akin. “Uuwi ka? Annie, huwag mong kalimutan ang merch ng pinakamamahal mong si Strove!” malakas na sabi ko sa kanya. “Alam ko naman iyon, Oceane. Nakabili na ako ng merch ni Strove... Hindi lang iyon dahil may surprise pa ako sa iyo mamaya once na dumating ako dʼyan mamayang umaga.” Lalo akong na—excite sa sinabi ni Annie nang sabihin niya iyon sa akin. “Really? Nakabili ka na? Aaah! Annie, excited na akong makita ka bukas!” Hindi ko napigilang mapasigaw nang malakas. “Oceane, anong nangyayari sa iyo dʼyan sa loob? Ayos ka lang ba?” malakas na sabi ni Mama sa akin at kumatok nang sunod—sunod sa kʼwarto ko. “Ah—eh, wala po, Mama! Sobrang na—excite lang po ako. Sorry po!” malàkás na sabi ko para hindi na sila mag—alala pa. “Ganoʼn ba? Akala ko ay napaano ka na dʼyan.” “Annie, napagalitan tuloy ako dahil sa sinabi mo,” mahinang sabi ko sa kanya. “Ikaw naman kasi ay sobrang excited. Bukas pa naman ako nang umaga dʼyan ang dating ko, Oceane.” Napakamot ako sa aking buhok at napangiwi. “Sorry, excited lang talaga ako. Sana iyong sinasabi mong surprise dapat maging masaya ako, ha? Anong oras ka bang darating dito? Para naman makapag—alarm ako at para naman masalubong kita. Best friend kaya kita.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Gaga! Hindi ko alam kung anong oras ako makararating dʼyan sa atin. Pero, baka by ten ng morning ay nandʼyan na ako. Marami na bang nabago?” usisang tanong niya sa akin. Nilapag ko ang aking phone saa gilid at binalik ang mga unan sa kama. “Marami naman nagbabago sa barangay natin... Every year ay nagbabago lalo naʼt daanan tayo ng bagyo,” sabi ko sa kanya sa mahinang boses. Nakarinig ako nang malakas na pagtawa mula sa kanya. “Gaga, hindi iyon ang tinutukoy ko!” sabi niya sa akin. “Linawin mo kasi, Annie,” sabi ko sa kanya. Nahiga na ako sa kama ko. “Marami—rami naman na, Annie. Paniguradong mawiwindang ka... Lalo na sa bahay ninyo, iyong sahod mo talagang may napupuntahan.” “Iyon din ang sabi ni Mama sa akin. Kaya excited na akong umuwi nang sabihin ng amo kong pʼwede akong umuwi sa atin kahit isang linggo lang ako dʼyan.” “Libre ang pamasahe mo?” usisang tanong ko sa kanya. “Oo, kaya sobrang lucky ko sa aking mga amo.” Wow, may hiring pa kaya sa work ni Annie? Gusto kong itanong pero nahihiya ako, bukas na lang kapag dumating siya. “Nasa bus ka na ba, Annie? I—a—alarm ko na ito ng 8AM. Mas mabuti nang maaga para maabangan kita sa may kanto.” “Huwag na, Oceane. Pupunta na lang ako sa bahay ninyo—” “Okay lang, Annie! Excited ako sa pagdating mo at sa merch ni Strove!” “Kaya naman pala.” Paniguradong napapailing na siya sa akin. “Magcha—chat na lang ako kapag malapit na ako, okay? Bye na, bibili pa ako ng pagkain sa may terminal. See you tomorrow morning, Oceane!” “Yes, see you tomorrow morning too, Annie! Hindi ako makapaghintay na mahawakan ang merch ni Strove.” Iyon talaga ang nasa isipan ko ngayon. “Alam ko naman iyon. Basta bukas na lang, Oceane. Huwag mo pala sabihin kina Mama na pauwi ako, ha? Hindi nila alam, sa iyo ko lang sinabi ang tungkol dito, okay?” Pinaglapat ko ang aking bibig nang marinig ko ang sinabi niya. “Mabuti na lang sinabi mo, Annie, baka nasabi ko na sa Mama mo.” sabi ko sa kanya. “Huwag, Oceane. Gusto ko silang i—surprise.” “Oo na. Mabuti na lang nasabi mo talaga. Ingat ka sa byahe, Annie! See you tomorrow!” sabi ko saa kanya. “Yeah. Bye, Oceane.” Binaba ko na rin ang call naming dalawa. “Oh my gosh! My new merch ako ni Strove ako bukas!” Hindi na ako makapaghintay na makita at makuha ang binili niyang pasalubong para sa akin. Si Strove iyon, ano. Kaya excited na excited na talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD